NANAWAGAN ang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ng Batangas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sila ay tulungan sa kanilang suliranin sa lupang kanilang sinasaka, sa ginanap na “Balitaan sa Tinapayan” sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets , Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng umaga. Sinabi ni Dorcas Aquino, pangulo ng Samahang Magsasaka ng Balibago, Matabungkay sa Lian, Batangas na sa pamamagitan ng media, umaasa sila na maipapaabot ang kanilang kahilingan na sana ay matulungan sila na hindi tuluyang masakop ng mga makapangyarihan ang lupaing kanilang sinasaka…
Read MoreDay: March 17, 2023
BOOM TRUCK SWAK SA BANGIN SA QUEZON, BUKIDNON, 4 PATAY
APAT katao ang patay, kabilang ang tatlong empleyado ng munisipyo at isang barangay kagawad ng Quezon, Bukidnon, matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang boom truck noong Huwebes ng hapon, Marso 16. Ayon sa report ng Quezon Municipal Police Station sa lalawigan ng Bukidnon, sakay ng boom truck, nag-deliver ng mga concrete culvert ang mga biktima sa Barangay Linabo at pabalik na sa munisipyo nang mangyari ang insidente. Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng mga biktima ang pakurbada at bulubunduking daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho. Bunsod nito, nahulog sa bangin…
Read MoreDISMISSAL ITINANGGI NG NCR-CIDG DIRECTOR
NILINAW ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Director Col. Hansel Marantan na hindi siya tinanggal kundi siya ay kusang nagbitiw sa pwesto. Ang paglilinaw ay kaugnay sa mga ulat na sinibak siya sa puwesto dahil sa mga katiwaliang nagsasangkot sa kanyang mga pinangangasiwaang operatiba na nagsagawa ng raid sa Parañaque City. Sa isang pahayag, sinabi ni Col. Marantan na taliwas sa mga ulat ay kusang-loob siyang nag-resign sa kanyang posisyon bilang NCR CIDG Director para mawala ang anomang pagdududa na maaaring maimpluwensyahan niya ang imbestigasyon na kinasasangkutan…
Read MoreNAG-SUICIDE SA DOLOMITE BEACH, SUSPEK SA PAGPATAY SA KA-LIVE IN
NABATID sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad na ang isang lalaki na nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa Dolomite Beach sa Manila Bay, ay suspek umano sa pagpatay sa kanyang kinakasama sa Rodriguez, Rizal noong Marso 12. Gayunman, hinihinalang hindi nalunod sa Dolomite Beach si Lito Rubio y Animas, 57, ng Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal, kundi inatake sa puso makaraang tumalon sa Dolomite Beach noong Marso 15 sa Roxas Boulevard, Ermita Manila. Sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ni Police Senior Master Boy Niño Baladjay ng Homicide Section, nadiskubre ang…
Read MoreGUN RUNNER TIKLO SA ENTRAPMENT
ARESTADO ang isang 28-anyos na jobless makaraang mag-alok umano ng baril sa ikinasang gun buy-bust operation sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang arestadong suspek na si Babymar Salatandol y Angeles, binata, residente sa Pier 18, Tondo, Manila. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II, Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District, bandang alas-5:50 ng hapon nang magsagawa ang mga awtoridad ng One Time Big Time operation laban sa loose firearms at isa si Salatandol sa kanilang target.…
Read MoreEX-BOC COLLECTOR, 1 PA TIMBOG SA EXTORTION
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating collector ng Bureau of Customs, kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan, sa inilatag na entrapment operation sa waiting shed ng Century Park Hotel sa Vito Cruz St., Malate, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina Atty. Juan Natividad Tan, dating Customs Collector sa Lalawigan ng Batangas, at ang negosyanteng si Benjamin Sebastian. Base sa ulat ng NBI Anti-Organized & Trans-national Crime Division (AOTCD) bandang alas-1:45 ng…
Read MoreFOREIGN TOURIST ARRIVALS PUMALO SA 1M – DOT
NAKAPAGTALA ng mahigit isang milyong international travelers na dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023. Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil may 1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.” “In less than three months, we have logged more than a million visitors into the Philippines,” ani Frasco sa kanyang talumpati sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 Tourism Stakeholders’ National Summit sa Maynila. “The country is well on its way…
Read MoreSOLON: COLONELS, GENERALS KASABWAT NG ‘NINJA INFORMANTS’
HINDI lamang tiwaling low ranking operatives sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang kasabwat ng mga tinaguriang “ninja-informants” para ibalik sa kalsada at ibenta ang hanggang 70% ng nakumpiskang droga. “Meron, as high as colonels and generals,” pahayag ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers kaugnay ng natuklasan ng komite na hanggang 30% lamang sa mga nahuling droga ang idinedeklara habang ang natitirang 70% ay ibinibigay sa assets para muling ibenta. “Yun mga maliliit na ranggo palagay ko di ‘yan magtatrabaho ng ganun kung…
Read MoreBinisto ni Banat By VLOGGER NA SI TP, TANSO!
UMUSOK ang social media sa dami ng reaksyon matapos bakbakan ng vlogger na si Banat By ang kapwa vlogger na si RJ Nieto o Thinking Pinoy (TP). Pinatutsadahan din ni Banat By o Byron Cristobal si TP at followers nito na tanso o napeke. Sa kanyang mahigit dalawang oras na vlog, ibinisto ni Banat By na hindi lang minsan nag-ambisyon si TP na magkaroon ng pwesto sa gobyerno. Tila sinusugan nito ang pahayag ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na nag-aplay bilang political adviser ng Marcos Jr. admin si Thinking…
Read More