HALOS tatlong taon na mula nang nagsimula ang pandemyang COVID-19 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mutation nito. Sa Pilipinas, nananatili sa mababang numero ang bilang ng mga bagong kaso kada araw kaya naman patuloy ang pagbabalik sa normal ng takbo ng buhay. Tila natuto na ang mga Pilipino na mamuhay nang normal sa kabila ng pananatili ng virus. Noong huling bahagi ng taong 2022, nagsimulang umugong ang mga balitang magsisimulang pumasok sa bansa ang mga 2nd-generation COVID-19 vaccine o mga bivalent vaccine sa taong 2023. Marami ang…
Read MoreDay: February 5, 2023
MGA PRAYORIDAD NI VP SARA BILANG DEPED SECRETARY, INILATAG
MAS tututukan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro, mag-aaral, at maging ang imprastraktura upang tugunan ang mga hamon sa basic education system ng bansa. Ito ang patuloy na isusulong ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng kanyang termino bilang DepEd Secretary. Sabi nga ni VP Sara: “Tututukan natin ang mga teachers, learners, at ang ating school infrastructures.” Kamakailan ay dumalo siya sa awarding ceremonies ng Aklan’s Ten Outstanding Mentors (ATOM) na ginanap sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Complex kung saan niya isiniwalat ang kanyang…
Read MoreTAIWANESE INMATE SA BI JAIL LUSOT SA INSPECTION?
NAGSANIB puwersa ang Philippine National Police , NCR at ang mga tauhan ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration sa isang surprise inspection sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City na nagresulta ng positibong impormasyon na ating nauna nang ibinisto kaugnay sa ilegal na aktibidad ng ilang tiwaling tauhan ng BI. Nakumpiska ang ilang mamahaling gadgets, internet routers at malaking halaga ng salapi sa kulungan ng apat na Japanese national na fugitive sa kanilang bansa at sangkot sa malaking robbery group, na nagagawa pang mag-operate ang…
Read MoreSAMA-SAMANG AKSYON KAILANGAN PAIRALIN
NAKABABAHALA ang tumaas na kaso ng pagbubuntis sa kabataang edad 10-14. Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na ayon sa mga istatistika galing din sa Philippine Statistics Authority (PSA), halos mahigit 2,000 ang pagbubuntis sa mga bata na 10-14 anyos. Nababahala ang Popcom sa nasabing pagtaas ng kaso at naglaho ang panandaliang aliw dulot ng pagbaba ng pagbubuntis ng 15-19 anyos na kabataan, na mula sa 8.6% noong 2017 ay bumagsak sa 5.4% nitong 2022. Paano tutugunan ng Popcom ang pagbubuntis ng kabataan at ano ang nakalatag na…
Read MorePATULOY NA SUPORTA SA OFWs TINIYAK NI PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalakasin ang partnerships sa mga bansang nagho-host ng overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang vlog na ipinalabas nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksyon ng OFWs at kanilang pamilya bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa. “Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon, ang inyong kalagayan, at ang kalagayan ng mga naiwan ninyong pamilya sa ating bansa,” ayon sa Pangulo. “Ang tanging maisusukli ko ay…
Read MoreFarmers: Probinsya nga ‘di naiangat, bansa pa? IMEE BILANG DA CHIEF UNCONSTITUTIONAL
MALALABAG ang Saligang Batas kapag nakinig si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa rekomendasyon ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na italaga ang kapatid na si Sen. Imee Marcos bilang Secretary ng Department of Agriculture (DA). Ito ang bababala ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) matapos aminin ni So na nagpapahanap sa kanila si Pangulong Marcos ng taong nais nilang maitalaga kapalit niya sa DA. “Even if So is serious, appointing Sen. Imee, the President’s sibling, as the DA Secretary is unconstitutional. It violates Paragraph 2, Section…
Read MorePBBM TAHIMIK SA ISYU NG SMUGGLING
(BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGI ang katahimikan ng Pangulo sa usapin ng smuggling sa bansa na sumisira sa kanyang administrasyon. Ito ang obserbasyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. “Ano ang kanyang masasabi sa ganung mga rebelasyon o sa mga umiikot na usap-usapan,” ayon pa kay Manuel. Marami rin ang nagtataka kung bakit walang opisyal na pahayag ang Palasyo hinggil sa pagsasangkot sa pangalan ng kapatid ni Unang Ginang Liza Marcos sa isa sa mga pinangalanang smuggler sa bansa. Noong isang linggo, nagpahayag ng pagdududa ang isang opposition solon sa Kamara sa…
Read MoreMINAHAN NI GATCHALIAN SA SIBUYAN PINASUSUSPINDE
NAGBABADYA ang tuluyan pagkawasak ng kalikasan at pagkaubos ng mga pambihirang hayop sa kagubatan sa sandaling simulan ang operasyon ng minahang pag-aari diumano ng kapatid ng bagong talagang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Isla ng Sibuyan sa lalawigan ng Romblon. Panawagan ng mga residente sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), huwag pahintulutan ang pagmimina ng nickel ore ng kumpanyang Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na konektado umano sa isang Kenneth Gatchalian, kapatid ni DSWD Sec. Rex Gatchalian. Pangamba ng mga residenteng nagbarikada bilang…
Read MorePANUKALA NI NOGRALES PARA SA MANGGAGAWA UMUSAD NA SA KAMARA
UMARANGKADA na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga isinusulong na panukalang batas ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na naglalayong paigtingin ang proteksyon sa karapatan ng mahihirap na manggagawa. Kabilang sa mga ito ang House Bill No. 1270 – An Act Instituting Policies for the Protection and Promotion of the Welfare of Workers or Independent Contractors in the Film, Television, and Radio Entertainment Industry (Eddie Garcia Act); House Bill No. 6683 – An Act Promoting Inclusive and Sustainable Productivity Growth, repealing for the purpose Republic Act No. 6971,…
Read More