‘BUSINESS AS USUAL’ PALITAN NA – MARCOS JR.

HINDI na uubra pa kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang “business as usual” para maging matagumpay ang bansa. Para sa Pangulo, kailangan nang isulong ng local leaders at civil society groups ang pagbabago na magsisimula sa kanilang komunidad para makatulong sa lipunan at ekonomiya. Sa talumpati ng Pangulo sa Galing Pook Awards ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na ang tagumpay ng isang bansa ay depende sa inobasyon o isusulong na pagbabago. “Hindi na talaga pupuwede ang business as usual. Kailangan nag-iisip lagi tayo, ano ba ‘yung puwede…

Read More

PINOY SCIENTISTS HINIMOK NI PBBM MANATILI SA PINAS

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipino scientists at researchers na manatili sa Pilipinas. Naniniwala ang Pangulo na magiging ‘active partners’ sila ng gobyerno pagdating sa nation-building. Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 2022 National Science and Technology Week (NSTW) celebration na idinaos sa World Trade Center sa Pasay City kahapon. Dumalo rin sa nasabing okasyon si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. “I encourage our Filipino scientists, researchers, inventors and innovators, to continue sharing your expertise, especially to young people. I urge you to stay…

Read More

Expulsion sa PFP ipinagkibit-balikat KATAPATAN SA PILIPINO HIGIT KAYSA PARTIDO – ATTY. VIC RODRIGUEZ

“MY loyalty to the party ends where my loyalty to my country begins.” Ito ang tugon ni former Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kaugnay ng isinapublikong resolusyon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pagpapatalsik sa kanya bilang miyembro at PFP executive vice-president. Ayon kay Rodriguez, hindi kabawasan sa kanyang pagkatao at pagiging Pilipino ang naturang partido – “Wala naman sa akin iyon. Hindi naman kawalan.” “It’s an internal matter that should have been resolved internally. Kaya lang, eh ginamit nila iyong naging desisyon nila at instead na ako ang…

Read More

PAGBISITA NI US VP HARRIS SENYALES NG SUPORTA SA PH

NAGPAPAHIWATIG ng malakas na international support sa Pilipinas ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris. Pinapurihan ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang pagbisita ng ikalawang pinakamataas na pinuno ng Amerika dahil nagpapadala aniya ito ng malakas na senyales na hindi papayag ang mga bansang kaalyado ng Pilipinas sa pambu-bully ng China. Sa isang pahayag, pinuri rin ni Bordado sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa pagsusulong ng pagpapalakas ng bilateral na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Si Harris…

Read More

GURO NA 57-ANYOS PWEDE NANG MAGRETIRO

PINAGTIBAY na sa committee level ang panukalang ibaba sa 57-anyos ang optional retirement age ng public school teachers mula sa kasalukuyang 60-anyos. Sa pagdinig ng House committee on government enterprises and privatization, inaprubahan ang House Bill (HB) 206 upang maagang makapagpahinga ang mga guro. “Teaching in our country’s public school indeed a challenging occupation, with duties claiming much from teachers not just physically, but emotionally and psychologically as well,” ayon sa pinagtibay na panukala. Nakasaad sa panukala na bugbog-sarado sa trabaho ang mga public school teacher dahil bagama’t anim na…

Read More

EMBIID-LESS SIXERS NALO SA NETS

Ni VT ROMANO WALANG Joel Embiid-Ben Simmons face-off sa pagbabalik ng huli sa Philadelphia. Pero ang homecoming ni Simmons ay nasira bunga ng 115-106 pagkatalo ng Brooklyn Nets sa Sixers, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Nagtala si Tobias Harris ng 24 points upang tulungan ang Sixers habang wala sina Embiid at James Harden. Hindi naman nagpaapekto si Simmons sa pag-boo ng home crowd at ginawa ang trabaho niya sa Nets nang kumamada ng 11 points, 11 assists at seven rebounds. Nagdagdag si Kyrie Irving ng 23 points at si…

Read More

6 MILYON PAMILYANG PINOY MAGKAKABAHAY NA!

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO HINDI natin masisisi ang napakaraming mahihirap nating mga kababayan na makadama ng kalungkutan at kabiguan dahil sa araw-araw na dinaranas nilang kahirapan at iba pang mga hamon sa buhay. Likas naman sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagtiis at handa nilang isakripisyo maging ang sarili nilang kaligayahan at kapakanan, basta makita lamang nila na naitataguyod nang maayos ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman isa sa pangunahing pangarap ng bawat magulang ay mabigyan nila ng disenteng tirahan ang kanilang pamilya. Base sa datos ng…

Read More

CHINA NANGGAGO NA NAMAN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD WALANG ipinagkaiba sa siga sa kanto ang China na mahilig maghamon at nagsisimula ng gulo at kapag nahuli ay ­itinatanggi ang kanyang ginawa at palalabasin na sinungaling ang nag-aakusa sa kanya. At ang kapansin-pansin pa, kung kailan may bisita tayong lider ng Amerika na si US Vice President Kamala Harris ay saka nagsisimula ng gulo na tila ba naghahamon tulad ng sapilitang pang-aagaw sa debris ng ­kanilang rocket na nakita at ­hinihila ng ­Philippine Navy sa Pag-Asa Island noong November 20. Wala itong ipinagkaiba sa kanilang…

Read More

PAANO KAMI NAGING PARTE SA PROBLEMA NG ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES? PART 2

RAPIDO Ni PATRICK TULFO BAGO namin hawakan ang mga reklamo ukol sa abandonadong balikbayan boxes na inilapit sa amin ng daan-daang mga kababayan natin mula sa United Arab ­Emirates (UAE), wala po kaming alam sa negosyong ito. Isa sa mga kumpanyang ­inireklamo sa amin ay ang Cargoflex na pag-aari ni Mr. Arlie Tero at bago pa man kami nagkaharap ni Mr. Tero sa opisina ng MICT collector ay nakapanayam na namin ang maybahay nito na si Dinah Tero sa aming programa sa DZME 1530khz upang hingiin ang ­kanilang panig ukol…

Read More