AYAN NA, SURVEY RATING NI BBM BUMABA!

MY POINT OF BREW ni JERA SISON LUMABAS na ang pinakabagong survey ukol sa pagtingin at pakiramdaman ng sambayanan sa serbisyong ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa Pulse Asia na nagsagawa ng nasabing survey noong Setyembre 10 hanggang 14, ang approval rating ni PBBM ay bumagsak mula sa 80% noong Hunyo na ngayon ay 65% na lang. Samantalang ang kanyang bise presidente na si Sarah Duterte ay bahagyang bumagsak din mula 84% at naging 73% na lamang. Sila ay nagsimulang manungkulan sa ating bayan, halos…

Read More

PATIKIM PA LANG PISONG FARE HIKE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA mga sasakay ng jeep, may nag-aabang sa inyo sa Linggo, Oktubre 8 – ang pisong taas-pasahe na pansamantala lang. Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional o temporary fare increase sa mga tradisyunal at modern jeepney sa buong bansa na magiging epektibo nga simula Oktubre 8. ‘Di bale, lagi naman daw handa ang mga Pilipino. Matiisin at kakayanin ang dagdag pasakit. Idadaan na lang ba sa buntong hininga ang pagkadismaya sa isa pang pahirap habang nagkakandakuba na sa taas…

Read More

PURA LUKA DAPAT MAGPASALAMAT KA!

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAARESTO na ng mga operatiba ng Manila Police District itong si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala sa pangalang Pura Luka Vega. Naging kontrobersyal itong si Pura Luka matapos na mag-viral ang post nito sa social media kung saan makikitang sumasayaw ito sa kantang “Ama Namin” kasama ang supporters nito. Mistulang ginaya rin nito ang imahe ng Mahal na Poong Nazareno habang sumasayaw. Sinalubong naman ng kaliwa’t kanang batikos ang post nitong si Pura at nagresulta sa pagdedeklara sa kanya bilang “persona non grata” sa ilang…

Read More

SURVEILLANCE EFFORTS NG BFAR

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) NAGAGAMPANANG maigi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang mandato. Nakabibilib ang ginagawa nila sa West Philippine Sea (WPS). Kaya mahalaga ang paglalaan ng confidential funds dahil makapagpapalakas ito ng ‘monitoring, control, at surveillance efforts’ sa WPS. Labis naman ang pasasalamat ni BFAR national director Demosthenes Escoto sa mga konsiderasyon ng mga mambabatas na dagdagan ang kanilang pondo. Kung maaalala kasi, iginiit ng Kamara ang kahalagahan ng re-realignment ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President…

Read More

2 ILLEGAL RECRUITMENT VICTIMS NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na pinaniniwalaang mga biktima ng illegal recruitment. Ayon sa report, na-intercept ang dalawa noong Setyembre 7 sa NAIA Terminal 3 bago makasakay sa kanilang Cebu Pacific flight papuntang Bangkok, Thailand. Batay sa impormasyon, ang dalawa ay nagkunwaring mga turista at magbabakasyon sa Bangkok ng ilang araw bago bumalik sa Pilipinas. Ngunit sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, hindi kumbinsido ang hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) dahil…

Read More

DRIVERS, OPERATORS PINAHIHIRAPAN SA PUV MODERNIZATION – SOLON

MISTULANG pinahihirapan ng gobyerno ang mga tsuper at operator ng public utility vehicles (PUVs) para masiraan ng loob ang mga ito na sumali sa PUV modernization program. Ganito inilarawan ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang sitwasyon ng mga driver at operator dahil bukod sa masyadong mahal ang modernong sasakyan ay kilo-kilometro ang requirements na hinihingi sa kanila ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) bago mapautang. “Let us liberalize and simplify these requirements. Marami na ngang na-comply na requirements na hiningi ang…

Read More

56,697 PDLs MAKABOBOTO PARA SA BSKE 2023

MABIBIGYAN ng pagkakataong makaboto ang 56,679 preso o persons deprived of liberties (PDLs) sa gaganaping 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan election ngayong Oktubre. Ito ay kasunod ng paglagda ni Bureau of Jail Management and Penology Jail Director General Ruel Rivera sa makasaysayang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC), Public Attorney’s Office (PAO), at ng BJMP sa isang groundbreaking Memorandum of Agreement para bigyang-daan na matamasa ng libo-libong rehistradong preso ang kanilang ‘right of suffrage’. Sa nilagdaang kasunduan ay mabibigyan ng pagkakataon ang kabuuang 56,679 PDLs na makaboto para sa Barangay…

Read More

215 PINOY BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT SA ITALY

HINDI lamang sa Pilipinas nabibiktima ng illegal recruitment ang mga Pilipino dahil isinasagawa na ang krimeng ito sa ibang bansa tulad ng nangyari sa 215 kababayan na pinangakuan ng malaking sahod sa nasabing bansa subalit pagdating nila roon ay walang trabahong naghihintay sa kanila. Ito ang nabatid mula kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairman, Rep. Ron Salo kaya hiniling nito sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tutukan ang kasong ito at makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa nasabing bansa. “The crimes were…

Read More

DAMAGE ASSESSMENT SA CAGAYAN AT MINDANAO QUAKE PATULOY

PATULOY ang isinasagawang damage assessment ng Office of Civil Defense bunsod ng magkasunod na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao at Cagayan, kasunod ng naging pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na posibleng magkaroon pa ng malalakas na aftershock. Unang niyanig ng magnitude 5.7 earthquake ang Dalupiri Island sa Cagayan bandang alas-11:35 bago magtanghali noong Miyerkoles. Unang iniulat na magnitude 6.2 ang naitalang lindol bago ito ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.7 na naramdaman ang intensity 3 ng pagyanig sa Calayan, Cagayan, habang intensity 4…

Read More