(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos suspendihin ang implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023. Sa X, nagpost ang UP professor na si JC Punongbayan na tila sinisisi si Marcos dahil sa hindi pakikinig sa babala ng mga ekonomista kaugnay sa posibleng epekto ng Maharlika Fund. “Economists have been saying all along, it’s beyond repair. Pero itinulak pa rin. Walang kadala-dala,” post niya. Nito lamang nakaraang Oct. 11, inanunsyo ng Palasyo na exempted ang Land Bank of…
Read MoreDay: October 18, 2023
HACKER NG GOV’T WEBSITES LUMANTAD
INAKO ng isang indibidwal ang magkakasunod na cyberattacks sa ilang government websites. Sa isang recorded video message na naka-post sa X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack. Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na batid ng DICT ang personalidad na ito. “There is an ongoing investigation by the CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) for proper attribution of his identity and his claims,” ayon kay Paraiso. Inako ng naturang indibidwal na siya ang nasa…
Read MoreAGAW-BUSINESS MOTIBO SA PAGDIIN KAY TEVES
PARA sa mga taga-Negros Oriental, negosyo partikular ang STL at e-Sabong ang dahilan kaya patuloy ang panggigipit kay dating Cong. Arnolfo “Arnie” Teves ng kanyang mga kalaban. Ngayong ibinalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ay nagkalinaw umano na nais lang itong makuha ng mga kalaban mula kay Teves. Kwento ng source ng SAKSI Ngayon, nagsimula ang e-Sabong at STL sa Negros Oriental na pagmamay-ari ni Teves. Kalaunan ay pinagtulungan aniyang siraan si Teves ng pamilyang Degamo at ni Mayor Fritz Diaz mula sa isyu ng mga…
Read More3 HVIs ARESTADO SA P.5-M SHABU
CAVITE – Dinakip ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Edzel”, alyas “Rey” at alyas “Brendo”, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Provincial Intelligence…
Read MoreOBRERO PINASOK SA BAHAY, PINATAY
BATANGAS – Patay ang isang construction worker matapos na barilin ng hindi kilalang gunman sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bolbok, Lipa City, noong Martes ng gabi. May tama ng bala sa pisngi at wala nang buhay nang datnan ng kanyang ama habang nakabulagta sa kamang plywood ang biktimang si Mark Anthony Ordona, 35-anyos. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:00 ng gabi nang makarinig ang kapitbahay na ama nito na si Ruben Ordona, ng dalawang putok ng baril mula sa bahay ng biktima. Nang puntahan ng ama, kasama ang…
Read MoreP74K NG KUMPANYA WINALDAS NG SALESMAN SA ONLINE CASINO
CAVITE – Arestado ang isang salesman makaraang waldasin ang mahigit P74,000 na kita ng kumpanya sa online casino, sa Gen. Trias City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si alyas “Jaypee”, salesman ng MTW Battery Trading at residente ng Brgy. san Francisco Gen. Trias City, dahil sa reklamo ng negosyanteng si Mary Ann Barallas Sneng. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang ipaaresto ng biktima ang salesman nang matuklasan nitong kinupit ng suspek ang halagang P74,260,00 na kita ng kumpanya. (SIGFRED ADSUARA) 54
Read MorePBBM NAGPALIT NG PSG COMMANDER
NAGPALIT ng Presidential Security Group commander si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng isang simpleng ‘change of command ceremony’ sa PSG compound sa Malacañang ground. Bukod sa Presidential Security Group, pinalitan din ni PBBM ang pinuno ng AFP-Western Mindanao Command kahapon. Habang ilang senior officers ng Armed Forces of the Philippines ang inaasahang manunungkulan sa kani-kanilang mga bagong posisyon kasunod ng inaprubahang ‘order of appointments’ ni Pangulong Marcos. Ang responsibilidad na protektahan ang Pangulo at ang First Family, maging ang visiting heads of states and diplomats, ay inatang kay…
Read MoreKAMARA PINAKIKILOS SA ICC CASE VS DU30
ISANG resolusyon ang inihain kahapon para atasan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa ‘crime against humanity’ laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ng Makabayan bloc congressmen ang nasabing hakbang matapos aminin ni Duterte na ginamit nito ang kanyang intelligence funds para sa pagpatay sa Davao City noong mayor pa ito ng nasabing lungsod. “With former Pres. Rodrigo Duterte’s televised admission of ordering extrajudicial killings and financing them with his confidential…
Read MoreDIGONG SINUMBATAN NG KAMARA
“CONGRESSMEN saved the day for then President Rodrigo Roa Duterte when the COVID-19 crisis erupted in 2020”. Ito ang tila panunumbat ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe kay Duterte matapos siraan at batikusin ng dating Pangulo ang Kamara kasunod ng pagtanggal sa confidential funds ng kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. “Marami sa amin ngayon sa 19th Congress, nanilbihan din noong 18th Congress, noong pangulo pa si President Duterte. At alam niya ang ginawa namin, sinuportahan namin…
Read More