PENSION FUNDS ‘DI KASALI SA MIF – PALASYO

WALANG balak ang gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito na ito’y “good investment.” “Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos. “We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what…

Read More

MIF MAS MASAKLAP SA COCO LEVY FUND

ISANG daang beses na mas malala ang Maharlika Investment Fund (MIF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kumpara sa Coco Levy Fund ng kanyang amang si Ferdinand E. Marcos Sr. Ganito pinagkumpara ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano ang MIF kaya dapat aniya itong tutulan ng taumbayan. “The Maharlika Investment Fund is like the Coco Levy Fund on steroids. MIF is 100 times much worse than the Coco Levy fund that was extorted by the Marcos Sr. regime from coco farmers in the…

Read More

‘NGIWI GROUP’ NASA LIKOD NG PANGGIGIPIT KAY TEVES

ITINURO ni Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang aniya’y “Ngiwi Group” na nasa likod ng panggigipit sa kanya ng pamahalaan. Naniniwala rin ang mambabatas na isa sa mga dahilan ng panggigipit sa kanya ang pagtutol niya sa Maharlika Investment Fund na itinutulak ng pamahalaan upang isugal ang pera ng taumbayan at mabawi ang umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos. Inalmahan ni Teves ang pakikipagsabwatan aniya ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso na naging sunod-sunuran umano sa pamahalaan dahil sa takot na mawalan ng budget kung…

Read More

QC Hall employees binalaan sa suhulan ‘PALAKASAN’ SYSTEM TABLADO KAY MAYOR JOY

BINALAAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga kawani ng Quezon City Hall laban sa pagtanggap ng suhol at tiniyak na walang ‘palakasan system’ sa pakikipagtransaksyon sa kanilang lokal na pamahalaan. “Hindi natin palalampasin ang mga ganitong klaseng pang-aabuso at pagmamalabis sa ating mga QCitizen lalo na kung sangkot mismo ang ating mga kawani sa pamahalaan,” ani Mayor Belmonte. Kasabay nito, hinikayat ni Mayor Belmonte ang city government clients na huwag magbibigay ng suhol, umiwas sa prosesong ilegal, at sumunod sa batas at regulasyon ng gobyerno. “Here in QC,…

Read More

MAGSASAKA NG BATANGAS TINULUNGAN NI REP. ROMUALDEZ

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamimigay ng tulong sa may 800 magsasaka o manggagapak ng tubo na naapektuhan sa pagsasara ng pinakamalaking sugar mill sa Batangas. Nangako rin si Speaker Romualdez na hahanap ng solusyon upang matugunan ang mga suliranin ng mga manggagapak ng tubo. Matapos magsara ang Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas, dumulog kay Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform kasama si Gabriela Rep. Arlene Brosas noong Pebrero. Nakipag-ugnayan si Speaker Romualdez sa Department…

Read More

AKALA N’YO SEPARATION OF POWERS

DPA ni Bernard Taguinod ANG gobyerno natin ay binubuo ng tatlong sangay… ang executive, legislative at judiciary. Sa ilalim ng Saligang Batas, may kanya-kanyang kapangyarihan ang isa’t isa at may tinatawag na separation of powers. Pero ‘yung separation of powers ay mukhang hindi nangyayari lalo na sa hanay ng executive at legislative. Sa judiciary, oo umiiral ang separation of powers, pero sa dalawang ito, hindi nangyayari. Bakit? Dahil kung ano ang gusto ng Pangulo na maipasang batas ay siyang pinaprayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso at isinasantabi ang ibang panukala…

Read More

MAHARLIKA FUND PINILIT KAHIT PILIPIT

CLICKBAIT Jo Barlizo KAHIT pilipit ay naipilit ang Maharlika Investment Fund o MIF. Madaling araw nitong Miyerkoles ay inaprubahan sa third at final reading ang Senate Bill 2020 o ang Maharlika Investment Fund bill sa botong 19. Tanging si Senador Risa Hontiveros ang bumoto ng ‘No’ sa panukala na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasunod nito ay isasagawa ang Bicameral Conference Committee meeting para pag-usapan at pagkasunduin ang bersyon ng Senado at Kamara. Naipasa ang panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre 2022 matapos ang urgent din…

Read More

P15K ‘SUHOL’ SA MGA MANGINGISDA NG ORIENTAL MINDORO?

PUNA ni Joel Amongo KUNG ako ang tatanungin, ang ipinamigay ng may-ari ng MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa bawat isang mangingisda ng Oriental Mindoro na halagang P15,000 ay “suhol”. Bakit kamo? Eh kalakip pala ng pamimigay ng pera ay waiver na pinapipirmahan sa mga mangingisda para hindi nila idemanda ang may-ari ng MT Princess Empress. Ibang klaseng rin mag-isip ang may-ari ng barko, ano! Ito ang lumabas sa joint hearing ng House Committee on Ecology at Committee on Environment and Natural Resources na ibinunyag ni ACT Party-List Rep.…

Read More

Dalawang entry kampeon sa 2023 World Slasher Cup 2

Dalawang entry ang tinanghal na kampeon sa pagtatapos ng ikalawang edisyon ng 2023 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby Martes ng gabi sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Co-champion sa nasabing torneo ang 22GF/Ormoc Joe entry ni Pablito Gregore at ang Infiniti Gold 6-Cock Derby June 21 Manila Arena-2 entry ni Joseph Panganiban matapos makapagtala ng 7.5 points sa pagtatapos ng prestihiyosong derby ngayong taon. Runner-up naman sina Tata Gov/Tata Rey, Fiscal Moises Villanueva, Eddie Gonzales, Jon Jon Cano, Frank/Guam Boys/Joey Melendres, at Nene Araneta na parehong nakapagkamit ng 7 points.…

Read More