39,000 PULIS DINEPLOY SA AREAS NA TINUMBOK NG BAGYONG BETTY

pulis

MAAGANG nagdeploy ng kanilang disaster response team ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na tinumbok ng Bagyong Betty upang masiguro ang peace and order. Nabatid na umaabot na sa 39,021 miyembro ng PNP ang naka-preposition bago pa ang paghagupit ng bagyo. ‘ Ayon sa datos ng Pambansang Pulisya, nasa 4,650 trained personnel ng PNP-Water Search and Rescue (WASAR) team at 7,371 trained personnel para sa Search and Rescue (SAR) ang kanilang ikinalat kaugnay sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Betty sa ilang rehiyon sa bansa. Ani PNP Chief PGen.…

Read More

48 DRUG SUSPECTS NASUKOL SA 1 WEEK OPERATIONS NG MPD

UMABOT sa 48 suspek sa droga ang nasakote at nasa 560.21 gramong shabu ang nasamsam sa loob ng isang linggong operasyon ng Manila Police District (MPD). Kabilang ito sa ibinida ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa publiko kaugnay ng “Daily Accomplishment Report” ng kanyang 14 Station Commanders. Mayo 21 hanggang Mayo 27, ikinasa ang dobleng police operations sa hurisdiksyon ng MPD na nagresulta sa pagkadakip ng 48 suspek at pagkasamsam ng shabu na nasa P3,809,428.00,124 ang street value. Sa mga sinita sa illegal gambling ay nasamsam…

Read More

REP. NOGRALES PATULOY SA PAMAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL

TULOY-TULOY ang pag-arangkada ng “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng naturang bayan. Kabilang sa mga ipinamahagi ni Cong. Nograles kasama ng DSWD, ay ang financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance at livelihood assistance. Bukod sa mga residente, namahagi rin ng tulong pinansyal si Cong. Nograles sa iba pang mamamayan na kulang ang buwanang kita. Kabilang sa mga ito ay ang 3,000 nangangalakal at naghahakot ng basura sa nasasakupan ng ika-4…

Read More

FIRST LADY LIZA NAKALADKAD SA ‘HOUSE COUP’

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa tuluyang namamatay ang isyu sa umano’y kudeta sa Kamara dahil ngayon ay nakaladkad na ang pangalan ng misis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si First Lady Liza Araneta. Sa statement ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Facebook, itinanggi nito ang kumakalat na impormasyon na naisahan siya ng isang babaeng mambabatas na nagsabing may basbas ng Unang Ginang ang kanyang ilulunsad na kudeta laban kay House Speaker Martin Romualdez. “A report is going around that I was “duped” by a congresswoman into thinking that…

Read More

Kung ‘di mabibigyan ng trabaho ng Marcos admin KABATAAN MAHUHULOG SA SINDIKATO

MAPAPARIWARA ang mga kabataan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung wala itong gagawing aksyon para bigyan ang mga ito ng trabaho. Ito ang babala ng Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 69% sa mga Pilipino ang nahihirapan maghanap ng trabaho. Isa sa mga itinuturo ng nasabing grupo na posibleng dahilan kung bakit nahihirapan ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan ay ang mahinang kalidad ng edukasyon sa bansa na pinalala pa…

Read More

BUSINESS ESTABLISHMENTS OOBLIGAHIN SA CCTV

GAGAWA na ng batas ang Kamara para obligahin ang lahat ng negosyante na maglagay ng closed-circuit television (CCTV) sa loob at labas ng kanilang establisimyento bilang panlaban sa kriminalidad. Sa pamamagitan ng (HB) 8068 o “CCTV Act of 2023” na inakda nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, bukod sa magdadalawang-isip umano ang mga kriminal sa CCTV ay malaking tulong din ito sa imbestigasyon kapag nagkaroon ng krimen. “We should use technology to our advantage to help keep our citizens safe. Installing CCTV cameras in strategic…

Read More

LIBO KATAO INILIKAS SA PAGHAGUPIT NI ‘BETTY’

TINIPON ang libo-libong indibidwal sa evacuation centers at namahagi na rin ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng bagyong Betty. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na may isang milyong pamilya sa Region 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging ‘vulnerable’ sa masungit na panahon dahil kay Betty at Southwest Monsoon (Habagat). “‘Yung mahihirap talaga sa mga area na ‘to at pinaka-susceptible ay nasa 127,000 families. Ang kagandahan lang…

Read More

MAY SINDIKATO BA TALAGA?

DPA ni Bernard Taguinod Matagal na nating naririnig na may sindikato na humahawak sa mga pulubi sa Metro Manila at mga highly urbanized area sa ating bansa pero may nahuli na bang sindikato? Sa pelikula ko lang nakita na may sindikato na kumikidnap sa mga bata at saka pinipilit na mamalimos pero duda ako na may ganitong grupo dahil hanggang ngayon ay wala pa namang nahuhuli. Ang tagal na eh. Kung madalas kayo sa mga lansangan, marami ka talagang makikitang mga bata at matanda na namamalimos sa nakahintong mga sasakyan…

Read More

PAGLILINAW SA KOLUM NATIN SA SUPERCAT O SUPERCRASH?

PUNA ni Joel Amongo ANG tinutukoy po nating kolum ay ang isa na namang aksidente na kinasangkutan ng dalawang barko sa Cebu City kamakailan. Ang nasabing banggaan ay kinasasangkutan ng MV St. Jhudiel ng Supercat Fast Ferry Inc. (passenger vessel) at isang cargo vessel. Nakatanggap ang PUNA ng video sa social media kung paanong nagbanggaan ang dalawang barko. Batay sa napanood nating video ay nagdulot ng takot sa mga pasahero ng passenger vessel ang naturang banggaan ng dalawang barko. Batay sa impormasyon, ayon kay Captain Florito Norman Teves, ang master…

Read More