Gagamitin sa pag-epal ni Speaker – vlogger SMUGGLED RICE GAGAWING ‘MALAYA RICE’ NI ROMUALDEZ

SMUGGLED RICE-5

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALARGA na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng tinaguriang Malaya Rice na pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Gayunman, ayon sa vlogger na si Maharlika, smuggled ang mga bigas na ipamamahagi ni Romualdez at ang mga ito umano ay sa tulong ng kaibigan niyang si Michael Ma. Kahapon, inanunsyo ang gagawing pag-iikot ng lider ng Kamara at DSWD sa mga darating na araw sa iba’t ibang bahagi ng bansa para umano ipamahagi ang cash at rice…

Read More

500 EKTARYA NG CORAL REEFS NAPINSALA NG CHINA

SA loob lamang ng apat na taon ay may mahigit 500 ektarya ng coral reefs ang napinsala sa mga aktibidad ng Tsina sa West Philippine Sea. Sinabi ni Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, nakita sa satellite imagery na mahigit 500 ektarya ng Scarborough Shoal ang napinsala mula 2012 hanggang 2016. Aniya, ang malawakang coral destruction sa West Philippine Sea “has been on-going for quite some time.” “But the thing is, “due to the arbitration having come out under…

Read More

WALA PANG KATIYAKAN SA CIF NI VP SARA

WALA pang kasiguraduhan na burado na ang confidential funds ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na umaabot sa P650 million sa ilalim ng 2024 national budget. Ito ang inamin ni House deputy minority leader France Castro dahil bagama’t may joint statement ang mga political party leader sa Kamara na ililipat ang confidential funds ni Duterte at iba pang ahensyang walang kinalaman sa national security sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), wala pa ito…

Read More

P12-B AYUDA SA MAGSASAKA

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P12.7 bilyong halaga ng excess rice import tariff collections para sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program. Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng P5,000 financial assistance para tulungan ang dalawang milyon na small rice farmers na mapanatili ang kanilang pagiging produktibo. Ang kabuuang halaga na P12.7 billion ay huhugutin mula sa excess rice import tariff collections noong 2022. “The Rice Tariffication law, which allowed liberalized rice trade, provided a P10…

Read More

SUPORTA KAY MARCOS PATULOY SA PAGNIPIS

PATULOY na nababawasan ang suporta ng mamamayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., patunay rito ang latest result ng PAHAYAG 2023 Third Quarter survey na nagpakita ng kapansin-pansing pagbabago sa political landscape sa Pilipinas. Sa nasabing survey ay nakita ang pagbaba sa proporsyon ng Pro-Administration sentiment, habang ang Anti-Administration sentiments ay mapapansin ang pagtaas. Gayunman, ang pagbabagong ito ay masasabing hindi nagkaroon ng observable impact sa posibleng paglipat ng suporta patungo sa oposisyon. Ang Pro-Administration support ay nabawasan at nakaranas ng kapansin-panging pagbaba. Espesipikong nakita rito ang pagbaba ng proporsyon…

Read More

‘House of Romualdez’ bistado ‘SELECTIVE PROBE’ DEMOLITION JOB KAY INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAY sabwatan para sirain si Vice President Sara Duterte sa pag-asang maiangat ang popularidad ni House Speaker Martin Romualdez. Ganito ang basa ng isang ‘House insider’ sa ginagawang pagdiin kay Duterte sa usapin ng confidential at intelligence funds na inurirat kamakailan sa mababang kapulungan ng Kongreso. Hindi naniniwala ang nasabing insider na katotohanan lang ang nais ng mga nag-iimbestiga sa pondo ng mga tanggapan ni Duterte. Aniya, matagal nang naobserbahan ang pakikipagkaisa ni Romualdez sa magkaibang panig sa Kamara at ito ay para mapatatag ang kanyang…

Read More

DSWD GAMIT NA GAMIT NG MAGPINSANG MARCOS, ROMUALDEZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANSIN n’yo rin ba dumadalas ang pamamahagi ng ayuda ng administrasyon? Panay-panay ang bigay nila ng mga bigas na ang sabi sinamsam mula sa mga warehouse ng mga ‘smuggler’. Ang nakapagtataka, alam nila kung saan ang warehouse pero hindi nila kilala ang mga smuggler? Pinagdadabugan na nga ‘yan ng mga netizen dahil nakailang bilang na sila sa araw ng mga smuggler pero hanggang ngayon, nagbibilang pa rin. Maging ang pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos na si House Speaker Martin Romualdez na tinatagurian ngayong ‘bawang’ dahil nakasawsaw…

Read More

KAHALAGAHAN NG EPEKTIBO AT MAKABULUHANG KOMUNIKASYON

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO IDARAOS ngayong Oktubre sa unang pagkakataon ang Communications Month alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa pamamagitan ng Proclamation No. 308 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Batid ng ating pamahalaan ang mahalagang tungkulin ng komunikasyon sa nation-building. Kailangan ng publiko ang totoo, tama at napapanahong impormasyon para epektibong mailatag at maipatupad ang mga polisiya, programa at proyekto ng gobyerno na makatutulong sa mga Pilipino. Layunin ng naturang proklamasyon na mas mapayabong pa ang industriya ng media na katuwang, hindi lamang ng…

Read More

SENATE BILL NO. 2453 NI SEN. PADILLA AT BALIK-LOOB PROGRAM NI SEN. GO

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MAITUTURING na bagong mambabatas si Senador Robin Padilla. Ngunit hindi matatawaran ang sipag sa trabaho ng mamang ito. Sa katunayan, kamakailan ay naghain ito ng isang panukalang batas na magbubukod sa ilang krimen, kasama ang economic sabotage, at krimen laban sa menor de edad, sa Indeterminate Sentence Law. Sinasabing layunin nitong matiyak na hindi maabuso ang prinsipyo ng rehabilitasyon ng kriminal. Binanggit ni Padilla na sa Senate Bill 2453, bagama’t layunin ng Indeterminate Sentence Law ang rehabilitasyon, ay may mga krimen…

Read More