HUC NG SJDM SUPORTADO NG BULACAN MAYORS

bulacan

SINUPORTAHAN ng lahat ng municipal at city mayors sa Bulacan ang panukalang i-convert bilang Highly Urbanized City (HUC) ang City of San Jose del Monte (CSJDM) na tanging lone district ng nasabing lalawigan. Ito ang nilalaman ng Manifesto ng Pagsuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan” ng League of Municipalities of the Philippines, Bulacan na nilagdaan ng 23 Local Government. “Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose…

Read More

3 ARMADONG INDIBIDWAL TIMBOG SA SUGAL

NAKUMPISKAHAN ng baril at patalim ang tatlong indibidwal na naaktuhan habang nagsusugal sa isang eskinita sa Gate 18, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga arestado na sina “Abraham”, 32, helper; “Jeson”, 23, porter, at “Jackson”, 29-anyos. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Charmaine Duenas, ng Police Community Precinct 3, sakop ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang dambahin ng mga awtoridad ang tatlo habang nagsusugal ng cara y cruz sa nasabing lugar. Nabatid mula…

Read More

RESPONSABLE SA HIT AND RUN SA MAKATI, TINUTUGIS

INIUTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagpapalabas ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari ng sasakyan na naaksidente sa kalsada ngunit piniling tumakas sa Makati City. Ang utos ni Mendoza ay bilang tugon sa paghingi ng tulong ng may-ari ng sasakyan na nabangga ng kulay kahel na MG ZS na may plakang NIF 2282, sa kahabaan ng southbound ng Ayala Tunnel sa Makati City noong Oktubre 23. Sa Facebook post, sinabi ng driver ng sasakyan na may kasama siyang dalawang senior…

Read More

FERNANDO NAMAHAGI NG P28-M EMERGENCY CASH SA 5,496 BULAKENYO

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa 5,496 na Bulakenyo sa isinagawang “Emergency Cash Transfer sa mga Biktima ng Bagyong Egay at Habagat” na ginanap sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Martes, Oktubre 24, 2023. Umabot sa halagang P28,000,167 ang nasabing tulong pinansyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian, na ipinamahagi sa mga Bulakenyo mula sa mga Lungsod…

Read More

2 TIMBOG SA P.9-M DROGA SA QUEZON

QUEZON -Timbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City at sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Martes . Nakumpiska sa mga suspek ang P930,000 halaga ng ilegal na droga. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang naaresto ang high value individual na si alyas “Owel/Datu”, 43, sa buy-bust operation sa Purok Central Ilaya, Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City dakong alas-4:50 ng hapon. Nakumpiska dito ang apat sachet ng hinihinalang illegal drugs na may timbang na…

Read More

RIDER PATAY SA SALPOK NG SUV

CAVITE – Patay ang isang rider nang nabangga ito ng isang Toyota Fortuner at bumangga pa sa isang concrete barrier sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Dead on the spot ang isang ‘di pa kilalang lalaki na nagmamaneho ng isang Mitsukoshi Café Racer na motorsiklong may plakang D225DG. Kinilalala naman ng driver ng Toyota Fortuner na may plakang PYI 180, na si Arturo Joseph Balagat, 76, ng Brgy. Poblacion 2A, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang mangyari ang…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA AI GENERATOR APPS

PINAG-IINGAT ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko laban sa paggamit ng artificial intelligence (AI) image generator apps sa gitna ng potensyal na panganib ukol sa personal data. “Any application that would use your personal data, even your biometrics or facial recognition should be a cause for concern… The public should be cautious because we are parting with vital information that may be used to potentially do harm to us,” ayon kay DICT spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso sa isang panayam. Gayunman, kailangan pa ring pag-aralang mabuti…

Read More

AFP NABABAHALA NA SA AKSYON NG CHINA

NABABAHALA na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, kinakailangan na mapalakas pa ang kanilang pwersa sa pamamagitan ng makabagong kagamitan. Umaasa aniya sila na magkakaroon ang bansa ng sariling industriya sa paggawa ng mga kagamitang pang-giyera. Iginiit ni Brawner na sa pamamagitan nito ay hindi na dedepende sa ibang bansa ang Pilipinas kung kinakailangan nito ng mga armas. Dagdag…

Read More

Inaakusahang ‘smuggler’ ipinuwesto ni BBM? MICHAEL MA SPECIAL ENVOY TO CHINA

USAP-USAPAN sa social media ang sikretong pagtatalaga umano sa kontrobersyal na si Michael Ma bilang Special Envoy of the President to China. Kinukwestyon ng mga netizen kung bakit hindi inanunsyo ng Palasyo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Ma o kung totoo bang itinalaga ito sa kabila ng pag-uugnay dito sa smuggling. Base sa kumalat na video clip, isa si Ma sa mga dumalo sa isang okasyon na nagtatampok ng Chinese culture at contemporary China sa Maynila. Post ng isang netizen sa X: “MICHAEL MA, partner of LIZA…

Read More