TIRADOR NG KABLE PATAY SA SEKYU

LAGUNA – Patay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na barilin ng security guard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) compound sa Brgy. Lewin, sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Lumban police, nakita umano ng security guard na si Ruben Aninao Delos Reyes Jr., sa loob ng compound ang isang lalaki habang kinukuha ang nakaimbak na cable conductor electric wire ng NGCP. Bunsod nito, nagpaputok si Reyes ng warning shot patungo sa direksyon ng suspek ngunit nagulat siya nang…

Read More

5 PATAY, 1 SUGATAN SA KILLER TRUCK

BULACAN – Lima katao ang agad namatay habang kritikal ang isa pa nang salpukin ng tractor truck ang sinasakyan nilang AUV sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Malipampang, sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na pawang mga sakay ng AUV Toyota Innova na sina Nelson Magundayao, driver; Arlene Sipcon, Crispin Garcia Jr., Crisanto Garcia, at Christopher Lachica, habang nakaligtas naman si Jansen Grengia, 34-anyos. Nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng madaling araw na kinasangkutan ng Sino heavy tractor trailer truck…

Read More

MALAKING PONDO NG DPWH SA FLOOD CONTROL PROGRAM, KINUWESTYON SA SENADO

KINUWESTYON ni Senador Francis Chiz Escudero ang napakalaking proposed budget para sa flood control program sa ilalim ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Sa budget briefing sa Senado, sinabi ni Escudero na ang P255 billion proposed flood control project ng DPWH ay mas malaki pa sa proposed budget ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at ng Department of National Defense o DND. Tanong pa ni Escudero na kung mahalaga ang food security at ang agrikultura sa gobyerno, bakit mas malaki pa rin ang pondo…

Read More

PONDO PARA SA 4Ps ITINAAS SA P112-B SA 2024

MAKAKUKUHA ang ‘flagship poverty alleviation initiative’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas malaking alokasyon sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024. Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ay makakukuha ng alokasyon na P112.8 bilyong piso. Ang budget ng 4Ps sa susunod na taon ay mas mataas ng P10.23 billion kumpara sa P102.61-billion budget na natanggap ng programa sa 2023 General Appropriations Act (GAA). Ang nasabing halaga ay mapakikinabangan ng…

Read More

Apela ng Taguig: KASINUNGALINGAN, DISIMPORMASYON TIGILAN NA

NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Taguig na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay ng desisyon ng Supreme Court sa boundary dispute nito sa lungsod ng Taguig. Pahayag ng Taguig na nakapaskil sa kanilang Facebook page: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐫𝐞𝐦𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐃𝐞𝐜𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐬 𝐬𝐞𝐥𝐟-𝐞𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠. 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐯𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐞𝐝 𝐜𝐨𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐛𝐥𝐲 𝐭𝐨 𝐥𝐚𝐰. Narito ang kabuuang nilalaman ng nasabing post: 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐝𝐨𝐞𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐚 𝐖𝐫𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐨 𝐞𝐱𝐞𝐫𝐜𝐢𝐬𝐞 𝐣𝐮𝐫𝐢𝐬𝐝𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐅𝐨𝐫𝐭 𝐁𝐨𝐧𝐢𝐟𝐚𝐜𝐢𝐨 𝐌𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐩𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐬 𝟑 𝐚𝐧𝐝 𝟒 𝐨𝐟 𝐏𝐬𝐮-𝟐𝟎𝟑𝟏. 1. The dispositive portion of the Supreme…

Read More

NAWAWALANG PDL SA NBP NATUNTON SA ANGONO

HINDI na nakapalag ang nawawalang person deprived of liberty (PDL) ng Bureau of Corrections na si Michael Angelo Cataroja nang matunton ito ng mga operatiba ng Angono Police sa Sitio Manggahan, Brgy. San Isidro, sa nasabing bayan, mag-aalas singko ng hapon nitong Huwebes. Kwento ng ina ni Cataroja, umuwi ito sa bahay ng kanyang pinsan kamakalawa ng gabi na pagod at gutom kaya agad ding nakatulog. Mabilis namang nakarating sa intel unit ng Angono police ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Cataroja kaya agad nila itong pinuntahan. Dinala sa Angono…

Read More

Reaksyon ng solon sa mungkahi ng DTI BBM PURO PANGAKO KAYA PINOY, ‘KAMOTE DIET’

(BERNARD TAGUINOD) PINATUTSADAHAN ng isang mambabatas sa Kamara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kung tinutupad lamang umano nito ang kanyang pangako ay hindi kailangan magdildil sa kamote ang mga Pinoy. Kasabay nito, kinastigo naman si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa panukala nitong baguhin ang diet ng mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa. Sa kanyang pahayag sa isang forum, sinabi ni Pascual na “Yun nga nag-iisip tayo kasi it’s very traditional di ba, we are used to eating rice during…

Read More

Depensa ng Malakanyang butata sa netizens BILYONG TRAVEL EXPENSES NI BBM PLEDGES LANG KAPALIT

NABUTATA ang depensa ng Malakanyang sa pagtaas ng travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Tinawanan at kinantyawan lang ng netizens ang pahayag ng Palasyo na makabuluhan ang mga biyahe ng Pangulo. Ayon sa netizens, hindi sulit ang bilyon na gastos sa mga biyahe ng Pangulo dahil puro pledges o pangako lang ang nakukuha nito sa mga pinupuntahang bansa. “My goodness.. Meron na bang nauwi na investment Yan or pledge lang lahat.” Post ni birangzkie sa X (dating Twitter). “Madalas na batalyon ba naman sabit na bumibida pa sa fb…

Read More

Mayor Lani nakatanggap ng cheer sa mga estudyante EMBO STUDENTS, TEACHERS AT PARENTS NAKIISA SA TAGUIG BRIGADA ESKWELA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) WALANG nakikitang problema ang mga school principal ng 14 Enlisted Men’s Barrio (EMBO) schools na ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City sa pagbubukas ng 2023-2024 school year sa Agosto 29 kasunod ng maayos na paglulunsad ng Brigada Eskwela kung saan nakiisa ang mga estudyante, guro, mga magulang, alumni at iba pang external stakeholders. Ayon kina Makati Science High School Principal Dr. Felix Bunagan at West Rembo Elementary School Principal Alma Adona naging matagumpay ang paglulunsad ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan sa tulong na rin…

Read More