KADIWA PROJECT TULOY-TULOY – PBBM

(CHRISTIAN DALE) SINIGURO kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang implementasyon ng Kadiwa project kahit tapos na ang Kapaskuhan. Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa Filipino consumers. Sa isinagawang Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag-tie-ups sa Local Government Units (LGUs) upang matiyak ang tagumpay ng proyekto. “Magtutulungan na ang Office of the President (OP) at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat…

Read More

PROPOSALS NG US SA EDCA NIREREPASO PA

NIREREPASO pang mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anomang pagsalakay. “Well, the Mutual Defense Treaty is continuously under negotiation and under evolution. I always call it… it’s an evolution because things are changing. The request — there have been many requests and proposals from the Americans,…

Read More

P10-B PONDO PARA SA NTF-ELCAC? NO WAY! – GABRIELA

ISANG malaking kasalanan sa taumbayan kung bibigyan ng P10-bilyong budget ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon sa isang militanteng kongresista. Litanya ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, lubhang nakakabahala ang pag-amin ni House Committee on Appropriations Committee chairman Rep. Rizaldy Co hinggil sa planong ibalik sa P10 bilyon ang 2023 budget ng NTF-ELCAC. Sa bersyon ng Kamara, P5 bilyon lang ang pondong inaprubahan ng kongreso. Tugon naman ni Co, lubhang mahalaga para sa pamahalaan na bigyan ng sapat na pondo ang NTF-ELCAC para tuluyan…

Read More

HEAT TINUSTA NI TATUM, CELTICS

WALONG 3-pointers at season-high 49 points ang ipinutok ni Jayson Tatum sa panalo ng Boston Celtics laban sa Miami Heat, tungo sa 134-121 victory, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa TD Garden sa Boston. Ito ang ikatlong 40-point game ng All-Star player ngayong season at patuloy na nangunguna bilang league’s top-rated offense at sa maagang MVP race sa kanyang sixth NBA season. Ang Boston, may shooting 55% (46-for-83), ay nakakalimang sunod nang panalo, 14 sa huling 15 games. Si Tatum ang pumukol sa unang six points ng Celtics at…

Read More

HOTSHOTS KAKAPIT SA NO.2

Ni ANN ENCARNACION HULING twice-to-beat advantage ang target ng Magnolia Hotshots sa pagsagupa sa Rain Or Shine Elastopainters sa tampok na laro ng 2022 PBA Commissioners’ Cup eliminations sa PhilSports Arena ngayon (Biyernes). Asam ng Hotshots sungkitin ang panalo kontra ­Elastopainters na magsisimula alas-5:45 ng hapon, upang manatili sa ikalawang puwesto at makuha ang natitirang insentibo papasok ng quarterfinals. Tanging top two teams sa pagtatapos ng eliminasyon ang awtomatikong makakakuha ng twice-to-beat bonus, na ang isa ay nasambot na ng ngungunang Bay Area Dragons. Huling tinalo ng Magnolia (9-2 win-loss)…

Read More

MGA ISYU SA NAIA AT BUREAU OF CUSTOMS

RAPIDO NI PATRICK TULFO PEKE raw ang immigration stamp na ginamit sa passport ng isa sa mga kababayan natin na muntik nang maging biktima ng human trafficking, sa imbestigasyon na ginagawa ngayon ng Senado sa alegasyon ng human trafficking sa bansang Myanmar. Ito ay ayon mismo kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval. Muling nadawit ang BI sa mainit na isyung ito matapos ang testimonya ng isa sa mga biktima nang sabihin nito na may tatak na ang kanyang passport mula Immigration nang ibalik ito sa kanya. Nadawit din…

Read More

SAGAD HANGGANG BUTO ANG PAGOD NG 2 OFW SA KUWAIT

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP SAGAD-SAGAD sa trabaho ang himutok ng ating mga kabayani sa bansang Kuwait, kaya napilitan na silang magsumbong at humingi ng tulong sa AKO OFW. Isang video ang kanilang ipinadala upang patunayan at ipakita ang trabaho na kanilang ginagawa sa utos ng kailang employer. Ang sumbong ay nagmula kay Jenelline Blanche at Christina Perez na nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Catalist International Manpower noong Marso 30, 2022. Ayon kay OFW Perez, “Masyado na po kaming ­over-work at walang pahinga sa ­aming trabaho. Simula…

Read More

HINDI MAKALULUSOT ANG GRAB PHIL SA KONGRESO

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON UMUUSOK sa galit si Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo laban sa Grab Philippines. Ito ay sa ­usaping tila mapang-abuso ang nasabing TNVS o Transport Network Vehicle Service sa sobrang paniningil nila sa kanilang mga pasahero. Ayon kay Rep. Quimbo, may kapangyarihan ang Philippine Competition Commission (PCC) na imbestigahan ang Grab Philippines sa paglabag sa presyo ng paniningil sa kanilang mga pasahero. Noong taong 2018, nangako ang Grab Philippines na boluntaryo silang hindi magtataas ng singil alinsunod sa polisiya ng LTFRB. Ayon kay…

Read More

CONG. FRANZ PUMAREN, TODO ANG SUPORTA SA ‘KADIWA NG PASKO’ NG MARCOS ADMIN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TODO ang suporta ni Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren sa ‘Kadiwa ng Pasko’ project ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kamakailan, ­nag-courtesy call kay Pumaren sina ­Department of Agriculture (DA) Market Specialist III Ma. Rosario Alba at Market Specialist II Cindee Piring. Ayon sa tanggapan ni ­Pumaren, “Pinag-usapan nila ang inisyatibo na umpisahan ang implementasyon ng programang Kadiwa para sa kanyang mga nasasakupan sa QC District 3.” “Layunin ni Congressman Franz na mabigyan ng access sa de-kalidad at abot-kayang ­gulay,…

Read More