P30-B ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA ILALIM NG MARCOS JR. ADMIN

INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang pinaigting na anti-narcotics campaign ng gobyernong Marcos ang dahilan nang pagkakasamsam sa P30.9 billion halaga ng ilegal na droga noong 2022. Sa 2022 accomplishment report ng PDEA na iprinisinta sa Malakanyang, sinabi nito na bukod sa multi-bilyong halaga ng ilegal na droga na nasamsam, aabot sa P27.8 bilyong halaga ng droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECS) ang winasak nila. “And through more than 37,000 operations conducted by the agency and other law enforcement units, a total of 53,002 drug…

Read More

BENTAHAN NG ALAK HIGPITAN KONTRA TEENAGE PREGNANCY

INILATAG ni Senador Raffy Tulfo ang iba’t ibang hakbangin upang malunasan ang nakababahalang pagtaas ng teenage pregnancies sa bansa. Sa pagdinig sa Senado, iniulat na tumaas ang bilang ng mga edad 10-14 na nabubuntis. Una sa mga inilatag ni Tulfo ang pagkontrol sa pagbebenta ng alak kung saan bibigyan ng lisensya ang mga tindahan na may kaakibat na responsibilidad ang mga may-ari. “Siguro po isa-suggest ko, i-legislate natin ‘to na magkaroon ng liquor license ang lahat ng tindahan na nagtitinda ng liquor. Kapag nag-violate ka, nagbenta ka ng liquor sa…

Read More

Pinakakasa ng Kamara ALL OUT WAR VS HOARDERS

(BERNARD TAGUINOD) INATASAN ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na ilunsad na ang ‘all out war” laban sa hoarders ng mga produktong agrikultura tulad ng sibuyas. Ginawa ni Romualdez ang kautusan matapos pulungin ang mga opisyal ng dalawang ahensya. “We cannot allow it anymore. It’s too much. Kawawa ang tao,” ani Romualdez sa mga opisyal ng DA at DTI kaya hiningi nito ang tulong ng dalawang ahensya para sa pagkakakilanlan ng mga nagtatago ng mga produktong agrikultura upang…

Read More

P125 SRP SA IMPORTED RED ONION SA NCR

BILANG pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders at tugunan ang usapin ng overpriced red onions sa merkado, nagpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilogram ng medium- at big-sized imported red onion sa mga wet market sa loob ng National Capital Region (NCR). “[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the…

Read More

LAND GRABBING PALALALAIN NG ROW BILL

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na lalong lalala ang land grabbing sa ipinasang Right of Way (ROW) Bill na naglalayong pabilisin ang pagbili ng lupa at ari-arian na dadaanan ng mga proyekto ng gobyerno. Sa botong 239 pabor at 3 ang kumontra, tuluyang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill (HB) No. 6571 o The Right-of-Way Act na inakda ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. “Nangangamba ang Kabataan na ang mga amyenda sa Right of Way Act ay magpapalala ng land grabbing at…

Read More

Solon kay Pres. Marcos Jr. INFLATION HARAPIN HINDI PURO BIYAHE

(BERNARD TAGUINOD) KAILANGAN nang tugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy sa pagtaas na inflation sa halip na tumutok lang sa pagbiyahe sa iba’t ibang bansa. “Jet-setter Marcos Jr. should answer for 8.7% runaway inflation,” hamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Pangulo matapos pumalo sa 8.7% ang inflation rate noong Enero na mas mataas ng 0.6% mula sa 8.1% na naitala noong December 2022. Dismayado ang mambabatas dahil mahigit pitong buwan na aniya sa Malacañang si Marcos Jr. subalit hindi nito nareresolba ang patuloy na paglobo ng…

Read More

PANUKALANG BATAS NI CONG. DAZA, MABIGAT NA PARUSA SA MGA MAGULANG NA AYAW MAGBIGAY NG SUSTENTO

RAPIDO NI TULFO BABALA sa mga ama o ina na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak dahil kapag naging isang ganap nang batas ang panukala ni Northern Samar 1st District Rep. Paul Ruiz Daza, mabigat ang magiging parusa sa mga gumagawa nito. Ayon sa panukalang batas ni Cong. Daza, na tinawag na “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof”, magkakaroon ng criminal liability ang mga magulang na hindi magbibigay ng suportang pinansyal (child support) sa kanilang mga anak. Layunin daw ng panukalang batas…

Read More

WALANG PAMBAYAD SA OSPITAL? MAY BATAS NA MASASANDALAN

BALYADOR ni RONALD BULA KUNG nangangailangan nang agarang atensiyong medikal, o ‘di kaya ay nasa tamang kondisyon na upang makalabas ng ospital pero walang pambayad, mayroong ilang batas na maaaring sandalan. Kapag magaling na ang isang pasyente at nabigyan na ng doktor ng permiso upang ma-discharge sa ospital, hindi na maaaring pigilan ng kahit sinong opisyal o empleyado ng ospital ang paglabas nito. Hindi rin maaaring i-hostage ang isang bangkay dahil lamang hindi pa nababayaran ng mga kamag-anak ang bills sa ospital. Ito ay ayon sa batas na Republic Act 9439…

Read More

ACT-CIS PARTY-LIST TULOY-TULOY ANG SERBISYO PUBLIKO

TARGET NI KA REX CAYANONG NGAYONG 2023, mas pinalawak at mas pinalakas pa ang public service ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list. Kung hindi ako nagkakamali, sina Rep. Edvic Yap, Rep. Jocelyn Tulfo at Rep. Jeffrey Soriano ang kasalukuyang mga kinatawan ng partido ngayong 19th Congress. Si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo naman ang kanilang chairman. Napabalitaan ng inyong lingkod na nagbalik na pala si Sec. Tulfo sa ACT-CIS Action Center. Kamakailan, sa pakikipagtulungan ng ACT-CIS Party-list at Erwin Tulfo Action Center sa LITRO Babies Philippines,…

Read More