MISTULANG nakasandal na sa pader si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi lamang ang grupo ni House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang kakampi niya kundi maging si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos, Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para imbestigahan ang una sa kanyang bloody drug war. Bukod dito, binanggit din ng kasalukuyang Pangulo na “threat to our sovereignty” ang pag-iimbestiga ng ICC. “I do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our…
Read MoreDay: February 19, 2023
MGA KASALANAN NI DU30 ‘DI MABUBURA NG GRUPO NI GLORIA
HINDI mahuhugasan ng anomang resolusyon na ihahain sa Kamara ng pangkat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kasalanan sa war on drugs. Ito ang iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman kasunod ng paghahain ng House Resolution (HR) 780 ng mga mambabatas sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ipinakokondena sa kapulungan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte. “The alleged crimes against humanity of former President Rodrigo Duterte and his cohorts cannot be cleansed in the laundromat of the House…
Read MorePBBM MALAMIG SA PAGGAMIT SA MDT
WALANG balak si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos kasunod ng laser-pointing incident ng China sa West Philippine Sea. “If we activated that, what we are doing is escalating the — intensifying the tensions in the area and I think that would be counterproductive. Besides, despite the fact that it was a military-grade laser that was pointed at our Coast Guard, I do not think that that is sufficient for it to trigger the Mutual Defense Treaty,” ayon kay Pangulong Marcos…
Read MorePAGPAPAHALAGA SA KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA HAYOP, DAPAT PAIGTINGIN
SA GANANG AKIN NI JOE ZALDARRIAGA MARAMING mga hayop sa bansa, partikular na ang aso at pusa, ang pagala-gala lamang dahil walang pamilyang nag-aalaga sa kanila. Tayong mga tao bilang pinakamataas na uri ng nilalang ay may responsibilidad na pangalagaan, pahalagahan at bigyang proteksyon ang mga hayop dahil ang bawat buhay sa mundo ay mahalaga. Ang mga aso at pusa na nakikita sa lansangan ay wala naman ibang hangad kundi ang makakain, makainom, at makahanap ng lugar kung saan ito maaaring matulog at magpahinga kapag nakararamdam ng pagod. Nangangailangan sila…
Read MorePIGILAN ANG PAGSADSAD NG EDUCATION SYSTEM – VP SARA
TARGET NI KA REX CAYANONG MAHALAGA sa bagong henerasyon ang edukasyon. Kaya mainit itong pinag-uusapan ngayon. Maituturing namang hamon sa administrasyon kung paano patatakbuhin nang tama ang sistema. Siyempre, dapat akma ito sa kasaysayan, siyensiya, panitikan at iba pang aspeto. Si Vice President Sara Duterte-Carpio ang namumuno ngayon sa Department of Education (DepEd). Tunay na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya sa pagsulong ng edukasyon at sa ating kasaysayan kung hindi ito pagtutulungan ng lahat. Humihina raw ngayon ang sistema na tinutugunan naman ni VP Sara. Aba’y binigyang diin niya…
Read MoreTULUNGAN ANG BI NA MAKABANGON
BISTADOR RUDY SIM NAGING paboritong sawsawan na ng ilang mga pulitiko sa ating bansa ang isang ahensya ng ating pamahalaan na kung ating titingnan ay masyado nang bugbog at halos hindi na makabangon dahil sa patuloy na paninira sa pangalan ng ahensya na hindi naman nararapat. Sa nakaraang mga pagdinig sa Senado sa umano’y katiwaliang nangyayari sa Bureau of Immigration (BI) ay iba’t ibang kuwento ang ating narinig na may kinalaman sa katiwalian na sa mata ng taumbayan ay agad nang nahusgahan ang BI at hindi nabigyan ng patas na…
Read MoreKARANGYAAN O SAGRADO?
DUMARAMI ang naniniwalang hindi na kailangan ang kasal bago magsama ang pareha. May mga rason para mabawasan ang nananalig na dapat kasal muna bago pisan. Tumaas ang bilang ng common-law o live-in couples sa bansa sa 12.66 milyon sa pagitan ng taong 2015 at 2020. Sila ang pareha na nagsasama nang walang kasal o legal na relasyon. Ayon sa pinakahuling census ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 14.7 porsyento ng 86.33 milyong indibidwal na edad 10 at pataas noong 2020 ay nasa common-law relationship, mas mataas ng 9.2 porsyento o…
Read MoreLOLO NALAPNOS SA KANDILA
CAVITE – Nalapnos ang katawan ng isang 74-anyos na lolo nang masunog ang kanyang bahay matapos nakalimutan ang nakasinding kandila sa Tagaytay City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Olimpio Caraan y Bruce, biyudo, ng Brgy. Iruhin West, Tagaytay City, dahil sa mga lapnos sa katawan. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Darwin Q. Jaime ng Tagaytay City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar. Mabilis namang nagresponde ng mga pamatay sunog…
Read More2 SUNOG NA BANGKAY, ITINAPON SA KALSADA
BATANGAS – Dalawang hindi pa kilalang bangkay ng isang babae at isang lalaki ang nadiskubre sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Nasugbu Police, nadiskubre ng isang security guard ang mga bangkay sa gilid ng isang bagong gawang kalsada sa Sitio Angara, Barangay Natipuan. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na sunog ang ilang bahagi ng katawan ng mga ito, indikasyon na nais ng mga suspek na maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito. Ayon pa sa pulisya, posibleng biktima ang mga ito ng summary execution at…
Read More