TINGIN ng mga miron, nagplastikan lang sina House Speaker Martin Romualdez at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa kanilang pagtatagpo noong Lunes. Ito ay dahil tikom ang bibig ni Arroyo nang tanungin kung nagkaayos na sila ni Romualdez. Sa isang chance interview, tumangging magsalita si Arroyo sa nasabing isyu at maging sa nilagdaan ng kanilang partidong Lakas-CMD sa PDP-Laban na ‘partnership agreement’. Ang tanging sagot ni Arroyo ay naglabas na ito ng pahayag noong nakaraang linggo kung saan itinatanggi nito na may plano siyang palitan si Romualdez bilang House Speaker…
Read MoreDay: May 23, 2023
Itinuro sa importasyon ng asukal PBBM NILAGLAG NI PANGANIBAN
(DANG SAMSON-GARCIA) NAGBIGAY-BAWI si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa pagtuturo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa pag-aapruba ng importasyon ng asukal sa ‘selected importers’. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sinasabing iregularidad sa importasyon ng asukal nitong Pebrero, sinabi ni Panganiban na ipinag-utos ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority ang importasyon bunsod ng tumataas na inflation rate. Nangyari anya ito matapos ang meeting ng Pangulo sa binuong Inter-Agency Group na nagbabantay sa galaw ng suplay at presyo ng pagkain at mga…
Read MoreWALA PANG NATUTUPAD, BBM NANGANGAKO NA NAMAN – NETIZENS
KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga netizen na nakapanood sa kanyang Tweet na nag-aanunsyo ng topic ng kanyang bagong vlog. Sa tweet ng Presidente nitong Mayo 20, ganito ang nakasaad: BBM VLOG 242: Ang Init!! Sa isang #BagongPilipinas, sapat at murang kuryente ang handog natin para sa lahat! Ngunit sinopla ito ng mga netizen dahil yun naunang pangako ng Pangulo na magiging P20 ang kada kilos ng bigas ay hindi pa nito nabibigyang katuparan. Wala pa umanong natutupad sa mga naunang ibinida ay nangangako na…
Read MoreNAGKAKAGATAN NA SA UNITEAM
CLICKBAIT PAGKARAMI-RAMI nang teorya, opinyon at mga kwentong naglabasan kaugnay sa drama sa Kamara. Ang malinaw ay may giriang nangyari dahil sa kani-kanilang ambisyon sa pulitika. Nagpapakiramdaman pa sila sa mababang kapulungan. Mahirap nga namang tumaya nang ganito kaaga, alam naman nating mga sigurista sila. Silang mga ipinangalandakan ang pagkakaisa noong panahon ng kampanya, ngayon nagkakagatan na. Basag na ang UniTeam. Natunugan daw ni Speaker Martin Romualdez ang pag-iikot ni Rep. Gloria Arroyo para mangalap ng mga susuporta sa planong pagpapatalsik sa kanya, kaya naman biglaan ding sinipa bilang senior…
Read MoreIMBENSYONG PINOY NG BAUERTEK CORP. NAKATUON SA KALUSUGAN
BIZNEZ CORNER ni JOY ROSAROSO BAUERTEK CORPORATION – ito ang pinaka-advance Development and Manufacturing Facility sa buong Pilipinas at meron pang mga ultra – modern technology. I’m sure only the highest 𝗊uality supplement are produced. Ayon Kay Filipino Scientist Inventor Dr. Richard Nixon Gomez na 𝗌iyang nag𝗍ayo ng kumpanyang Bauertek Corporation, na sampung taon na 𝗇gayon, at 𝗂𝗍𝗈 𝖺y 𝗆𝖺𝗍𝖺𝗍𝖺𝗀𝗉𝗎𝖺𝗇 sa 𝖦𝗎𝗂𝗀uinto, Bulacan. 𝖧alos 𝖺ng mga produ𝗄to 𝖽ito ay pawang mga herbal medicine at taong 2009 𝗇𝖺𝗇g magdesisyon silang magrehistro 𝗇g Patent at ipinakilala 𝖺ng kanilang kumpanya 𝖺𝗍 𝗆𝗀𝖺 imbensyong…
Read MorePAGPAPAGANDA NG HEALTH SYSTEM PRAYORIDAD NI GOV. DOKTORA HELEN TAN
TARGET NI KA REX CAYANONG KAHIT noong kongresista pa si Gov. Helen Tan, prayoridad na ng doktora ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan. Ito ang dahilan kaya lalo siyang minamahal ng kanyang nasasakupan. Kahit ang mga katabing bayan at lalawigan ay lodi ang aleng ito. Tuloy-tuloy naman ang pagpapaganda sa Quezon Medical Center (QMC). Nitong Lunes, Mayo 22, pinangunahan ni Chief of hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva ang pagbabahagi ng mga pagbabagong isinasagawa sa QMC. “Hangad nila na mas mapaganda pa ang serbisyong ibinibigay sa ating mga kalalawigan,”…
Read MoreBAND AID SOLUTION
KAPAG malalim at malala na ang sugat o sakit, ang solusyon para ito ay maghilom at magamot ay ang band aid? Temporaryo at hindi pangmatagalan gamot ang inilalarawan nito. Pansamantala. Dito sa panandaliang ginhawa laging sumasandig ang pamahalaan sa pagtugon sa kanser na problema ng bansa. Ito ang isa pang halimbawa: Plano ng gobyerno na magtatag ng nationwide food stamp program sa pakikipagtulungan ng Asian Development Bank (ADB). Ang programa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay kabilang sa mga hanay ng mga proyekto ng gobyerno sa pipeline kasama ang…
Read MoreSCAM ALERT INILABAS NG BOC
MULING nagpalabas ng Scam Alert ang Bureau of Customs para protektahan ang taumbayan na posibleng mabiktima nito. Ayon sa paalala ng BOC, dapat maging mapagmatyag at bantayan ang kanilang sarili ng taumbayan laban sa package scams. Anila, kailangan ingatan ng mga tao ang kanilang personal details, IDs at bank information. Ang BOC ay nakatatanggap ng iba’t ibang reklamo laban sa scammers gamit ang social media. Kadalasang ang mga ito ay nagpapakilalang empleyado sila ng Bureau of Customs at gumagamit pa ng pangalan ng ilang mga empleyado at opisyal nito. Para…
Read MoreLATEST CUSTOMS POLICIES AND PROCEDURE TINALAKAY SA WEBINAR NG BOC-CDO
TINALAKAY ng Bureau of Customs Port of Cagayan de Oro ang hinggil sa pakikipag-ugnayan sa kanilang stakeholders sa bagong instalasyon ng Webinar sa Latest Customs Policies and Procedure noong Mayo 10, 2023 via Zoom at Facebook Live. Ang Stakeholders ng Port of Cagayan de Oro, mga miyembro ng Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) Northern Mindanao, Customs Brokers Representative Association (CBRA) Northern Mindanao, kasama ang Bureau of Customs employees, ay nakiisa sa nasabing webinar. Kabilang sa speakers ay si Collector Vincent Villanueva ng Sub-Port of Ozamiz na tinalakay ang paksa…
Read More