ESTUDYANTE, 8 PA DINAKMA SA TUPADA

kulong

CAVITE – Siyam na indibidwal, kabilang ang isang 17-anyos na estudyante, ang binitbit ng Cavite police nang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operations ang Intelligence operatives ng Gen. Trias City Police sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na mananabong sa aktong nagsasagawa ng tupada. Nakuha sa kanila ang P3,300 halaga ng taya, dalawang tari at dalawang panabong. Dakong alas-5:00 naman…

Read More

NAG-ALBUROTONG LALAKI TODAS SA BIYENAN

BATANGAS – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng biyenang lalaki nang magwala at atakehin ng biktima ang kapamilya sa Barangay Putingbuhangin, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Namatay bago mairating sa ospital ang biktimang si Joshua Babao Araño. Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima at nagsimulang gumawa ng kaguluhan. Napagdiskitahan umano nito at pinagsusuntok ang kanyang misis na si Charlene Rubia Araño at isa niyang bayaw. Tinangka naman itong awatin…

Read More

P10-M DAGDAG TULONG NG US SA APEKTADO NG OIL SPILL

NAGBIGAY ang United States Agency for International Development (USAID) ng karagdagang P10 milyong halaga ng tulong sa Oriental Mindoro para tugunan ang epekto ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Sa pagbisita sa Calapan City, Oriental Mindoro ni USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, inanunsyo nito ang karagdagang tulong para sa pagsasanay sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay dahil sa fishing ban. Ang mga mangingisda ay tuturuan na maging citizen scientists para makatulong sila sa pagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng oil spill sa coastal habitat…

Read More

IBA’T IBANG AKTIBIDAD INIHANDA SA PAGDIRIWANG NG 116 ANIBERSARYO NG LAS PIÑAS

IPINAGDIRIWANG ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang kanyang ika-26th cityhood at ika-116 taon ng pagkakatatag kasabay ng mga inihandang aktibidad para sa mga residente. Ayon kay Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, iba’t ibang aktibidad ang inihanda para sa cityhood at founding anniversary ngayong Marso 27 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Sinabi pa ni Mayor Aguilar na isinasagawa ang health and wellness programs sa Verdant covered court kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol and blood typing, HIV screening, nutrition education, dental services, immunization…

Read More

TSERMAN INARESTO SA REKLAMONG KORAPSYON

HINDI na nakapalag ang isang 54-anyos na barangay chairman nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest, ng mga tauhan ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa mismong barangay hall  nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Roberto Icuspit Corpuz, may asawa, punong barangay ng Brgy. 569, Zone 56, Sampaloc. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, bandang alas-9:45 ng umaga nang arestuhin ang chairman sa loob mismo ng barangay hall, sa…

Read More

MARAMING POWER TRIPPER SA IMMIGRATION

DPA ni BERNARD TAGUINOD TINGIN ko, ang daming power tripper na immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at kapag natiyempuhan mo ‘yung hindi pa nakapag-almusal at mainit ang ulo, patay kang traveler ka. Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakitang immigration officer na ngumiti habang sinusuri ang travel documents. Ang aangas ng mukha na parang nangungursunada lagi. Pasensya na pero ang tingin sa kanila ng maraming Pinoy ay pawang ipinaglihi sa sama ng loob dahil ang susuplado at susuplada. Sabagay, ganoon yata sila sinanay sa trabaho dahil…

Read More

COURTESY RESIGNATION WA EPEK VS ILLEGAL DRUGS?

KAALAMAN Ni Mike Rosario TILA walang epekto sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs ang gimik ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjur Abalos, na panawagang courtesy resignation sa mga kernel at heneral ng pambansang pulisya. Sa ating pagkakaalam, kung tumalab ang courtesy resignation sana ay wala nang kilo-kilong shabu na nahuhuli ngayon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kamakailan lamang kaliwa’t kanan ang nangyaring pagkahuli ng kilo-kilong shabu. Nauna nang sinabi ni Abalos na kaya nila ginawa ang panawagan na courtesy resignation sa matataas na…

Read More

ALOK NA TULONG SA PINAS, ‘DI DAPAT PINALALAGPAS

PUNA ni JOEL AMONGO HINDI maikakaila sa lahat na ang ating bansa at ang buong mundo ay nakaranas ng matinding pagsubok mula sa COVID-19 pandemic na kumitil ng milyun-milyong buhay at nagdulot ito ng pagbagsak ng ekonomiya ng halos lahat ng mga bansa, mayaman man o mahirap. At isa tayo sa dumanas at patuloy pa rin na dumaranas ng epekto ng pandemya hanggang sa kasalukuyan. At hanggang hindi pa isinasantabi ng World Health Organization (WHO) ang kategoryang “pandemic” ay nasa kalagayan pa rin tayo nang wala pang tiyak na kaligtasan…

Read More

INGAT SA TAG-INIT

SA nakalipas na mga taon, karaniwang bahagi ng plano ng maraming Pilipino ang paglaboy sa tuwing sasapit ang tag-init – may mga nais dumayo sa malayong probinsya sa hangaring makalanghap ng sariwang hangin, masdan ang nakamamanghang kalikasan at ang pagtatampisaw sa tubigan. Pero tila kakaiba ang panahon ng tag-init ngayong taon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), higit pa sa inaasahan ang init factor ngayon kumpara sa nakalipas na mga panahon. Sa mga karatig bansa sa Asya, naglalaro na sa 40-50 degrees Celsius ang temperatura, habang…

Read More