SINAGIP NA CHINESE ‘FISHERMEN’ SA SAMAR WALANG GAMIT PANGISDA

PATULOY ang pagsisiyasat ng Philippine Authorities sa hinatak nilang fishing boat at sa mga na-rescue na pitong Chinese nationals sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar. Ito ay matapos matuklasan sa pagbusisi sa bangka na walang kagamitan para sa pangingisda ang mga Chinese na nagpakilalang mga mangingisda. Matapos magpasaklolo, hinatak ng Philippine Coast Guard BRP Cabra papuntang Tacloban City ang Chinese vessel na nagkaaberya sa laot ng Eastern Samar. Sinasabing napadpad lamang umano ito sa dagat ng Pilipinas dahil sa sama ng panahon at nasira ang timon kaya nagpalutang-lutang. Inakyat at…

Read More

PRESIDENTIAL POWER KONTRA PHILHEALTH PREMIUM HIKE ISINULONG

INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang implementasyon ng dagdag kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 6772 na inakda nina Speaker Martin Romualdez at House senior deputy majority leader Sandro Marcos, bukod sa pagsuspinde sa premium hike ay maaari ring iurong ng Pangulo ang itinakdang panahon para sa dagdag na kontribusyon sa ilalim ng Republic Act (RA) 11223 o Universal Health Care Act. Dahil dito, pinaamyendahan nina Romualdez at Marcos, kasama…

Read More

Gamit ang opisina ni Bersamin MALACAÑANG PINASOK NA NG SCAMMER

(CHRISTIAN DALE) PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na huwag maniwala sa mga manloloko o scammer na nag-aalok ng posisyon sa pamahalaan. Ito’y makaraang mabiktima ang walong ‘Palace appointees’ ng cash-for-hire scam. Sinabi ng mga nabiktima na nakatanggap sila ng correspondence mula sa nagngangalang Undersecretary Eduardo Diokno at Assistant Secretary Johnson See mula sa Office of the Executive Secretary kung saan ipinaaalam sa mga ito ang kanilang oath taking ceremony kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “The Office of the President cordially invites you to attend the oath taking ceremony to be…

Read More

Pinoy pobre pa rin IBINIDANG GDP NG MARCOS ADMIN WA EPEK

(BERNARD TAGUINOD) WALANG silbi ang ipinagmamalaki ng administrasyong Marcos Jr. na paglago ng gross domestic product (GDP) hangga’t hindi ito nararamdaman ng mga Pilipino. Ito ang reaksyon ni House deputy minority leader Bernadette Herrera matapos ipangalandakan ng Malacañang na lumago sa 7.6 percent ang GDP noong nakaraang taon na lagpas pa sa 7.5% target. “Unfortunately, reports on improving economy do not reflect the reality that millions of Filipinos remain poor and have to struggle daily to earn a living,” ayon sa mambabatas. Base sa Social Weather Stations (SWS) survey sa…

Read More

ICC PROBE VS. WAR ON DRUGS PAGSASAYANG NG ORAS AT PONDO

TARGET NI KA REX CAYANONG TULOY ang panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa justice system ng Pilipinas. Pinag-iinitan nito ang war on drugs campaign ng dating administrasyon. Ngunit muling binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na hindi kailangan ng ICC na makialam dito. Sabi nga ni DOJ Spokesperson Attorney Mico Clavano, pinoprotektahan lamang ng justice department ang sovereignty rights ng bansa. Karamihan sa mga nasyon ay kailangan ang ICC dahil may mga bansang hindi naipatutupad ang mga batas. Siyempre, makakaasa naman ang taumbayan na gagampanan ng DOJ ang kanilang…

Read More

DISKARTE NI MMDA GM ARTES SA PASAWAY NA RIDERS, AKMANG-AKMA

SA GANANG AKIN Joe Zaldarriaga ISA sa pangunahing problema ng bansa ang matinding bagal ng daloy ng trapiko. Ilang administrasyon na ang nagdaan ngunit ang suliraning ito ay naririto pa rin. Hindi tuloy masisisi na mismong mamamayan na ang gumawa ng paraan upang hindi masayang ang kanilang oras at pagod sa pagkaipit sa trapiko sa pamamagitan ng paggamit ng motorsiklo. Sa madaling salita, mismong ang lagay ng trapiko sa bansa ang nagtulak pataas sa demand para sa mga motorsiklo. Dahil marami ang nagnanais magkaroon nito, hindi naman masisisi ang mga…

Read More

HARASSMENT KAY CONG. TEVES DAPAT TINGNAN NG PALASYO

BISTADOR Ni Rudy Sim TILA pambabraso at nagagamit sa pulitika ang ating pulisya laban kay Negros Oriental, 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. matapos ang nakakadudang naging aksyon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagpalabas ng isang Praise Release kung saan ay idinetalye na nagkaroon umano ng problema sa dokumento ng mambabatas na kanyang isinumite para sa kanyang personal firearms kaya’t ni-revoke ang karapatan nitong magdala ng sandata upang ipagtanggol ang sarili sa anomang panganib. May kinalaman kaya rito ang pagpalag ng mambabatas sa umano’y intelligence reports na…

Read More

AHUNIN SILA SA UTANG

MARANGAL na propesyon ang pagtuturo sapagkat nagbibigay ito ng kaalaman sa mga estudyante, at gabay at inspirasyon upang magsikap ang mga tinuturuan na abutin ang malaking tagumpay at karangalan. Ngunit ang mga nasa pundasyon ng pagtuturo ay nabubuhay lang sa karangalan ng propesyon, hindi sa ginhawang naibalik sa kanila sa pagtupad ng tungkulin. Halos kalahati ng public school teachers ang mayroong malaking utang sa GSIS at iba pang financial at lending institution bunsod ng kawalan ng batas na nagtataguyod sa kanilang kapakanan. Ipinabatid ito ni Vladimir Queta, Chairperson ng Alliance…

Read More

CUSTODIAL FACILITY SA TANAY PINASINAYAAN

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Rizal PNP sa presidente ng Apex Mining Corporation sa pag-iisponsor sa dalawang palapag na gusali na magsisilbing custodial facility sa Tanay, Rizal. Ang custodial facility ay pinondohan ng kumpanya na pinamumunuan ni Dr. Walter W. Brown sa pakikipagtulungan ng PNP at lokal na pamahalaan ng Tanay. Ang lokal na pamahalaan ang nagkaloob ng lugar habang ang gusali at ilang kagamitan nito ay pinondohan ni Dr. Brown at ng PNP. Ayon kay Rizal Provincial Director PCOL Dominic L. Baccay, malaki ang maitutulong ng 2 storey building lalo…

Read More