PAG-ANGAT NG EKONOMIYA HINDI RAMDAM NG MASA – TUCP

IKINALUGOD ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang naitalang 7.2% gross domestic product (GDP) economic growth sa huling bahagi ng nakalipas na taon. Para sa TUCP, malaking bentahe ang pagsipa ng ekonomiya sa huling sangkapat ng 2022. Katunayan anila, ang mataas na antas ng pag-usad ng ekonomiya ang nagbigay-daan para mahigitan ng pamahalaan ang 6.5 hanggang 7.5% 2022 GDP target. Sa datos ng grupo, lumalabas na nalampasan din ng 7.6% full year growth na naitala noong 4th quarter ng 2022 ang mga karatig bansa kabilang ang Vietnam…

Read More

PBBM KUMPIYANSA; PRIORITY BILLS AGAD LULUSOT SA KAMARA

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabilis na ipapasa ng Kongreso ang ‘priority bills’ ng administrasyon. Ito’y matapos na magpatawag ng pulong ang Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) officials sa pangunguna ni Secretary Mark Llandro Mendoza para pag-usapan ang legislative priorities ng administrasyon. Kabilang sa agenda ng miting ang “legislative calendar at accomplishments, updates sa bills sakop ng Presidential certifications o direktiba at iba pang PLLO-related concerns, ayon sa state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa Facebook…

Read More

P885-M PINSALA SA AGRIKULTURA NG MASAMANG PANAHON

TINATAYANG umabot na sa P885 milyong piso ang pinsala sa agrikultura mula sa pinagsamang epekto ng weather systems simula Enero 2. Makikita sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang P885,165,517.43 halaga ng production loss ang naitala sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga. Mayroon namang 39,984 magsasaka at mangingisda ang apektado sa mga nasabing lugar dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha dala ng low pressure areas, shear line, at…

Read More

56-anyos para pwede pa mag-relax OPTIONAL RETIREMENT BILL OK NA SA KAMARA

WALANG kahirap-hirap na nakalusot sa mapanuring mata ng Kamara ang panukalang magbibigay-daan sa mas maagang pagreretiro para sa mga empleyado ng gobyerno at maging sa hanay ng public school teachers. Sa ilalim na House Bill 206, target ibaba ang optional retirement age sa 56 – mula sa dating 60-anyos. Inaasahan rin agad na isasalang para sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukalang batas sa susunod na linggo. “Nasa likod ng panukalang ito ang maraming konsiderasyon legal, rasyonal, at humanitarian, isa rito ang 1991 United Nations Principles for Older Persons…

Read More

480 residente sa Bataan na-scam? PATONG-PATONG NA KASO ISINAMPA VS. DATING USEC

(FERNAN ANGELES) MALAMIG na rehas ang posibleng kahantungan ni dating Local Government Undersecretary Martin Diño matapos sampahan ng patong-patong na kasong kriminal kaugnay ng pangongolekta umano ng P15,000 mula sa 480 aplikanteng target mapabilang sa Philippine Coast Guard. Bukod sa estafa, nahaharap din si Diño at anim na iba pang nagpakilalang opisyal at miyembro ng PCG Auxiliary Group sa asuntong usurpation of authority bunsod ng paggamit ng pangalan, logo at insignia ng naturang grupo. Sa kasong inihain sa piskalya, pinaratangan si Diño ng pangongolekta ng P15,000 kada ulo mula sa…

Read More

POGO NAKAPIPINSALA SA BANSA – SURVEY

MAYORYA sa mga Pilipino ang naniniwala na nakapipinsala lamang sa bansa ang presensya ng Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO. Ito, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian ay batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 noong nakaraang taon. Sa survey, lumitaw na 58 percent ng mga respondent ang nagsabing nakasasama ang operasyon ng mga POGO sa bansa habang 19 percent lamang ang nagsabi na kapaki-pakinabang ang operasyon nito. Kabilang sa mga dahilan kaya naniniwala ang mga respondent na nakapipinsala ang nasabing industriya, ang…

Read More

MGA MANLOLOKO SA UAE, KARAMIHAN KAPWA PINOY DIN (PART 2)

RAPIDO NI TULFO NAPAKARAMI naming natatanggap na reklamo mula sa mga kababayan nating OFW sa United Arab Emirates. Hindi lang reklamo sa cargo kundi mga naloko sa pera ng mismong mga kababayan natin. Isa na dito ang isang kababayan nating nagpakilalang ahente ng kilalang bakasyunan sa UAE na ang pangalan ay “Disyerto”. Isang grupo ng mga OFW ang umano’y nakuhanan nya ng nasa 8,000AED o P120,000 para sa 2 nights stay sa nasabing bakasyunan nuong bisperas ng Bagong Taon ng 2023. Ayon sa grupo ng mga OFW, 3 pamilya silang…

Read More

MAYOR HENRY JOEL TEVES LAGING MAAASAHAN NG NAUJAN

TARGET NI KA REX CAYANONG TINATAYANG 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon. Mapaminsala ang karamihan sa mga delubyong ito. Siyempre, marami ang namamatay at malaki ang pinsalang iniiwan. Kahit taun-taon ay dumadalaw ang mga bagyo, marami pa rin daw ang hindi nakapaghahanda. Aba’y maski ang national government ay hindi perpekto at hindi sa lahat ng panahon ay may sapat na kahandaan. Saka pa lamang nagpaplano kung kailan nagbabanta na ang pagtama ng bagyo. Ang resulta, marami ang napapahamak at namamatay. Ngunit iba itong si Mayor Henry Joel Teves…

Read More

KARAOKE BAR SA PARAÑAQUE MISTULANG CASA?

BALYADOR ni RONALD BULA KARAOKE BAR pero mistula umanong casa ang isang establisimyento na matatagpuan sa kahabaan ng Airport Road St. sa Baclaran, Parañaque City, ayon sa isang concerned citizen. Aniya naging parokyano siya sa lugar at nakapag-VIP sa ARCHO-II videoke bar, wala na aniyang alak sa VIP at sa halaga umanong P2,500 kasama na diumano ang babae kung saan “all the way” aniya ang labanan. Front lamang umano ang pagte-teybol kunwari sa baba at kapag may kausap na babae o GRO dun na iaalok ang umano’y panandaliang aliw o…

Read More