IMPORTER SABIT SA P63-M FROZEN GOODS MULA HK

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakatalang negosyante sa likod ng pribadong kumpanyang diumano’y nagtangkang magpuslit ng hindi bababa sa P63-milyong halaga ng mga frozen goods mula Hong Kong. Sa kalatas ng ahensya, kasong “misdeclaration of goods” ang ihahain ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) laban sa Victory JM Enterprise OPC kaugnay ng nadiskub­reng frozen tofu, chicken paws, boneless beef, Viet­namese suckling pig, at beancurd skin sa apat na containers na unang idineklarang naglalaman ng “frozen prawn balls.” Sa pagsisiyasat ng BOC,…

Read More

Tao namin, pasahod namin – BOC spox BOC, UMALMA SA SC RULING

PINABULAANAN ng Bureau of Customs (BOC) na inoobliga ng kawanihan ang mga airline companies na balikatin ang overtime pay ng mga empleyado ng naturang ahensya. Paglilinaw ni Arnaldo Dela Torre na tumatayong tagapagsalita ng kawanihan kaugnay ng lumabas na desisyon ng Kor­te Suprema kamakailan, taong 2012 pa lang ay BOC na ang nagbabayad ng overtime pay ng kanilang mga empleyadong nagtatrabaho ng higit pa sa walong oras. Partikular na tinukoy ni Dela Torre ang Customs Administrative Order 7-2011 na aniya’y basehan ng BOC sa paglabas ng pondong ginamit na pambayad…

Read More

WHITE ONION TIMBOG NA NAMAN SA TONDO

MATAPOS ang matagumpay na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling sa Lungsod ng Maynila kamakailan, binalikan ng mga operatiba ang naturang lugar kung saan nasa P2-milyong halaga naman ng puting sibuyas ang tumambad sa mismong kalye kung saan unang nahagip ang nasa P30 milyong halaga ng smuggled white onion. Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay ng mga operatiba ang isa pang bodega sa Kalye Sto. Cristo sa Tondo, Maynila kasunod ng mga…

Read More

P76.77-B para lang sa Nobyembre ACTUAL COLLECTION APAW, LIGLIG, SIKSIK

TULAD na inaasahan, mu­ling nagtala ng higit pa sa itinakdang monthly target revenue collection ang Bureau of Customs (BOC). Sa datos ng BOC Financial Service Office, pumalo sa P76.77 bilyon ang nalikom na pondo ng kawanihan mula sa buwis at taripang kalakip ng pagdagsa ng mga kargamento. Lumalabas na mas malaki ng P16.176 bilyon (katumbas ng 26.7% surplus) ang naipasok ng kawanihan sa kaban ng bayan – malayo sa P60.6 bil­yong collection target para sa buwan ng Nob­yembre. Kung pagsama-samahin ang isinampang pondo ng BOC mula Enero hanggang Nobyembre, lumalabas…

Read More

BILIB KAY RUIZ

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO MINSAN pa, pinatunayan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang pagiging maginoo sa ipinamalas na isang salita sa larangan ng pangangasiwa ng Bureau of Customs (BOC). Sa loob ng apat at kalahating buwan, nagpakitang gilas si Ruiz – hindi lamang sa pagtugis ng mga tiwali at sindikato sa likod ng malawakang puslit-kontrabando kundi maging sa aspeto ng koleksyon, sukdulang napabilib ang economic team ng administrasyon. Sa isang pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila kung saan isa sa mga panauhin si Finance Secretary Benjamin Diokno,…

Read More

34 MISSING SABUNGERO ‘DI TIYAK NA BUHAY PA

AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala pa rin silang nakukuhang proof of life sa 34 nawawalang sabungero sa gitna ng puspusang imbestigasyong isinasagawa ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kaso. Ayon kay PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., hindi pa rin nila makumpirma sa ngayon kung nasaan ang mga sabungero kaya walang patunay na buhay pa ang mga ito. Sinabi pa ng PNP Chief na inaasahan na ng kanilang hanay ang “pinakamasamang” nangyari sa mga sabungero kasabay ng pagtiyak na hahabulin ng PNP ang…

Read More

REGISTER ANYWHERE NG COMELEC PARA LANG SA BAGONG BOTANTE

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na ang “Register Anywhere Project” (RAP), na ilulunsad sa susunod na linggo ay limitado lamang sa bagong botante at transfer of registration registrants. Ayon sa Resolution Number  10869, ipinaliwanag ng Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ay tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila. “The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted.” Sa ilalim ng proyekto, maaari nang magparehistro…

Read More

3 ONLINE SELLERS NG PEKENG YOSI TIKLO

BINALAAN ang publiko na huwag makipagtransaksiyon sa Market Place sa Facebook hinggil sa mga pekeng produkto matapos masabat ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang tinatayang P250,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo sa pagsalakay sa San Andres Bukid, Manila noong Linggo ng hapon. Tatlong suspek ang naaresto sa operasyon na kinilalang sina Jerome Pagobo, 31; Elma Facunda, 45, at Cesar Piasto Jr., 36, pawang nakatira sa San Andres Bukid, Maynila. Ayon sa ulat na isinumite ni P/Major Jake Arcilla kay P/Lieutenant Colonel Orlando Mirando, Jr., commander ng MPD-Sta. Ana Police…

Read More

LADY NARCO TRADER TIMBOG SA DRUG BUST

NASAKOTE ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4A, ang umano’y babaeng narco trader habang nakatakas naman ang live-in partner nito na si alyas “Ward” na target sa drug bust operation. Napag-alaman na si Ward ang kausap ng poseur buyer habang pinaplantsa ang transaksyon. Pasado alas-nuwebe ng gabi noong Lunes, pinapunta ni Ward ang poseur buyer sa Bernabe Compound, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City. Ngunit pagsapit ng poseur buyer sa lugar ay ang live-in partner ni Ward na kinilalang si Jennyflor Pecaña y Quilicol,…

Read More