3 ARESTADO SA BUY-BUST SA ZAMBALES

CASTILLEJOS, Zambales- Laglag sa mga otoridad ang tatlong drug suspek sa ikinasang operasyon nitong Martes ng gabi. Ayon kay Police Major Napoleon Baquiran, hepe ng Castillejos Municipal Police Station, ikinasa ang buy-bust operation dakong alas onse pasado ng gabi sa Barangay San Pablo kung saan naninirahan ang target na suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga. Nakumpiska ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.6 gramo mula sa suspek na si Roy Adolfo y Hipolito, 41, na ayon sa kapulisan ay ‘watchlisted’ at dalawang kasamahan nito na…

Read More

MAG-AMA ARESTADO SA ‘HULIDAYS’ SA QUEZON

ARESTADO sa ikinasang One Time Bigtime “Hulidays ” ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon, ang mag-amang top 7  most wanted persons sa lalawigan ng Quezon, bago ang araw ng Pasko. Tinukoy ni CIDG4-A Regional Chief Joel Manuel Ana ang mga suspek na sina Melvin Añana Sr., at Melvin Añana Jr. na may kasong frustrated murder na isinampa ni Neil Patallar noong Enero 19, 2019, ng Brgy. Talao-talao , Lucena City. Huli ang mag -ama sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Presiding Judge Aristotle Reyes ng Regional…

Read More

P7.3-M SHABU TIMBOG SA HVT SA CEBU

TIMBOG ang 22 -anyos na high value target makaraang makumpiskahan ng mga awtoridad ng P7.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa 43 pakete sa Brgy. Calamba, Cebu City. Ayon sa ulat sa Kampo Crame ni PRO7 director, P/BGen. Jerry Bearis, kay PNP chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang naaresto na si Juhndel Abanid alyas “Tiyo”, sa ikinasang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi noong Martes. Nakumpiska ng mga operatiba kay Abanid ang 1.75 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P7,310,000 matapos ang ilang linggong surveillance operation, sa ikinasang buy-bust operation…

Read More

SHEAR LINE DEATH TOLL 25, MISSING 26

SUMAMPA na sa 25 ang iniulat na namatay bunsod ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Visayas-Mindanao na dulot ng shear line noong Christmas weekend. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of the Civil Defense, 16 sa iniulat na mga namatay ay mula sa Northern Mindanao, lima ang naitala sa Bicol Region, habang ang Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ay nagtala ng tig-dalawang namatay. Dagdag pa rito, may 26 pang katao na karamihan ay mga mangingisda, ang nananatiling nawawala pagkatapos ng malawakang pagbaha bukod sa…

Read More

10 KATAO HULI SA P.3-M SHABU

INANUNSYO ni Quezon City Police Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa 10 drug suspects na nakumpiskahan ng P355,640 halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng QCPD noong Disyembre 27, Martes. Sa buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, ang mga suspek na sina Darnel Dasalia Edrozo, 52, at Ma. Magdalena Sudara Salonga, 37, ay naaresto dakong alas-5:00 ng hapon sa isang bahay sa…

Read More

6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA

ANIM na hinihinalang drug personalities ang nadakip sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Malate Police Station at District Drug Enforcement Group sa Malate at Tondo, Manila noong Martes. Ikinasa ang dalawang operasyon ayon sa direktiba ni Manila Police District director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Unang nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Malate Police Station 9, sa Noli Agno Street sa Malate. Isang “Alondra”, 23-anyos, dalaga, ang nahulihan ng anim na plastic sachet na…

Read More

LIBRENG SAKAY SA LRT 2 SA RIZAL DAY

LIBRENG sakay sa mga mananakay ng Light Rail Transit 2 (LRT- 2) ang alok ng pamunuan sa araw ng paggunita sa pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Biyernes, Disyembre 30. Base sa naging pahayag ng LRTA – 2, ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, at dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi Ang mga unang tren ay aalis mula sa Claro M. Recto Station at Antipolo Station sa ganap na alas-5:00 ng umaga, at ang huling tren mula sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00…

Read More

Payo ng DA sa mga nagrereklamo TINGI-TINGI LANG MUNA SA SIBUYAS

PINAYUHAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na huwag bumili ng kilogram ng sibuyas dahil sumirit ang presyo nito ng mahigit sa triple kumpara sa suggested retail price (SRP). Sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na may ilang piling pamilihan sa Kalakhang Maynila ang nagbebenta ng P550/kg ng malaking sibuyas habang P440/kg naman ang maliliit na sibuyas. Anito, ang  SRP ng sibuyas ay P170/kg lamang habang ang farmgate prices ay pumapalo lamang sa P300/kg. “To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa…

Read More

TULONG SA MGA BINAHA SA BICOL, VISMIN NILARGA

NANANATILING “in close contact” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at  northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa. Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibidwal na apektado ng pagbaha sa Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX) at Caraga Region. Sa emergency meeting nitong Martes, ang lahat ng DSWD field offices ay nagbahagi ng updates ukol sa kanilang disaster response…

Read More