SMUGGLED YOSI HAGIP SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P1.2-milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo ang naibuslo ng lokal na pulisya sa Lungsod ng Zamboanga. Ayon kay Zamboanga City Police chief Col. Alexander Lo­renzo, nakatakda na ring ilipat ng lokal na pulisya ang kustodiya ng mga nasamsam na kargamento sa Bureau of Customs (BOC). Sa ulat na isinumite ng Zamboanga PNP sa BOC, dakong alas-3 ng madaling araw nang ilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbiyahe ng isang trak na puno ng kontrabando. Pagdating sa Barangay San Roque, lugar na binanggit ng…

Read More

MGA HUWARANG KAWANI KINILALA NG BOC-CLARK

KUNG meron mang dapat kilalanin sa likod ng walang puknat na tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) sa pagkamit ng higit pa sa itinakdang target collection, sila yaong mga kawa­ning nagpamalas ng sigasig, husay at katapatan sa pagganap sa mandatong kala­kip ng trabaho. Sa kalatas ng BOC-Port of Clark, personal na binigyan ng pagkilala ni District Collector John Simon ang mga kawani sa nasasakupang distrito, kaugnay ng matapos magtala ng nakamamang­hang 17.88% increase sa monthly collection target ng BOC-Clark sa mga nakalipas na buwan. Bukod sa aspeto ng koleksyon, pinarangalan…

Read More

SMUGGLERS KAKAPUNIN NG TAMBALANG DOJ-BOC

(JOEL O. AMONGO)   ASAHAN ang lingguhang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sindikato sa likod ng modus na puslit-kontrabando sa pinalakas na kampanya kontra smuggling ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Customs (BOC). Sa isang pulong, napagkasunduan nina Justice Sec. Crispin Remulla at Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang implementasyon ng mas pinalakas na mandato ng DOJ-BOC Task Force. Ayon kay Remulla, higit na kailangang tiyaking mananagot sa umiiral na batas ang mga sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa, habang tiniyak naman ni Rubio ang mas pinaigting na…

Read More

3 LAWLESS ELEMENTS PATAY SA AFP-PNP JOINT OPS

PATAY ang tatlong lawless elements sa ikinasang joint PNP-AFP operations nitong nakalipas na linggo na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng apat na high powered firearms, ayon sa militar. Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, commander ng Joint Task Force Central, naglunsad ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng Philippine Army 602nd Infantry Brigade at Cotabato Provincial Police Office laban kina Abdullah Kurdotoy at Jonathan Kadalem sa Barangay Macabual, Pikit, Cotabato, Sabado ng madaling araw. Sa ulat, bago pa madikitan ng mga awtoridad ang target na bahay ay sinalubong…

Read More

Mula sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela RETRIEVAL TEAM NAHIRAPAN SA PAGBABA SA 6 BANGKAY

SINAGUPA ng Philippine Army at ng iba pang kasapi ng retrieval team ang masamang panahon at peligrosong terrain para maibaba ang anim na bangkay na sakay ng bumagsak na Cessna 206, ayon sa Isabela Incident Management Team (IMT). Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nahirapang marating ng retrieval team ang kanilang extraction point kung saan sila papalitan ng nag-aabang na second team na humahalili sa pagod na pagod nang grupo. Sa pinakahuling ulat, bandang alas-12:54 ng madaling araw kahapon nadala ng retrieval team ang labi ng piloto at mga pasahero…

Read More

LOLO PATAY, 3 IBA PA SUGATAN SA TANKER

CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lolo habang sugatan ang tatlong iba pa na pawang riders, nang araruhin ng isang Isuzu tanker sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga. Pawang isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang sina Luis Ligeralde y Silleza, 68; Martin Villanueva y Nibay, 55; Roselle Villanueva, 18; at Aljon Cebellina y Guillermo, 19, subalit idineklarang dead on arrival si Ligeralde. Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu Tanker na may plakang TQV 353, na si Godfrey Flores y Viacoles, 44, ng Brgy. Pulido, General…

Read More

ILANG KALALAKIHAN LUMUSOB SA ACT-CIS OFFICE

NILUSOB ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang opisina ng ACT-CIS sa Quezon City. Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Marso 9, nang bumaba sa sinasakyang pampasaherong jeepney ang ilang kalalakihan sa harap ng opisina ng ACT-CIS Party-list Office sa Quezon City. Base sa CCTV footage, dumating muna ang dalawang lalaking naka-motor. Kinatok nila nang kinatok ang gate ng opisina subalit hindi sila pinagbuksan ng guwardiya. Makalipas lang ng ilang minuto, dumating ang isang pampasaherong jeep lulan ang sandosenang kalalakihan. Inabot ng halos isang oras ang kalalakihan sa…

Read More

Buong staff pinagre-resign din ES BERSAMIN NAGBITIW

TOTOO ang kumalat na balita nitong nakalipas na Sabado na nag-resign na si Executive Secretary Lucas Bersamin sa kabila ng naunang pagtanggi na ipinalabas ng Palasyo ng Malakanyang. Kinumpirma ito mismo ng isang opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na nadulas magkuwento sa ilang staff ng Media Accreditation and Relations Office (MARO) ng PCO kung saan nagsimula ang ‘marites’ na nag-resign na si Bersamin bilang ES ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Si PCO official na kilala sa alias Bulldog ay nagsabing hindi niya sukat akalain na masangkot sa iskando si…

Read More

PBBM BIBIYAHE MULI SA US

INAAYOS at pinaplantsa na ang posibleng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington ngayong taon. Ito ang binanggit ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel G. Romualdez sa isang event kung saan tumayong host ang Washington’s Institute of World Politics. Aniya, inaasahan na bibisita si Pangulong Marcos sa US West Coast bago matapos ang taon para sa APEC summit, na nakatakdang idaos sa San Francisco sa Nobyembre 12, 2023. “We are also working on a possible standalone visit here in Washington DC, although we have yet to agree…

Read More