P400K ILEGAL NA KAHOY NASABAT NG NBI

QUEZON – Nasabat ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) Lucena District Office ang mahigit sa P400,000 halaga  ng illegal forest product na lulan ng isang truck sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Naaresto ang apat na katao na sakay ng truck na nagmula pa sa Visayas. Kinilala ang mga ito na sina Mavie Jusayan Catarus-Escober, Juanito Lara Jr., Julius Abtado Merencillo, at Oeth  Doinog. Ayon kay NBI Lucena District Office head, Bernard De La Cruz noong Miyerkoles, naharang nila ang 12-wheeler truck sa Maharlika Highway, Barangay Malicboy, Pagbilao dakong alas-11:00 noong…

Read More

NAGBUKAS NG PINTUAN SUGATAN SA KUMATOK

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril sa isang 31-anyos na lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Bacoor City noong Huwebes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa SMAC Hospital ang biktimang si Francis Rose John Calabucal, 31, ng Brgy. Molino 6, Bacoor City sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan. Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Dasmariñas City Police, nangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw makaraang kumatok sa pintuan ang suspek. Binuksan…

Read More

FISHING BOAT AT TUGBOAT NAGBANGGAAN SA KARAGATAN

ISINASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng Philippine Coast Guard kung sino ang dapat managot sa nangyaring banggaan ng dalawang sasakyang-pandagat sa karagatan malapit sa Corregidor Island, may isang milya mula sa Caballo Island. Lulan ang dalawang mangingisda ng Fishing Banca J Berman nang mangyari ang insidente habang sila ay nangingisda sa baybayin ng karagatan. Nagsasagawa naman ng towing operations ang Malaysian-flagged Tugboat Atlantic 6 sa barge na Atlantic 7 nang makabanggaan ang fishing boat. Nasagip ang dalawang mangingisda habang ang kanilang bangka ay tuluyang lumubog. (RENE CRISOSTOMO) 222

Read More

MAG-ASAWANG TIAMZON NAMATAY SA KAMAY NG MILITAR

KINUMPIRMA ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), sa kamay ng military matapos na masabat umano ng mga sundalo noong Agosto 21, 2022, at hindi sa pagsabog gaya ng inilabas na military report. Sa mensaheng ipinarating ng CPP sa ilang kasapi ng media sa pamamagitan ng isang Marco Balbuena, at sa kanilang website na philippinerevolution.nu, sinasabing naharang ng military ang mag-asawang Tiamzon at walong iba pa. Base sa kanilang…

Read More

KASO NG SUMABOG NA PAL FLIGHT 215, 53 YEARS NABAON SA HUKAY

BISTADOR ni Rudy Sim HIGIT limang dekada na ang nakararaan nang mangyari ang isang trahedya na gumimbal sa kasaysayan ng aviation sa bansa, na ginamitan ng dahas at brutal na nakapatay sa 32 pasahero at 4 na crew ng Philippine Airlines flight 215 noong April 21,1970. Sa maliwanag na araw at magandang panahon, mula Cauayan, Isabela ay lumipad ang eroplano na patungo sana ng Manila, habang ito ay nasa himpapawid sa bahagi ng Pantabangan Dam, ay isang malakas na pagsabog ang sumambulat sa likurang bahagi nito na siyang naging dahilan…

Read More

TEVES MAY PANAWAGAN KAY PBBM

TARGET NI KA REX CAYANONG HANGGANG ngayon, hindi pa rin tapos ang isyu laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Siya ay kasalukuyang nasa ibayong dagat. Ginigipit daw kasi siya. Pilit na kinakaladkad ang kanyang pangalan sa pagpatay raw kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ngunit nanawagan si Teves kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na alamin ang buong katotohanan hinggil sa kanyang sitwasyon. “Alamin lang niya ‘yung buong katotohanan, ano ‘yung puno’t dulo nito,” ani Teves. Sabi ni Teves: “Because this started way before eh. This…

Read More

SA MGA EMPLOYER, UMENTO NAMAN D’YAN!

MALAPIT nang ipagdiwang ang Araw ng Paggawa na iniuukol sa pagpapahalaga sa mga manggagawa, ngunit sa halip na pananabik ang nararamdaman ng mga obrero sa espesyal na araw na ito ay nakakainip na paghihintay ng aksyon sa hinihingi nilang umento sa sahod ang nangingibabaw. Kailangan muling kalampagin ang mga kinauukulan para sa dagdag-sahod kaya naghain si TUCP Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ng House Bill (HB) No. 7871 o ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang Across the board wage recovery na P150…

Read More

SPEAKER ROMUALDEZ NAMAYAGPAG SA LATEST OCTA RESEARCH SURVEY

NAKAPAGTALA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng pinakamalaking pagtaas sa performance at trust rating batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group. Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 59 porsyentong satisfaction rating, mas mataas ng 15 porsyento sa nakuha nitong 44 porsyento sa survey noong Oktubre 2022. Ang nakuhang puntos ni Speaker Romualdez sa pinakahuling survey ay nangangahulugan na nakararaming Pilipino ang pabor sa kanyang ginagawa kasama na ang pagtaguyod sa mahahalagang panukalang batas na kailangan ng Marcos administration…

Read More

MGA SUGATANG SUNDALO PINARANGALAN NG AFP

BINIGYANG pagkilala ng Armed Forces of the Philippine-Civil Relation Service na pinamumunuan ni  Brig. Gen. Arvin Lagamon, ang ilang sugatang sundalo kahapon sa loob ng AFP Medical center sa Victorio  Luna Medical Center sa Quezon City. Bilang pagkilala sa katapangan at sakripisyo na inalay para sa bayan ay nagsagawa ng hospital visit at gift giving sa lahat ng battle casualties ang mga tauhan ng AFP-CRS at AFP Radio Station DWDD sa pangunguna ng kanilang Serbisyong Bayani Program na pinangungunahan nina Nellie Salanguit-Ababon at Capt. Alex  Longboan. Ayon kay Army Major…

Read More