SMUGGLERS LAGOT!

Ni JOEL O. AMONGO   BILANG na nga ba ang araw ng mga siga sa Aduana? Pwedeng oo, pwedeng hindi pa. Pero kung ako ang tatanungin, malaking bentahe ang sel­yadong kasunduan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kolektibong pagkilos para ipakulong ang mga negosyanteng tuso at mga utak-sindikatong nasa gobyerno. Sa naganap na pag-uusap sa pagitan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio at Justice Secretary Crispin Remulla, malinaw ang kanilang adyenda – wakasan ang pamamayagpag ng mga negosyanteng mandaraya. Gayundin ang kanilang puntirya…

Read More

KALAKALANG PH-HUNGARY PALALAKASIN

SA hangaring palawakin ang merkado ng mga produktong gawang Pinoy, agresibong isinusulong ng Bureau of Customs (BOC) ang pinaigting na kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Hungary. Sa pagbisita kamakailan ni Hungarian Ambassador Titanilla Tóth at Consul Balazs Ratkai sa tanggapan ni Commissioner Bienvenido Ruiz, tampok sa naganap na usapan ang pagpapalawig ng ugnayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary sa ilalim ng mekanismong ‘go­vernment-to-government trade facilitation program.’ “Part of our initiatives to drive the growth of our economy is securing partnerships to improve Customs control and international…

Read More

TURISTA HAGIP SA PINUSLIT NA SHABU SA NAIA

TIMBOG sa mga alistong o­peratiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang banyagang turista matapos mabisto ang nasa anim na kilong shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa kalatas ng BOC-NAIA, lumapag sa paliparan ang banyaga sakay ng Ethiopian Airlines flight ET644 mula sa Ma­dagascar, East Africa. Kinilala ang suspek sa pangalang Randriamparany Harisoa Sandra. Ayon sa mga operatiba, inaresto ang dayuhan matapos magduda ang mga kawani sa imaheng lumabas sa X-ray scanner. Nang buksan ang bag ng suspek, tumambad ang anim na kilong shabu – hudyat para piitin…

Read More

Pinuslit galing sa China, na naman! SIBUYAS BISTADO SA MICP

SA kabila ng pagbaba ng pre­syo ng sibuyas sa merkado, patuloy ang mahigpit na implementasyon sa mas mahigpit na pagsusuri ng mga kargamento, ayon sa Bureau of Customs (BOC). Bilang patunay, 18 containers na naglalaman ng mga sibuyas galing sa bansang China ang kumpiskado sa mga operatiba ng kawanihan matapos magpositibo ang timbre sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng isang impormanteng nagnguso sa panibagong tangkang magpuslit ng mga produktong agrikultura sa Manila International Container Port (MICP). Sa kalatas ng BOC, bulilyaso ang kargamentong idineklara bilang ‘pizza dough’ at…

Read More

NINJA COPS MASAHOL PA SA DRUG DEALERS – SOLON

“MAS masahol pa kayo sa mga drug dealers na hinuhuli niyo.” Ito ang mensahe ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers sa mga Ninja copsat anti-drug operatives na nangungupit  sa mga nahuhuling droga. Unang inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo, na may assets na humihingi ng 30 percent sa mga huling droga bilang kabayaran sa kanilang trabaho. Dahil dito, nagpatawag si Barbers ng motu propio investigation dahil kung magpapatuloy aniya ang ganitong gawain sa anti-drug operations ay hindi mareresolba ang…

Read More

VIRUS NA TUMAMA SA ILANG RESIDENTE SA SAMAR SINUSURI

SINIMULAN na ng health officials ang pagkuha ng specimen samples sa mga pasyenteng tinamaan ng Hand, Foot and Mouth Disease sa Borongan, Eastern Samar para malaman kung anong virus ang naging sanhi nito. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Borongan, posibleng alinman sa Coxsackievirus or enterovirus ang nakakaapekto ngayon sa mga pasyente. Isinailalim sa throat swab at anal swab ang mga pasyente. Ang mga nakuhang samples naman ay dadalhin sa RITM sa Metro Manila para mapag-aralan. Sa latest na data mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit, aabot…

Read More

RESIGNATION NI BERSAMIN ‘BLACK PROPS’

MARIING itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ulat na nagbitiw siya sa puwesto. Para kay Bersamin, malinaw na ito’y isang black propaganda laban sa kanya. “Rumors are not true. They are black propaganda against me,” ani Bersamin sa isang text message. Nauna nang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si ES Bersamin. Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, walang katotohanan ang nasabing ulat. Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bersamin na dating Chief Justice noong Setyembre 2022. Mismong kay…

Read More

FISH PORTS SA 11 COASTAL PROVINCES TARGET NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Pilipino. Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Martes, Marso 14. Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang traditional landing ports sa bansa. Ang nasabing hakbang, ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa…

Read More

PCC, LTFRB PINAIIMBESTIGAHAN SA KAWALAN NG PARUSA SA GRAB PH

PINAIIMBESTIGAHAN ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa House committee on transportation ang Philippine Competition Commission (PCC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa kabiguan ng mga ito na ipatupad ang ipinataw nilang parusa sa Grab Philippines. Base sa House Resolution (HB) 860 na inakda ni Brosas, nais nitong pagpaliwanagin ang dalawang nabanggit na regulatory office kung bakit hindi nila kayang ipatupad ang kanila mismong kautusan sa Grab Philippines kaugnay ng isyu sa overpricing. “Ilang taon nang hindi ipinatutupad ng Grab Philippines ang refund order, bakit passive…

Read More