RIZAL – Arestado ang lalaki na itinuturong responsable sa mga insidente ng pagnanakaw sa bayan ng Cainta. Sa Facebook page ng dating alkalde at ngayo’y municipal administrator na si Keith Nieto noong Miyerkoles, inanunsyo nito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng Municipal Public Safety Office (MPSO) sa suspek na taga-Pasig City. “Siya ang suspek sa robbery hold-up sa BF Metal at isang tindahan sa Marick,” post ni Nieto. “Nahuli ang suspek sa mga CCTV camera ng Barangay Sto. Domingo.” Inihain na ang reklamong robbery laban sa hindi na pinangalanang suspek.…
Read MoreDay: February 2, 2023
300 BULACAN FISHERFOLKS TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE
LUNGSOD NG MALOLOS – Namahagi ng tulong pangkabuhayan si Gob. Daniel R. Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa idinaos na Distribution of Gill nets and Marine Engine to Fisherfolks na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito noong Miyerkoles, Pebrero 1, 2023. May kabuuang 233 gill nets at 65 marine engines ang naipamahagi sa 300 Bulakenyong mangingisda mula sa lungsod ng Malolos at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, San Rafael at Obando. Ayon kay Fernando, malaki ang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng Bulacan. Pinayuhan din niya…
Read MoreP6.8-M SHABU NASABAT SA PARKING LOT
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang lalaki sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fast food restaurant sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Daryl Julhasan y Pilapil, 28, walang trabaho, ng Talaba 4, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-7:17 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspek sa poseur buyer at magkikita sila sa parking lot ng fast food restaurant sa Molino Boulevard, Talaba 4, Bacoor City,…
Read More3 PULIS CAVITE, 1 SIBILYAN NABITAG SA BUY-BUST
CAVITE – Tatlong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station at isang sibilyan ang naaresto at nasamsam ang tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina P/SSgt. Tomas Celleza Dela Rea Jr., Corporal Christian Arjul Dayrit Monteverde, kapwa nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station; Pat. Jeru Magsalin, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police, at Jorilyn Magnaye Ambrad. Ang tatlong pulis ay nasa…
Read MorePagbusisi sa smuggling tiniklop KAMARA NA-PRESSURE KAY MARTIN ARANETA?
(BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang opposition solon sa Kamara na itiniklop ang pagdinig sa smuggling dahil mabubulgar ang koneksyon ng kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos sa isang pinangalanang smuggler na si Michael Ma. Sa press conference ng Makabayan bloc kahapon, sinabi ni House deputy minority leader France Castro na posibleng may katotohanan ang rebelasyon ng kolumnistang si Mon Tulfo na si Martin Araneta ay business partner ni Ma. “Tingin natin baka may katotohanan ‘yung rebelasyon ni Mon Tulfo dahil may related dyan sa ginaganap na Committee hearing ng…
Read MorePAGBAWI NG MARCOS ILL-GOTTEN WEALTH IBINASURA NG SANDIGAN
TULUYANG ibinasura ng Sandiganbayan Fourth Division ang petisyong inihain ng mag-inang Imelda Marcos at Irene Marcos-Araneta para mabawi ang nasa P200-bilyong halaga ng mga pag-aaring nasa kustodiya ng Presidential Commission on Good Government (PCGG). Sa 40-pahinang resolusyon, “lack of merit” ang naging tugon ng Sandiganbayan sa giit ng mag-inang Marcos na ibalik na sa kanila ang nasa P55 milyong frozen trust account at iba pang pag-aaring di natitinag (real property) na una nang idineklarang ill-gotten wealth ng PCGG. Giit ng mag-inang Marcos, taong 2019 pa dinismiss ng Korte Suprema ang…
Read MoreMENTAL HEALTH EMERGENCY PINADEDEKLARA KAY PBBM
SA gitna ng pagsipa ng bilang ng mga estudyanteng nagpatiwakal sa nakalipas na dalawang taon, hiniling ng isang kongresistang aktibista kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng Mental Health Emergency sa lalong madaling panahon. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, lubhang nakakabahala ang mataas na bilang ng mga kabataang nagtangkang bawiin ang sariling buhay bunsod ng dinaranas na depresyon. Partikular na tinukoy ni Manuel ang datos ng Department of Education (DepEd) na nakapagtala ng 404 na pagpanaw ng mga estudyante mula taong 2021 hanggang 2022 – bukod pa…
Read MoreUS TUTULONG SA AFP MODERNIZATION
NANGAKO si United States Defense Secretary Lloyd Austin na tutulungan ang Pilipinas na gawing makabago ang “defense capabilities” at itaas ang interoperability ng American at Filipino military forces. “From defense perspective, we will continue to work together with our great partners and to build and modernize your capabilities as well as increase our interoperability,” ayon kay Austin sa kanyang pambungad na pananalita bago makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang. “So we are very, very happy to be here once again and I look forward to a great…
Read MorePaninisi sa ICC issue delaying tactic – Baguilat BATO MAG-FOCUS GUMAWA NG BATAS ‘WAG PURO SATSAT
INALMAHAN ng isang dating kongresista ang pagkaladkad ni Senador Ronald dela Rosa sa Liberal Party na di umano’y salarin sa likod ng napipintong pagpasok at imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon. “The Liberal Party is not connected to the case before the ICC. Please focus on your job to pass laws instead of making baseless accusations,” tugon ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa pahayag ni dela Rosa sa isang panayam sa telebisyon. Paratang ni dela Rosa, LP kasama ang…
Read More