MALAWAKANG BROWNOUT AT PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE NGAYONG TAG-INIT

MY POINT OF BREW GAYA ng pagtaas ng temperatura sa panahon ng tag-araw, ay inaasahan din tataas ang konsumo ng kuryente dulot ng mas madalas na paggamit ng mga cooling appliance tulad ng electric fan at air conditioning units. Dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ang inaasahang pagtaas ng konsumo ay maaari din magdulot ng mga rotational brownout sa mga buwan ng tag-init. Ang mga sitwasyong ito ay hindi na bago sa atin, kaya naman mas nakakainis na tila nagpapatumpik tumpik at walang matinong programa ang pamahalaan na makakapagtiyak…

Read More

MAAGA PA PARA MAGBUNYI

CLICKBAIT ni JO BARLIZO AYOS ang mensahe na bumaba na ang bilang ng text scams na naitatala sa bansa mula nang maisabatas ang Subscriber Identity Module o SIM Registration Act. Sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC), bumagsak sa 100 mula sa dating 1,500 kada araw ang reklamo laban sa text scams na naitala bago ipatupad ang RA 11934. Pero, maaga pa para magbunyi dahil marami pa rin ang 100, at baka karamihan sa nagreklamo ay nalansi ng mga scammer. Masaklap kung ganun sapagkat malamang ang naiskam at…

Read More

BUMAHA NG MILYONES SA BI FINGERPRINT SECTION?

BISTADOR ni RUDY SIM SA pagtatapos ng taunang annual report para sa lahat ng mga dayuhang naninirahan sa bansa kung saan tinatayang sangkaterbang buhos ng mga dayuhan ang nagtungo sa itinalagang lugar at bumuhos din ang daan-daang milyones na salapi na napunta sa bulsa ng isang opisyal umano ng fingerprint section ng Bureau of Immigration. Pinakamarami sa bilang ng mga dayuhang nagtungo sa BI upang mag-report sa kanilang status ay ang mga Chinese national na hawak ng malalaking travel agency at maging ng Chinese chamber na nagpondo umano at nangasiwa…

Read More

PROTEKTOR NG ILEGAL NA SUGAL SA CALABARZON SASABIT

BALYADOR ni RONALD BULA SA kabila ng babala na kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo ang mga pulis na mapatutunayang sangkot o protektor ng ilegal na sugal ay mayroon pa ring ilang pasaway na sumasalungat at hindi sumusunod sa utos ni PNP chief, General Rodolfo Azurin Jr. Ayon sa direktiba, sinasabing nag-aabang na ang mabigat na parusa sa mga police official na nagpapabaya sa kanilang trabaho sa paglaban sa ilegal na sugal sa kanilang areas of jurisdiction. Pero base sa classified info na natanggap ng SAKSI, hindi umano umubra ang babala ni…

Read More

MALABNAW NA RASON

SWABENG pakinggan ang balik P9 na pamasahe sa mga pampasaherong jeep. Ngunit ang iminumungkahi ng Department of Transportation (DOTr) na ilang diskwento sa pamasahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, bus at UV Express ay pansamantala lang, kapalit ng pagtanggal ng “Libreng Sakay” sa EDSA Carousel. Ang kagustuhan ng DOTr na ibaba sa P9 ang minimum na pamasahe, mula sa kasalukuyang P12, sa mga tradisyunal na jeepney, at ibaba sa P11 ang ngayo’y P14 minimum sa modern minibuses ay pupukaw sa kalmado nang ‘pambiyaheng apoy’ na sumiklab dahil sa…

Read More

MURDER SUSPECT SA ORIENTAL MINDORO, TIMBOG SA CAVITE

HINDI akalain ng isang 38-anyos na lalaki na matutunton ito sa Cavite makaraan umanong gumawa ng krimen sa Occidental, Mindoro, ayon sa Manila Police District (MPD). Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na  si Raymond Candelario y Daprosa, 38, may asawa, residente ng Sitio Punduhan, Barangay Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro. Batay sa ulat ni Police Captain Rufino Casagan, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng MPD, bandang alas-11:50 ng gabi noong Miyerkoles nang mamataan ang suspek sa Malagasang I-G, Imus,…

Read More

2 RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALSADA

CAVITE – Patay ang dalawang rider habang sugatan ang isang backrider sa aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na sina Jericho Renzo Benzon y Tumlos, 24, ng Pasong Kawayan Gen. Trias City, Cavite at Fernando Tandas y Cacayuran, 42, ng Naic, Cavite. Sugatan naman si Billy Joe Ojas, 19, ng Gen. Trias City, Cavite, ang naka-angkas sa motorsiklo ni Benzon. Ayon sa ulat, dakong alas-12:58 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan…

Read More

P19.9-B DROGA SINUNOG SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P19 bilyong halaga ng ilegal na droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City noong Huwebes ng umaga. Ang naturang mga droga ay kabilang sa iba’t ibang drug evidences na nakumpiska mula sa drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang counterparts na law enforcers at military units. Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 3.7 tons o 3,746,081,07 gramo kabilang ang 2,715,4251 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P18,463,029,690.54; marijuana na…

Read More

UNANG KADIWA SA BICOL INILUNSAD

MAHIGIT 500 Kadiwa ng Pangulo outlets na ang nailunsad ng pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa. Karagdagan dito ang inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unang Kadiwa ng Pangulo sa Bicol Region. Layon ng kanyang pamahalaan na maitawid ang P20 kada kilo ng bigas upang maging mas affordable o abot-kaya ng mga Pilipino. Sa talumpati ng Pangulo sa paglulunsad ng Kadiwa sa Pili, Camarines Sur, sinabi nito na ang programa, nagsimula bilang Kadiwa ng Pasko noong nakaraang taon, ay naging matagumpay sa paghahain ng abot-kayang halaga ng…

Read More