PEACE COVENANT SA SPECIAL ELECTION SA CAVITE, ISINAGAWA

NAGSAGAWA ng peace covenant sa Ika-Pitong Distrito ng Cavite para sa gaganaping Special Election sa Pebrero 25, 2023.  Layon ng nasabing peace covenant na masiguro ang malinis, matapat at mapayapang halalan sa tatlong bayan at isang Lungsod ng Cavite, kabilang ang Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City. Nanguna sa pagpirma ng peace covenant ang apat na kandidato ng Ika-Pitong Distrito ng Cavite na sina Cavite Board Member Crispin Diego Remulla, dating Trece Martires City Mayor Melencio “Jun” Sagun, Michael Angelo Santos, at Jose Angelito Aguinaldo na kinatawan ng kanyang maybahay na…

Read More

13 PASAHERO NASAGIP SA KARAGATAN SA POLILLO

QUEZON – Labintatlong pasahero ang nasagip ng rescue team ng Philippine Coast Guard, kasama ang mga tauhan ng Polillo MDRRMO at Panukulan MDRRMO, matapos masiraan ang isang passenger motor banca sa territorial waters ng Polillo island, sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Ayon kay Jeremie Erracho, head ng MDRRMO ng Panukulan, galing sa port sa bayan nila ang motor banca na may pangalang Rheanne Mae, sakay ang 13 katao at patungo sa Polillo municipal port, nang abutan ito ng malakas na hangin at malalaking alon sa karagatang sakop ng…

Read More

16 SUGATAN SA SUMABOG NA LPG TANK

UMABOT sa 16 indibidwal ang iniulat na nasugatan sa nangyaring pagsabog ng isang liquefied petroleum gas (LPG) tank na naging sanhi ng sunog sa isang laundry shop sa Malate, Manila noong Lunes ng gabi. Nadamay sa insidente ang isang restaurant at dormitory ng mga estudyante sa nasabing lugar. Sa tatlong pagamutan isinugod ang mga biktimang nasa edad 17 hanggang 51-anyos, pawang dumanas ng 1st degree burns. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District Malate Police Station 9, bandang alas- 7:19 ng gabi nang mangyari ang…

Read More

P1.7-M DROGA BISTADO SA NAIA

ANG inakalang antik na teleponong ibiniyahe pa mula sa bansang Pransya, may nakakubli palang droga. Sa kalatas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kumpiskado ang nasa 255 gramo ng shabu na itinago sa lumang teleponong laman ng bagahe mula sa Pransya. Pagtataya ng PDEA, aabot sa P1.7 milyon ang drogang pinadala ng isang Bleu Griotte ng Les Lyon (France) para sa consignee na kinilala sa pangalang Angeline Claire Nacua ng Makati City. Ayon naman sa Bureau of Customs (BOC) nadiskubre ang kontrabandong nakalagak sa bodega sa loob ng Ninoy Aquino…

Read More

REPORMA SA PHILMECH IKAKASA NI ALVINDIA

NANGAKO ang pinuno ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na si Dr. Dionisio G. Alvindia na magpapatupad ng mga pagbabago sa ahensya sa hangaring matigil ang katiwalian at mapabuti ang paghahatid nito ng serbisyo publiko. Ang pahayag ay ginawa ni Alvindia upang ipagtanggol ang hakbang na i-reshuffle ang walong tauhan ng PhilMech na iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng ahensya. Nangako rin si Alvindia na magiging mas transparent sa paggastos nila ng pondo at pagbibigay ng iba’t ibang uri ng…

Read More

DOKTOR NASALISIHAN SA OSPITAL, 2 TIMBOG

TIMBOG ang dalawang lalaki sa mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, sa isinagawang follow-up operation sa magkahiwalay na lugar makaraang masalisihan ang isang 28-anyos na doktor sa UST Hospital sa Sampaloc, Manila. Unang nadakip ang suspek na si Adrian Sabido, alyas “Ryan”, 39, cellphone technician, ng Bicol Street, Payatas, Quezon City. Inginuso ni alyas “Ryan” ang kasabwat na si Joemar Teodoro, 31, residente ng Brgy.128 sa Balut, Tondo, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa huli. Ayon sa ulat ni Police Major…

Read More

PBBM’s target of six million housing units attainable – Speaker Romualdez

SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez on Tuesday expressed confidence that President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s target of building six million housing units during his six-year administration is attainable. “Our target: one million housing units every year. This is an ambitious target, but I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” he said. He made the statement during the unveiling and groundbreaking of the Legacy Housing Project of the Marcos administration in Batasan Hills, Quezon City. Local…

Read More

“MAGING PATAS SA LAHAT”- CONG. TEVES Sa pag-singleout ng PNP

PINANGANGAMBAHANG isang maitim na balakin ng kalaban sa pulitika ni 3rd district Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang nasa likod ng pagkumpiska sa mga lehitimong baril ng mambabatas ng Philippine National Police-Firearms and Explosive Office dahil lamang sa umano’y nakakadudang dokumento na isinumite nito para sa lisensya ng kanyang baril. Sa privilege speech ni Cong. Teves kahapon sa plenary hall ng mababang kapulungan ng Kongreso ay naging emosyonal ito at nanawagan sa pamahalaan na maitama ang ang tila pang-haharass sa kanya maging sa kanyang pamilya at pambabato ng malisyosong paratang…

Read More