JAPANESE NATIONAL NA MAY PEKENG SRRV, HULI

ISANG Japanese national na tangkang lumabas ng bansa, na may pekeng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV), ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI). Kinilala ang Japanese national na si Yoshiaki Nakamura, 64, na tinangkang sumakay ng Philippine Airlines patungong Osaka noong Nobyembre 19. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sumailalim sa secondary inspection si Nakamura dahil sa pagkakaroon nito ng pekeng visa. Natuklasang peke ang tatak sa kanyang SRRV nang suriin sa forensic document laboratory ang kanyang visa. Nakadetine na sa Warden facility ang naarestong dayuhan. (JOCELYN…

Read More

Death toll sa Davao Or quake, 9 na SAMAR NIYANIG NAMAN NG MAGNITUDE 5.6 TREMOR

MATAPOS YANIGIN ng magnitude 6.8 tremor ang Southern Mindanao na kumitil ng siyam na katao, isang magnitude 5.6 tremor naman ang tumama kahapon sa lalawigan ng Samar, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense. Sa inilabas na report, bandang alas-12:57 kahapon ay naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paggalaw ng lupa. Sinasabing tectonic ang origin nito at natukoy ang epicenter ng lindol na nasa 16 kilometro ng timog-silangan ng bayan ng Calbiga na nasa lalim na 77 kilometro,…

Read More

3 TOTOY TIMBOG SA PAMUMUTOL NG KABLE

CAVITE – Arestado ang tatlong kabataan na may edad 12-anyos hanggang 15-anyos, sa aktong namumutol ng mga kawad ng kuryente sa CALAX, sa bayan ng Silang, sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Joshue”, 12; “Kenneth”, 15, at “Clarence”, pawang mga residente ng Brgy. Acacia, Silang, Cavite, dahil sa reklamo ni Karla Carizza Buhay Orozco, CALAX representative. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa…

Read More

LASING NALUNOD SA RESORT

QUEZON – Patay ang isang lalaking lasing nang malunod sa beach resort sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Rodolfo Abrecillo Hernandez, 55-anyos. Ayon sa report, nag-overnight outing ang biktima kasama ang mga kaibigan sa resort at halos magdamag na nag-inuman. Dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpasya ang biktima na maligo sa dagat subalit makaraan ang ilang minuto ay hindi na ito lumutang. Agad itong hinanap ng mga kasama hanggang natagpuang nakalutang at walang malay dakong…

Read More

JEEP NAHULOG SA BANGIN; 2 PATAY, 8 SUGATAN

QUEZON – Dalawa ng namatay habang walo ang sugatan nang mahulog ang isang owner type jeep sa bangin sa gilid ng Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon kay Infanta police chief, Police Major Fernando Credo, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon, habang sakay ng owner type jeep na minamaneho ng isang American pastor, ang walong pasahero na pawang miyembro ng katutubong Dumagat, kasama ang isa pang Canadian pastor. Habang tinatahak ang Marilaque Highway, nawalan umano ng preno ang jeep…

Read More

MGA EMPLEYADO, OPISYAL AT YUNIT NA MAY OUTSTANDING PERFORMANCES KINILALA NG LAS PINAS LGU

BINIGYANG PAGKILALA nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar ang mga empleyado, opisyal at operating units na nagpamalas ng pinakamahusay na pagganap sa paghahatid ng mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa ginanap na 2023 Local Governance Exemplar Awards kasabay ng inspiradong pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Las Piñas City Hall ngayong November 20. Sinabi ni Mayor Aguilar na nilikha ang Las Piñas City Local Governance Exemplar Award (LPCLGEA) upang itatag ang mekanismo sa pagtukoy, pagpili at…

Read More

APPROVAL NG PANUKALANG BUDGET SA SENADO, POSIBLENG MAISAGAWA SA SUSUNOD NA LINGGO

POSIBLENG sa susunod na linggo ay maaprubahan na ng Senado sa ikalawa, ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang 2024 General Appropriations Bill o ang national budget. Sinabi ni Angara na target nilang tapusin ngayong araw ang deliberasyon sa panukalang budget ng labing-anim na natitira pang ahensya ng gobyerno. Tumatanggap na rin anya sila ng mga amendments mula sa mga senador upang matapos na nila ang approval ng budget sa Lunes. Ipinaalala ng senador na urgent bill ang panukalang pondo kaya’t maaari nila itong aprubahan sa 2nd at 3rd and…

Read More

NOGRALES KATUWANG NG DOLE SA PAGPROTEKTA SA LABOR RIGHTS

(JOEL O. AMONGO) KATUWANG si Rizal, 4th District Cong. Fidel Nograles ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa pagsusulong at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa. Kamakailan, binisita nila ang Palo, Leyte upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang Public Employment Service Offices o PESO ng bansa. Ayon sa batang mambabatas, “Layunin po natin na isulong at ilapit ang mga programa at serbisyo ng ating pamahalaan sa mga bayan, lungsod, at lalawigan ng ating bansa sa pamamagitan ng PESO”. “Sa House committee on labor and employment, pinag-aaralan naman…

Read More

PHLPOST NAGBABALA SA ‘PHISHING SCAM’

BINALAAN ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang publiko laban sa mapanlinlang na tawag o mensahe sa cellphone at online. Napag-alaman na may ilang indibidwal ang nakatatanggap ng “Phishing messages” na kunwari ay magbibigay ng mensahe na meron kang natanggap na parcel at hindi ito maidedeliver, at kinakailangan na meron kang i-click na link na magdadala sa iyo upang makuha ang mga personal na impormasyon. “Pinapaalalahanan po natin ang publiko na mag-ingat sa mga click bait na modus ng mga scammers,” pagbibigay diin ni Postmaster General (PMG) Luis Carlos. Binanggit ng…

Read More