TAMPUHAN SA AFP TINANINGAN HANGGANG MARSO

PARA kay Defense Secretary Carlito Galvez, matatagalan pa ang paghilom ng sigalot na idinulot ng balasahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Gayunpaman, nilinaw ng Kalihim na walang dapat ikabahala dahil aniya normal na ang tampuhan sa alinman tanggapan ng pamahalaan at maging sa organisasyong kinabibilangan ng mga sundalo. Partikular na tinukoy ni Galvez ang aniya’y epekto ng Republic Act 11709 na nagtatakda ng three-year fixed term sa walong pwesto sa sandatahan — kabilang ang posisyon ng AFO Chief of Staff na hawak ngayon ni Gen Andres Centino. Pag-amin…

Read More

Kapag ‘di umubra, alam na dis! – solon TAKTIKA NG FORMER AIDE NI JPE GAMITIN SA IBANG PRISONERS

(BERNARD TAGUINOD) GAGAMITIN ng political prisoners ang taktika ng dating chief of staff ni dating senador at ngayo’y Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes kaya ito nakalaya sa kasong plunder. Nabatid kay Bayan Muna executive vice president at dating Congressman Atty. Carlos Isagani Zarate, bukod sa kaso ni dating senador Liela de Lima, gagamitin din na batayan ang pagpapalaya kay Reyes ng Korte Suprema dahil sa Writ of Interim Habeas Corpus. “If it applies to Gigi Reyes, there is no reason why the same should…

Read More

Hangga’t hindi kumpleto ‘bucket list’ DA ‘DI BIBITIWAN NI MARCOS JR.

WALA pa ring napipisil na hepe ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaya mananatiling siya ang pinuno nito. Sa isang panayam sa Switzerland bago pa lumipad pabalik ng Pilipinas, sinabi ng Pangulo na magtatalaga lamang siya ng kanyang successor sa oras na matapos na nila ang bucket list para sa DA. “All the hard things, ‘yung mahirap gawin ngayon namin gagawin. ‘Pag nagawa na namin ‘yung mga bucket list namin, natapos na namin, aalis na ako. Then I will give it to somebody else,” ayon…

Read More

SABWATAN SA MALACAÑANG Muling lumutang sa ‘pagsibak’ kay Carlos

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG pagkumpirma sa mga naunang reklamo kaugnay ng pagkakaroon ng magkakasalungat na grupo sa loob ng Palasyo ng Malacañang, ang pahayag ni dating National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos. Ibinunyag ni Carlos na may sabwatan ng mga ‘unnamed persons’ para patalsikin siya bilang NSA. Kalagitnaan ngayong Enero nang bigla na lamang ihayag ang pagbibitiw umano sa tungkulin ni Carlos na agad namang pinalitan ni dating DILG Secretary Eduardo Año. Base sa naunang pahayag, ito ay dahil nagdesisyon si Carlos na ipagpatuloy ang kanyang scholastic endeavors nang…

Read More

ANAK NI LITO LAPID UNTOUCHABLE SA CLARK?

BISTADOR Ni RUDY SIM HINDI pa man kumpletong nakapagtatalaga ang Malacañang ng deputy commissioner sa Bureau of Immigration ay muling nalagay sa kontrobersya ng katiwalian ang ahensya matapos masangkot ang tatlong kawani nito sa human trafficking. Sa mga ganitong sitwasyon ay hindi na bago sa atin ang praise release ng BI upang maghugas-kamay sa isyu ang mga opisyales na kanila umanong paiimbestigahan kuno kung sino pa ang mga kasangkot sa matagal nang maruming kalakaran sa airport sa pagpapalusot ng mga pasahero kapalit ang malaking halaga. Nauna nang pinasabog ni Senator…

Read More

PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON UKOL SA SIM CARD REGISTRATION LAW, KAILANGAN PAIGTINGIN

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA SA tuwing may batas na ipinatutupad, isa sa mahahalagang bagay na dapat masiguro ay ang kaalaman ng mamamayan ukol dito. Dapat masigurong naiintindihan ito ng mga tao at kung ano ang magiging epekto ng hindi pagsunod dito. Noong ika-27 ng Disyembre ng nakaraang taon, ipinatupad ang SIM card registration law bilang tugon sa naging talamak na panloloko sa pamamagitan ng mga text message. Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga taong mayroong SIM card ay uutusang irehistro ang kanilang numero sa kompanya ng telekomunikasyon…

Read More

DOK MONTE TOLENTINO HATAW SA SERBISYO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang mga programa at proyekto ni Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Dr. Monte Tolentino ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal. Walang ibang nais si Tolentino kundi ang mapabuti ang buhay ng kanyang mga ka-barangay. Bata pa lang daw pala itong si Tolentino ay talagang mulat na ito sa pagseserbisyo sa kanilang nasasakupan. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng mga taga-barangay. Tinututukan niya ang problema sa edukasyon, kalusugan, kagutuman, at iba pa. Siyempre, katuwang ni Dr. Monte sa…

Read More

3M GUTOM NA PINOY

NASA 3 milyon o 11.8% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o gutom at walang makain o minsan nang nakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan ng 2022, ayon sa isang survey. Sa Mindanao, ang pinakamataas na gutom ay nasa 12.7 percent sinundan ng Visayas sa 12 percent, Metro Manila, 11.7 percent at Balance Luzon, 11.3 percent. Nakaaalarma ang numero ng mga gutom dahil pamilya ang binilang, hindi indibidwal. Kung ilalapat sa 5 miyembro kada pamilya ang kabilang sa nakaranas ng gutom, ito ay tantiyang 15 milyon.…

Read More

2022 BOC anti-smuggling ops P24B KONTRABANDO SWAK SA GOBYERNO

PARA sa Bureau of Customs (BOC), patuloy na iniinda ng mga sindikato sa likod ng mga malawakang modus na puslit-kargamento ang dagok na dulot ng agresibong operasyon ng kawanihan laban sa illegal smuggling para sa taong 2022. Batay sa datos na inilabas ng ahensya, pumalo sa tumataginting na P24.28 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kargamento sa kabi-kabilang operasyon ng intelligence at enforcement groups ng BOC mula Enero hanggang Dis­yembre ng nakalipas na taon. Kabilang sa mga nasamsam ng ahensya sa 709 operasyong inilunsad ng kawanihan ang nasa P12-bilyong…

Read More