ANO ANG DAHILAN NG DESTABILIZATION PLOT?

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO MAY nakarating sa KAALAMAN na ang dahilan ng destabilization plot ay ang pagpapalit ng pamunuan ng militar. Noong isang araw, ­maraming nabigla sa isyu ng pagpapalitan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Gen. Andres Castor Centino. Ang seremonya ay ­pinangunahan ni ES Lucas Bersamin na ginanap mismo sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kung babalikan natin ang nakaraan sa ilalim ng ­administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang nakapwestong AFP Chief of Staff ay si Centino. Pagpasok ng…

Read More

WALA KASING NAPAPARUSAHAN, EH

DPA Ni BERNARD TAGUINOD PURO lang tayo ­ngawngaw kapag nagkakaroon ng hoarding at price manipulation sa mga produktong ­agrikultura at kapag bumababa na ang presyo ay tahimik na lahat at nakalimutan nang parusahan ang mga nagsamantala sa mga consumer. Noong 2014, panahon pa ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ay sumabog ang overpriced na bawang na umabot ang presyo ng hanggang P400 kada kilo. Nagsagawa ng imbestigasyon ang dalawang ­kapulungan ng Kongreso at may natukoy na mga taong nasa likod ng manipulasyon ng presyo ng bawang kaya abot langit…

Read More

ANG MABIGAT AY NAGIGING MAGAAN SA PAGTUTULUNGAN

PUNA Ni JOEL AMONGO ISA ang PUNA sa media na naka-SAKSI sa pamimigay ng groceries at gamot na tulong ng iba’t ibang grupo sa tribong Dumagat sa Sitio Karahume, Brgy. San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan noong nakaraang Biyernes, Enero 6, 2023. Nag-ambag-ambag sina Cindy Joyce Alcanzo ng FC Scrap Trading, Solomon Jover, Michael Miranda ng SLSJ ­Trucking, ALEE Rendering Facility at Skinfine SPA & Salon, para makaipon ng groceries at mga gamot para sa mahigit 300-katao sa tribo ng Dumagat at iba pa sa lugar. Siyempre, kasama riyan…

Read More

AKSYON NA NAGBUBUNGA NG PAGDUDUDA

NANAWAGAN si DILG Secretary Benhur ­Abalos sa mga full-fledged colonel hanggang heneral na magpasa ng courtesy resignation para malinis ang hanay ng pulisya matapos madawit ang ilan sa kanila sa ilegal na droga. Isang limang-miyembrong komite ang ­magsusuri sa records ng mga opisyal ng PNP, para masala kung sino-sino ang sangkot sa ­ilegal na droga. Handa namang tumalima ang PNP sa ­hiling ni Abalos bilang pagsuporta. Naghain na ng kanyang courtesy resignation si PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., nitong Enero 5. Hinimok din ni Azurin ang iba pang matataas…

Read More

SUNS MINALAS SA CAVS

NAGTULONG sina Darius Garland at Donovan Mitchell, may tig-22 puntos, sa 112-98 win ng Cleveland Cavaliers kontra host Phoenix Suns. Ikaapat na panalo ito ng Cavs sa five games at ikalawang beses tinalo ngayong linggo ang Suns matapos ang 90-88 win noong Miyerkoles. Wala sa lineup ng Phoenix sina All-Star backcourt tandem Chris Paul at Devin Booker, dahilan para sa ikaanim sunod nitong kabiguan at nine of 10, tungo sa 20-21 record, first time na mag-under .500 sa season. Sa Oklahoma City, sinamantala ni Shai Gilgeous-Alexander, may 33 points at…

Read More

JAZZ PIKON, TALO SA GRIZZLIES

TALSIK sa laro si Utah guard Jordan Clarkson matapos na muntikan na silang magrambol ng Memphis players sa FedExForum, Utah. Tinawagan ang Fil-Am player ng F2 foul matapos habulin at hampasin sa ulo si Bane nang maagawan siya ng bola sa game na pinanalunan ng Grizzlies, 123-118. Umalma si Bane at kinailangang awatin ng teammates, at si Clarkson ay hindi kinakitaan ng pagsisisi habang tinatalakan ang Grizzlies bench. Si Ja Morant, hindi lumaro sanhi ng right thigh injury, ay galit na kinompronta naman ang Jazz bench. Utah ang may pinakamaraming…

Read More

SIXERS INAKAY NI HARDEN vs PISTONS

NAGTALA ng triple-double si James Harden, 20 points, 11 rebounds at 11 assists at inakay ang Philadelphia 76ers sa 123-111 win kontra Detroit Pistons. “I hate to use this example, but when he’s playing like this, it’s like having a scoring Magic Johnson on the floor,” pahayag ni ­Sixers coach Doc Rivers patungkol kay Harden. “When he runs our team with this kind of pace and he scores and gets assists, we’re really good.” Tumulong kay Harden si Tyrese Maxey, 23 points at si Montrezl Harrell, 20 points para sa…

Read More

KD INJURED NA NAMAN!

GOOD news! Naitakbo ng Brooklyn Nets ang pahirapang 102-101 win kontra host Miami Heat, Lunes (Manila time). Ang bad news, na-injure sa kanang tuhod si Nets star Kevin Durant sa nasabing laro. Na-block ni Ben Simmons si Heat wingman Jimmy Butler, 1:05 sa third, bumagsak at sa kasamaang-palad sa tuhod mismo ni Durant. Ilang minuto ring nasa sahig si Durant habang hinihimas ang masakit na tuhod, bago nilisan ang court patungong locker room sa tulong ng mga kakampi. Matapos ang laro, sinabi ni head coach Jacque Vaughn sa mga reporter…

Read More

PBA Commissioner’s Cup Finals TENORIO TAPOS NA?

Ni ANN ENCARNACION WALANG katiyakang makalalaro si Barangay Ginebra ­veteran point guard LA Tenorio sa Game 6 ng 2022-23 PBA Commissioner’s Cup Finals bukas (Miyerkoles). Ito’y makaraang kumpirmahin ni Kings coach Tim Cone na nagtamo ang kanilang team captain ng groin injury sa 101-91 win ng Ginebra kontra Bay Area sa Game 5 ng best-of-seven finals series noong Linggo. Ayon kay Cone, natamo ni Tenorio ang injury nang bumagsak at nahaltak ang singit nito bago ang halftime. Agad nagpa-sub si Tenorio, walong segundo ang natitira sa first half. “He got…

Read More