NBI PASOK DIN SA BOC BORDER PROTECTION

DAVAO CITY – Sa hangaring palakasin ang border protection sa gawing timog ng bansa, napagkasunduan ng mga kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang sabayang pagkilos, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan kontra smuggling at human trafficking. Sa isang kalatas ng BOC-Davao, inihayag ang naganap na pagpupulong kung saan inilatag ang mga estratehiya at angkop na pagtugon para tuldukan ang mga ilegal na pagpasok ng mga kontrabando at pagpasok ng mga banyagang hindi dokumentado. Kabilang din sa lumahok sa talakayan ang…

Read More

P2.65-M COCAINE HAGIP SA TAGUIG

MATAPOS ang tagumpay sa likod ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Muntinlupa, agad naman nasundan ng isa pang pagsalakay kontra droga sa kalapit na Lungsod ng Taguig. Sa pagtataya ng BOC, aabot sa P265 milyon ang ha­laga na nakumpiskang cocaine na nasamsam mula sa isang storage facility sa AFP-RSBS Industrial Park, Km. 12, East Service Road, Taguig City. Bukod sa cocaine, nakadiskubre rin ang mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port…

Read More

Garantiya ni Ruiz DROGA WALANG KAWALA SA PALIPARAN, PANTALAN

boc

ANG dati-rating paraiso ng mga sindikato, isa na ngayong sakit ng ulo, paglalarawan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng pagtitiyak na wala ng nakalulusot na droga sa mga pinangangasiwaang pantalan at mga paliparan. Para kay Ruiz, mala­king bentahe ang matibay na pakikipag-ugnayan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga katuwang na ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Hindi rin aniya papadaig ang mga reporma sa kawanihan at ang modernisasyon sa proseso…

Read More

SMUGGLED YOSI TIMBOG SA JOLO

HINDI nakalusot sa mapagmatyag na operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P1-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong pinaniniwalaang pinadaan sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu. Sa ulat ng BOC-Zamboanga, umabot sa 30 mass cases ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng mga alistong ope­ratiba mula sa hanay ng Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), katuwang ang Jolo Municipal Police Station. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nagsagawa ng pagpapatrolya sa bisinidad ng Zone 3, Barangay…

Read More

Para sa taong 2023 ISANG TRILYON TARGET NI RUIZ

Ni JOEL O. AMONGO KUNG gusto, may paraan, kung ayaw, maraming dahilan. Ito marahil ang nagtulak sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) para itaas ang antas ng target collection ng kawanihan bago matapos ang kasalukuyang taon. Sa isang kalatas, itinakda ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mas mataas na target collection bunsod ng malusog na kalakalang dala ng pagbabalik sa normal ng ekonomiyang nasadlak dahil sa pandemya. Aniya, kakayanin ng ahensya na mahagip ang tumataginting na P1-trilyong koleksyon sa pagpasok ng taong 2023. Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na…

Read More

PAGSISIYASAT SA REGULASYON NG MOTORCYCLE TAXIS, TUTUKAN

SA GANANG AKIN Ni JOEL ZALDARRIAGA MATAGAL nang suliranin ng bansa ang kalidad ng pampublikong transportasyon. Marami sa mga komyuter ang ­itinuturing na kalbaryo ang pagbiyahe dahil sa ­kakulangan ng opsyon ng pampublikong transportasyon na resulta ng kakulangan sa imprastraktura para rito gaya ng mga riles, mga tulay, mga terminal, at mga pantalan. Hindi tuloy maresolba ang mabigat na daloy ng trapiko sa bansa. Sa lala ng daloy ng trapiko, tila wala na yata ang konsepto ng “rush hour”. Hindi kataka-takang maraming mga motorista ang mas gumagamit ng motorsiklo upang…

Read More

CONG. ARJO ATAYDE AT COUN. DOK G LUMBAD, MGA TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MARAMI ang nakakapansin na ‘super sipag’ talaga nina 3rd Dist. Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad at 1st Dist. Rep. Arjo Atayde. Kamakailan, dinalaw ni Dok G ang Brgy. White Plains sa Quezon City kung saan namahagi ito ng mga libreng gamot at Dok G Card. Aba’y halos araw-araw na ang pag-iikot ng #TeamDoKG sa mga barangay ng District 3. Nais niyang mabigyan ang mga benepisyaryo ng bagong card. Nagtungo rin ang grupo ng konsehala sa Daan Tubo at Marytown, Loyola Heights. “Lahat…

Read More

SERYOSO ANG USAPIN TUNGKOL SA TUBIG

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. NAPAKAHALAGA ng malinis na tubig sa buhay ng tao at kung mawawala ito ay tiyak na magiging katapusan na ng mundo. Ito Ang Totoo: Tatagal ng hanggang tatlong (3) linggo ang buhay ng tao nang walang pagkain pero swerte na sa tatlo (3) o apat (4) na araw kung walang tubig na inumin, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto. Mapalad ang Pilipinas na sagana sa mga natural na pinanggagalingan ng tubig kaya tuloy hindi sineseryoso ng marami ang posibilidad na mawala ito.…

Read More

SINO ANG ITLOG NA BUGOK SA BI-NAIA?

BISTADOR Ni RUDY SIM SIMULA pa lamang nang pumutok ang pandemya ay isa sa mga maituturing na lihim na bayani ang immigration officers na nakatalaga sa mga paliparan upang bantayan ang pagpasok at paglabas ng bansa ng mga dayuhang banta sa seguridad ng ating bansa. Marami rito ang frontliners na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ngunit hindi ito naging hadlang upang buong tapang na harapin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Mayroon tayong natanggap na impormasyon mula sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na patuloy na naniniwala at nagtitiwala…

Read More