(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang pagtatapos ng mahigit dalawandaang (200) residente ng Montalban sa iba’t ibang technical courses na ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa seremonya na ginanap sa gymnasium ng nasabing bayan kamakalawa. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Ben-hur Baniqued, Provincial Director ng TESDA Rizal, aniya napakalaking tulong sa kanila ang tulad ni Cong. Nograles sa pamamagitan ng paglalaan nito ng pondo para mabigyan ng mga ganitong kasanayan ang mga residente ng Montalban. Anya, kung hindi dahil…
Read MoreDay: March 1, 2023
5 ARESTADO SA DRUG DEN
CAVITE – Umabot sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos na salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den at naaresto ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Bacoor City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Marlon Nicolas y Taylor; Bonifacio Azucena y Navilla, 31; Jedy Pante y Alicante, 30; Val Medenilla y Felonia, 38; at Edmond Martin Enriquez y Sepaga, 32-anyos. Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)…
Read MoreLIVE-IN PARTNER ITINULAK SA TULAY NG TRAFFIC ENFORCER
QUEZON – Malubhang nasugatan ang isang babaeng empleyado ng Tayabas City Hall matapos na ihulog sa ilog ng kanyang kinakasamang traffic enforcer mula sa tulay sa Tayabas City noong Martes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang 28-anyos na biktimang si Verlyn Serrano Obcemia, residente ng Barangay Dapdap, Tayabas, dahil sa mga pinsala sa ulo at katawan sanhi ng pagkahulog mula sa 10 metrong taas na tulay. Tumakas naman ang 33-anyos na suspek na si Jerome Cabile Cabuyao, isang traffic enforcer, ng Tayabas City, matapos ang pangyayari. Ayon sa report ng Tayabas City Police, dakong…
Read MorePAGKAMATAY NI SALILIG KINONDENA NG ADU-PTA
MARIING kinondena ng pamunuan ng Adamson University Parents Teachers Association (ADU-PTA) ang marahas na hazing na ikinasawi ng isang estudyante ng unibersidad. Ayon kay Mer Layson, pangulo ng ADU-PTA, nakakapanlumo, nakakaiyak at nakakagalit ang ginawa ng grupo ng isang fraternity sa 3rd year engineering student na si John Matthew Salilig na napatay sa Hazing sa Laguna at ang bangkay nito ay ibinaon sa isang subdibisyon sa Imus, Cavite. Sinabi ni Layson na nanlumo siya habang ang ibang opisyal ng ADU-PTA ay naiyak, makaraang makarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa…
Read MoreDISQUALIFICATION CASE NI SENATOR RAFFY TULFO IBINASURA
NAWALAN na ng saysay ang reklamo laban kay Senador Raffy Tulfo makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang “motion for reconsideration” sa disqualification case dahil sa kawalan ng balidong rason. Unang dinismis ng Comelec ang disqualification case na inihain ng isang Julieta Licup Pearson laban kay Tulfo noong Marso 4, 2022. Naghain si Pearson ng mosyon na ibinasura rin ng komisyon nitong Pebrero 28. Ayon sa Comelec, hindi napatunayan ng mosyon na sapat ang kanilang ebidensya laban kay Tulfo at hindi rin napatunayan na labag sa batas ang unang…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ NAG-ALOK NG PABUYA LABAN SA MGA SUSPEK SA PAGKAMATAY NG ADAMSON STUDENT
NAG-ALOK kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing. Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan. “Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.” “Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal…
Read More4 LUGAR SA MM, 20-50 ORAS WALANG TUBIG – MAYNILAD
BUNGA ng isasagawang pagkumpuni sa isang major leak sa Makati City, makararanas ng mula 20 hanggang 57 oras na walang suplay ng tubig ang apat na lugar sa Metro Manila mula Marso 5 ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi ng Marso 7. Maapektuhan ng pagkukumpuni ang 115,000 service connections ng Maynilad Water Services Inc., sa mga lugar sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque. Sinabi ng Maynilad, susuriin nila ang underground pipe upang matiyak ang laki ng pinsala na dapat nilang ayusin. Una rito, nadiskubre ng Maynilad nitong nagdaang weekend ang major pipe leak…
Read More