RELASYON NG QC GOV’T SA ISRAEL LALONG LUMAKAS

LALO pang lumakas ang relasyon ng lokal na pamahalaang Lungsod Quezon sa bansang Israel sa pagbisita ng ilang opisyal nito kamakalawa. Mainit na tinanggap ng pamahalaang lungsod si Foreign Minister of Israel His Excellency Eli Cohen sa Philippine-Israel Friendship Park sa Quezon Memorial Circle nitong Martes ng hapon. Ang naturang park ay itinayo bilang simbolo ng pagkakaisa ng Pilipinas at Israel lalo na noong malugod na tinanggap ni Pangulong Manuel Quezon ang 1,300 Jewish refugees sa bansa. Kasama rin sa bumisita sina Israel Ambassador to the Philippines H.E. Ilan Fluss,…

Read More

70,000 JOB VACANCIES IBINIDA NG DOLE

TINATAYANG 70,000 job vacancies ang naghihintay sa job seekers sa isasagawang job fairs sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 48 job fair sites ang bubuksan sa buong bansa kung saan inisyal na 68,455 job vacancies ang alok ng 840 employers. Ang datos ay nitong Hunyo 4 lamang at ang bilang ng mga bakante ay inaasahang tataas pa sa susunod na mga araw. Ang job fair sites sa Luzon sa Hunyo 12 ay ang…

Read More

PUMP PRICES SA PINAS ‘DI APEKTADO SA BAWAS PRODUKSYON NG SAUDI – DTI

MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production. Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay na ito dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga…

Read More

Itinutulak sa Kamara GURO 6 ORAS LANG DAPAT MAGTURO

UPANG mabawasan ang stress ng public school teachers at magkaroon ang mga ito ng sapat na oras sa kanilang pamilya, lilimitahan sa anim na oras ang kanilang pagtuturo sa silid-aralan. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 7822 na inakda ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez. “Teachers are the second parents of our children. They mold our children to become good and responsible persons. Their work site is not limited to the classroom,” paliwanag ni Rodriguez sa kanyang panukala. Bukod aniya sa nakapapagod na pagtuturo sa napakalaking bilang…

Read More

‘PAGSASAMANTALA’ NG GRAB SISILIPIN SA KAMARA

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang Grab Philippines dahil sa pagiging pasaway umano at tila pagsasamantala dahil sila ang pinakamalaking transport network vehicle services (TNVS) sa bansa. Sa House Resolution (HR) 860 na inakda ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, inatasan nito ang mga kaukulang komite sa Kamara para ipatawag at imbestigahan ang Grab. Ayon sa mambabatas, 2019 pa nang atasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab na irefund ang P25.45 milyon sa kanilang customers subalit 73.80% pa lamang sa nasabing halaga ang naibalik…

Read More

Hirit ng senador PBBM PALITAN NA RIN SA DA

KASUNOD ng paghirang kina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Health Secretary Ted Herbosa, hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga na rin ng permanenteng kalihim sa Department of Agriculture. Sinabi ni Pimentel na panahon nang magkaroon ng pinuno ang DA upang matutukan ang mga isyu sa agrikultura partikular ang may kinalaman sa food security. Iginiit ng senador na dapat eksperto sa mga usapin na may kaugnayan sa agrikultura ang italaga para mamuno sa DA. Binigyang-diin ng mambabatas na malaking tulong sa administrasyon kung…

Read More

BAKA MAUWI SA BANK RUN

CLICKBAIT ni Jo Barlizo HINDI masisisi ang mga pribadong depositor ng Land Bank kung i-withdraw o tuluyang isara nila ang kanilang savings account sa naturang bangko dahil sa pangambang mawala ang kanilang pinaghirapang ipon dahil sa Maharlika Investment Fund. Ramdam ng mga depositor na nasa panganib ang kanilang pinagsikapang ipunin, kahit pa may mga pangkalmang panghikayat ang pamahalaan na ligtas at protektado ang nakalagak na pera, at hindi magagamit sa korapsyon. Kahit anong hikayat, at kahit tadtarin ng pamahalaan ng mga pang-engganyong paliwanag na matatag ang LBP dahil ito ay…

Read More

MEDIA KILLINGS SUMASALAMIN NGA BA SA PEACE & ORDER PROBLEM?

PUNA ni Joel Amongo UNA sa lahat ay nakikidalamhati po ang PUNA sa iniwang pamilya ng ating kasamahang media na pinatay sa Oriental Mindoro kamakailan. Kinokondena po natin ang pagpaslang sa kanya ng riding-in tandem daw na mga salarin, ayon sa ating natanggap na impormasyon. Base sa impormasyon ng pulisya, pasado alas-4 ng madaling-araw noong Mayo 31, 2023, si Cresenciano ‘Cris’ Bundoquin, blocktimer ng isang radio station sa Oriental Mindoro, nang dumating sa kanyang inuupahang tindahan ng manok sa Brgy. Sta. Isabel sa nasabing siyudad kasama ng kanyang anak na…

Read More

SANA HUWAG SILANG LALONG TAMARIN

DPA ni Bernard Taguinod WALA tayong problema na tulungan ang poorest of the poor sa ating bansa na makatawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil responsibilidad naman talaga ng gobyerno na tulungan ang mamamayan. Tiyakin lang na hindi magagamit ang food stamp na ito sa kanilang bisyo tulad ng sugal, sigarilyo at alak dahil maraming 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries ang nakababad sa tong-its. Naging dahilan din ang programang ito para tamarin ang karamihan sa 4Ps beneficiaries sa paghahanap ng trabaho dahil ang iniisip nila may buwanang ayuda…

Read More