Taumbayan dapat magbantay MAHARLIKA MASAHOL PA SA COCO LEVY FUND

(BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang marginalized sector na mas malala sa Coco Levy Fund ang kahantungan ng isinusulong na Maharlika Wealth Fund (MWF). Sa Coco Levy Fund ay itinuturing na na-scam ang mga magniniyog sa bansa dahil ang pondo na kinuha sa kanila ay hindi nila napakinabangan. Ayon kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, kung sa mga magniniyog ay P70 billion lamang ang kinuha na umano’y ipinambili ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco ng share sa San Miguel Corporation (SMC) noong 1982, mas malaki ang sangkot na halaga sa…

Read More

Parang walang gobyerno – solon INFLATION RATE PAPALO SA 8.5%

MAGPAPATULOY ang pagtaas ng inflation rate, babala ng isang kongresista matapos lumabas ang datos hinggil sa estado ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. Paniwala ni House Ways and Means Committee chair Rep. Joey Salceda, posibleng pumalo sa record-high 8.5% ang inflation rate na indikasyon ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa umiiral na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. “As I emphasized in August, inflation could peak to 8.5% this year,” ani Salceda kaugnay ng 8.0% inflation rate – pinakamataas sa nakalipas na 14 taon – na…

Read More

Sa panukalang tabletas sa halip na pagkain sa mahihirap NETIZENS: MARCOLETA IPADALA SA IBANG PLANETA

(FERNAN ANGELES) MATAPOS ang “kakaibang” solusyong giit ng isang kongresista para sa mga kumakalam na sikmura ng mga maralitang Pilipino, isang petisyon ang inihain ng grupong change.or – ang target ng petisyon, ipadala sa ibang planeta si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta. Sa ginanap na deliberasyon ng Commission on Appointments (CA) sa interim appointment ni Renato Solidum bilang Kalihim ng Department of Science and Technology (DOST), iminungkahi ni Marcoleta ang paglikha ng tabletas na kahalintulad ng astronaut pills na ginagamit sa mga space exploration. Ayon kay Marcoleta, hindi na makakaramdam…

Read More

Nagbitbit kay PBBM pero walang gustong umanib PARTIDO FEDERAL NILALANGAW

ANIMO’Y sakit na iniiwasan ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) dahil bukod sa hindi gumagalaw ang kanilang bilang sa Kongreso ay hindi rin nadagdagan maging ang kanilang governors. Ang PFP ang partidong nagbitbit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong 2022 elections. Sa kabila nito, tila walang magic ang PFP dahil hindi naglipatan dito ang mga politiko sa ibang partido kahit mga kaalyado ng Pangulo. Taliwas sa kaso ng Lakas-Christian Muslim Democrat (CMD) na muling nadagdagan ang bilang ng kanilang governors matapos manumpa si Albay Governor Edcel Greco Lagman kay Speaker…

Read More

P1.2-M UKAY-UKAY NASABAT SA MATNOG PORT

TINATAYANG umabot sa P1.2 milyong halaga ng hindi dokumentadong used clothes o ukay-ukay ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port sa Sorsogon. Batay sa ulat ng PCG, nadiskubre ang 41 bundles ng mga ukay-ukay sa loob ng isang puting pampasaherong van. Hinanapan ang mga suspek ng mga dokumento subalit wala umanong maipakita kaya  kinumpiska ang mga ukay-ukay dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653. Nasa kustodiya na ng Bureau Of Customs ang naturang sasakyan para sa masusing imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO) 188

Read More

64-ANYOS NA LOLA PATAY SA BACKHOE

patay

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 64-anyos na lola nang nasagasaan ng isang backhoe habang naglalakad sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Laura Dequena Evangelista, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite, na agad namatay sa lugar ng insidente. Habang hawak na ng pulisya ang operator ng backhoe na si Jackson Movilla Lacandola, 42, ng Brgy. Tibig, Silang, Cavite Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, naglalakad ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi ngunit pagsapit sa tapat ng isang Sari-sari store sa…

Read More

3,524 TITULO IPAMAMAHAGI NG DAR SA COTABATO

PARA maipatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libreng ipamahagi ang lupang agraryo sa mga walang lupang masasaka, nakatakdang ipamahagi ni  Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 3,524 certificates of land ownership award (CLOAs) sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Kidapawan, North Cotabato sa Disyembre 10, 2022. Sinabi ng DAR, may kabuuang lawak na 6,103 ektaryang lupain ang ipamamahagi sa 3,273 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lugar. “I will personally deliver these land titles to give them hope, to let them feel that the government is here ready to…

Read More

BUMBAY INAMBUSH SA NAVOTAS

SUGATAN ang isang Indian national makaraang dalawang beses na barilin ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Navotas City. Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Kumar Sandeer, 35, ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City, habang blangko pa ang pulisya kung sino ang suspek sa krimen. Ayon sa saksing si John Andrei Arag, 35, pedicab driver, ipinipedal niya ang kanyang pedicab habang nasa unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu corner Dalagang Bukid, Navotas City, dakong 9:50 ng umaga noong Disyembre,…

Read More

P20-M AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT

NASABAT ng Bureau of Customs ang tinatayang P20.2 milyong halaga ng smuggled na agricultural products sa Port of Subic, katuwang ang Department of Agriculture. Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, naglabas ng Alert Orders noong Disyembre 1 laban sa mga shipment ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading, mula sa China. Isinailalim sa physical examination ang mga container van noong Disyembre 6, sa presensya ng mga opisyal ng BOC at kinatawan ng DA sa pangunguna ni Asst. Secretary James Layug, Subic Bay Metropolitan Authority, Philippine Drug Enforcement…

Read More