FAUSTINO NAGBITIW, GALVEZ PASOK SA DND

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. Tinanggap naman ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang posisyon bilang Defense secretary. “It is with deep regret that the President has accepted the resignation of DND OIC Sr. Usec. Jose Faustino Jr.  The President has offered the position of DND Secretary to Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. and he has accepted,” ayon kay PCO OIC Sec.…

Read More

PAGPAPABUTI SA TRANSPORT SYSTEM TINIYAK NI PBBM

DESIDIDO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ituloy ang pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas. Sa Metro Manila Subway Project Launching ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa. Mas marami pa aniyang proyekto ang kanilang itutulak sa mga susunod na taon sa gitna ng target nila na magkaruon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at iba pang lugar na mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na…

Read More

KUDETA PAPABOR KAY VP SARA

(BERNARD TAGUINOD) HINDI ang mga tinaguriang “dilawan” ang makikinabang kapag nagkaroon ng kudeta at mapatalsik ang kasalukuyang administrasyon kundi ang pangalawang pangulo. Ito ang nilinaw ng isang miyembro Liberal Party (LP) na hindi na nagpabanggit ng pangalan kasunod ng umano’y ‘internal conflict” sa Armed Forces of the Philippines (AFP). “Under the law of succession, yung sitting vice president ang papalit kapag nagkaroon ng coup at matanggal ang presidente,” paglilinaw ng opisyal sa nasabing partido. Si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang nakaupong bise presidente ni…

Read More

PRESYO NG SIBUYAS SA PINAS ‘PANG-GUINNESS’

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE) MAAARI nang mailagay sa Guinness World Records ang Pilipinas bilang bansa na may pinakamahal na sibuyas sa buong mundo bukod sa asukal. Sa isang TV interview kay Albay Rep. Joey Salceda, inamin nito na ang presyo ng sibuyas sa bansa ngayon ang pinakamahal sa buong mundo matapos itong umabot sa P720 kada kilo noong Disyembre. “We now have the world’s most expensive domestic onion prices. We have some of the world’s most expensive domestic sugar prices,” ani Salceda, chairman ng House committee on ways and means. Dahil…

Read More

MGA DEBOTO KUNTENTO KAHIT WALANG TRASLACION

MASAYA ang mga deboto ng Itim na Nazareno na nakibahagi sa selebrasyon ng Pista ng Quiapo kahit walang traslacion. Sa ikatlong taon, mula nang pandemya dulot ng COVID-19, itinuloy ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand. Pahayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,  nalulungkot ang mga deboto dahil hindi pa rin naidaraos ang “Traslacion” na pangatlong taon ngayon ngunit ipinaalala niya na si Hesukristo ay palaging nasa buhay ng bawat Kristiyano. “Ang Traslacion ay hindi lang taon-taon kundi araw-araw na karanasan sapagkat ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Siyang nagpuprusisyon…

Read More

Centino sumabak na sa trabaho ‘WHITE PAPER’ DEDMA SA AFP

KASABAY ng agad na pagsabak sa trabaho ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff, ipinagkibit-balikat lang ng hukbong sandatahan ang intrigang kalakip ng white paper na kumakalat sa punong himpilan ng AFP. Sa halip na patulan ang mga patutsada hinggil sa di umano’y paggamit kay retired AFP chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro, nanindigan ang pamunuan ng AFP na suportado nila ang pagbabalik ni Gen. Andres Centino bilang AFP chief-of-staff. Normal din anila ang sitwasyon sa kabila pa ng mga ulat hinggil sa di umpano’y nilulutong destabilisasyon ng mga…

Read More

MIYEMBRO NG PCG, 2 PA BINITBIT SA DROGA

BINITBIT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang kanilang kabaro makaraang makumpiskahan ng hinihinalang shabu, kasama ang dalawang sibilyan. Kinilala ni PCG Admiral Artemio Abu ang natimbog na isang Seaman First Class na si alyas “Bernabe”, at ang dalawa nitong kasamahan. Ayon sa ulat, noong Sabado, Enero 7, nang isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng P11,628  halaga ng umano’y shabu. Inihayag ni Admiral Abu na kapag napatunayan sa ilegal na droga ang suspek ay agad itong…

Read More

2 robbery suspects tinutugis P500K SHABU NASAMSAM SA MANHUNT OPERATION

CAVITE – Imbes na mahuli ang dalawang robbery suspect sa follow-up operation, nadiskubre ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P500,000 halaga ng umano’y shabu sa tinutuluyang bahay ng mga ito sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (illegal possession of ammunitions) sina Lovely Luayon, 22, at Aljon Canlas Tongol, 31, na siyang naabutan sa nasabing bahay sa Barangay Navarro, General Trias City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:20…

Read More

PANGULO NG KOOPERATIBA PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang pangulo ng isang kooperatiba ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, matapos tambangan ng apat na mga suspek habang sakay ng kanyang AUV sa Marilaque Highway, Sitio Silangan, Brgy. Juan Santiago sa nasabing bayan noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Sta. Maria Police ang biktimang si Harrison Diamante, pangulo ng Juan Santiago Agriculture Cooperative. Batay sa report ng Sta. Maria Police, tinatahak ng biktima ang Marilaque Highway sakay ng kanyang Adventure AUV nang harangin at tambangan ng apat na mga suspek na sakay sa isang puting…

Read More