UGNAYANG PH-KSA NAGBAGO DAHIL SA TALUMPATI

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PANGKARANIWAN nang sinasabi na “action speaks louder than words” sa pagsusukat ng pag-uunawaan. Pero sa bagong ugnayan ng Pilipinas at Kingdom of ­Saudi Arabia ay tila mas naging makabuluhan ang “mensahe” ni Pangulong ­Ferdinand “PBBM” Marcos, Jr. Nag-ugat muli ang bagong ugnayan ng KSA at Pilipinas simula nang banggitin ni PBBM sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address na kung saan ay kanyang sinabi na “Muli nating pagtitibayin ang respeto at pagkakaibigan ng ating dalawang bansa tulad ng namagitan sa aking ama…

Read More

Sa PH maritime law enforcement agencies P430-M FUNDING PANGAKO NG US

(CHRISTIAN DALE) INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong. Inihayag ito ng White House sa pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan na malapit sa “hotly contested Spratly Islands.” “The funding will strengthen the agencies’ capabilities to counter illegal fishing, improve maritime domain awareness, and provide search and rescue support, including in the disputed South China Sea,” ayon sa Estados Unidos.…

Read More

KILALANIN MUNA NA MAY PAGLABAG SA HUMAN RIGHTS – US VP HARRIS

SINABI ni United States Vice President Kamala Harris na ang paglaban sa karapatang-pantao ay nagsisimula sa pagkilala na ang paglabag rito ay umiiral. Kasabay nito, pinaalalahanan ni Harris ang human rights defenders na manatiling matatag dahil hindi sila nag-iisa sa laban. Sa isang town hall meeting kasama ang human rights defenders at Filipina civil society leaders, sinabi ni Harris na nakausap na niya ang nangungunang Filipino human rights activists sa backstage bago ang event. “Don’t give up. There is so much about the fight for human rights that requires us…

Read More

SMUGGLED YOSI MULA ZAMBO SILAT SA CEBU

ISA na namang kontrabandong naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo ang nahagip ng Bureau of Customs (BOC) sa lalawigan ng Cebu. Ang itinuturong pinanggalingan – Zamboanga na naman! Sa kalatas ng BOC-Cebu, umabot sa 700 reams ng imported na sigarilyong laman ng delivery van na sakay naman ng isang ferry boat ang nasilat ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) habang binabaybay ang karagatan papunta sa Camotes Island. Pagtataya ng BOC-Cebu, nagkakahalaga ng hindi bababa sa P0.35 milyon ang nakumpiskang kontrabando. Kumpiskado rin ang delivery van, ayon sa mga…

Read More

P2-B PANUKALANG PONDO NG DENR PINALILIPAT SA PH CHILDREN’S MEDICAL CENTER

HINIMOK ni Sen. Raffy Tulfo ang mga kasamahan sa Senado na pagbigyan ang kanyang kahilingang tapyasin ang P2 bilyong pondo ng Department of Environment and Natural Resources para sa susunod na taon at ilipat sa Philippine Children’s Medical Center. Ito ay makaraang ilarawan ni Tulfo ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga batang pasyente at maging ng mga doktor, nurses at medical personnel sa pagamutan. Ilan sa binanggit ng senador ang sira-sirang mga bintana na tinatakpan lamang ng plywood, wasak-wasak na mga kisame, walang maayos na ventilation at kakulangan sa mga…

Read More

BAGONG BABALA VS ONLINE SCAMMERS

boc

KASABAY ng bugso ng masiglang kalakalan sa nalalapit na Kapaskuhan, isang panibagong babala ang inilabas ng Bureau of Customs (BOC). Anila – huwag magpabudol sa mga online scammer. Ayon sa BOC, may mga natanggap na reklamo ang kawanihan mula sa mga diumano’y nabiktima ng online scammers na nag-alok o humihingi ng tulong kaugnay ng “naipit na padala” ng mga kamag-anak sa ibang bansa. Anila, karaniwang gamit ng mga scammer ang mga fake account sa social media kung saan umano naghahanap ng kanilang mabibiktima. Modus din umano ng mga scammer ang…

Read More

AGRESIBONG KOLEKSYON VS. BUDGET DEFICIT – DOF

KUMBINSIDO ang Department of Finance (DOF) na mas maliit kumpara sa inaasahang budget deficit ang maitatala sa pagtatapos ng taon – sa tulong ng dalawang kawanihan ng pamahalaan – ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). “The government has ramped up efforts to maintain fiscal discipline through its revenue agencies, which have surpassed their programmed collections for 2022,” pahayag ng Finance Secretary Benjamin Diokno, kasabay ng pagkilala sa BOC kaugnay ng record-breaking revenue collection sa nakalipas na apat na buwan. Para kay Diokno, malaking ambag ang…

Read More

P100-B SURPLUS SA PAGTATAPOS NG TAON – BOC

ISANG panibagong record-breaking collection ang inaasahan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagtatapos ng taon, ayon sa tagapagsalita ng nasabing ahensya, kasunod ng pagtatala ng labis pa sa itinakdang P721.52 billion 2022 revenue target. Base sa pagtataya ng ahensya, posibleng pumalo ng higit pa sa P100 billion ang maitatalang collection surplus ng kawanihan. Sa datos ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P745.5 billion ang kabuuang halaga ng pondong nakalap ng BOC mula Enero hanggang Nobyembre 11 ng kasalukuyang taon – labis pa ng halos P24 billion kumpara sa…

Read More

AMBAG SA EKONOMIYA

Imbestigahan natin Ni Joel O.Amongo HINDI biro ang dagok ng krisis na kinakaharap ng bansang Pilipinas. Inflation rate, patuloy na banta ng pandemya, hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, kabi-kabilang dagdag-presyo, pagtaas ng singil sa serbisyo at ang pinsalang iniwan ng mga nakaraang kalamidad – ilan lang ‘yan sa mga dahilan sa likod na dinaranas na kahirapan ng mga Pilipino. Gayunpaman, nananatiling nakatindig ang mga Pilipino bunsod marahil ng inilatag na reporma sa pamahalaan, partikular sa Bureau of Customs (BOC) kalakip ang mandatong tiyakin ang kaayusan ng kalakalan sa…

Read More