MARAMING CONGRESSMAN GUSTONG MAGING SENADOR

DPA ni BERNARD TAGUINOD AMININ man o hindi, maraming congressman ang gustong maging senador pero hindi sila makaporma dahil ang labanan sa Senado ay dapat sikat ka dahil ang mga botante ay tumitingin sa mga sikat at hindi sa kakayahan ng kandidato. Sabi ng lolo ko kapag bumoboto sila noon, ang batayan nila ng pagpili ng kandidato ay dapat edukado, hindi pawardi-wardi lang dahil ang nakataya sa kanilang desisyon ay ang kapakanan nila at ng bayan. Sa paglipas ng panahon, nawala na ang batayan na ‘yan dahil ang pinipili at…

Read More

PBBM NABAHALA KAYA DUMALO SA PNP COMMAND CONFERENCE?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI raw maituturing na loyalty check ang pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa PNP Command Conference kamakailan sa Camp Crame, Quezon City. Ganun? Sinabi ni Philippine National Police chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., hindi maituturing na loyalty check ang pagbisita ng kanilang Commander-In-Chief sa PNP National Headquarters noong nakaraang Huwebes. Ayon pa kanya, bumisita lang daw ang Pangulo para pangunahan ang kanilang regular Command Conference. Sinabi rin ni Acorda na walang dahilan para magsagawa ng loyalty checks sa hanay ng PNP dahil nananatili itong isang…

Read More

PANGINOON AT PAMILYA = MAAYOS NA KOMUNIDAD

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG ang bumubuo ng ating mga komunidad ay may takot at paniniwala sa Panginoon, siguradong tahimik at maayos ang ating paninirahan. Nagiging mapayapa at maayos ang pamumuhay ng isang pamilya sa pangunguna ng kanilang haligi ng tahanan (tatay) at sa tulong ng ilaw ng tahanan (nanay). Kung maayos sina Tatay at Nanay, ang kanilang mga anak ay magiging maayos din. Kung lahat ng pamilya sa isang komunidad ay maayos, walang magiging problema ang ating pamahalaan sa peace and order. Sa katunayan, may lalawigan sa…

Read More

EDDIE GARCIA BILL APRUBADO SA IKATLONG PAGBASA SA SENADO

TINANGGAP ni Lilibeth Romero-Garcia ang inaprubahang resolusyon sa Senado kasama ang mga bigating artista na sinaksihan ng mga senador. (DANNY BACOLOD) SA botong 22-0-0, inaprubahan ng Senado kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2505, o ang “Eddie Garcia Bill,” na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon mula sa hindi patas na pagtrato at magsisiguro ng maayos na kondisyon sa trabaho. Sinaksihan ng napakaraming artista ang pag-apruba sa naturang bill. Ayon kay Labor Committee Chairman Senator Jinggoy Estrada, sponsor ng bill, pagtupad sa pangako…

Read More

Pera ng BSP masisimot sa mga Marcos – netizens P18-B CONVENTION HALL PROJECT NI FL LIZA PANIBAGONG WALDAS PERA

DISMAYADO ang mga netizen sa panibagong pagkakagastusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maliwanag anilang hindi napapanahon at pagsasayang sa pera ng bayan. Mula sa P50 bilyong pondo para sa Maharlika Investment Fund ay popondohan pa rin ng BSP ang pag-develop sa malawak na exhibition and convention center sa Cultural Center of the Philippines (CCP) complex. Layon umano ng panukalang Philippine International Exhibition Center (PIEC), pet project ni First Lady Liza Araneta-Marcos, na mapataas ang antas ng ‘competitiveness’ ng bansa para makalahok sa umuusbong na merkado para sa MICE o…

Read More

CHANGE OF LEADERSHIP SA SENADO UMUGONG MULI

NANINIWALA ang ilang senador na kagagawan lamang ng mga may motibong manggulo sa Senado ang impormasyon na may nagnanais palitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang lider ng Mataas na Kapulungan. Ayon kay Senador Nancy Binay, nais lamang ng mga may motibong pag-away-awayin ang mga senador ang pagpapalabas ng impormasyon. Pinagdudahan pa ni Binay ang sinasabing 11 senador na ang pumayag na lumagda sa resolusyon upang hilingin ang pagpapalit ng lider ng Senado. Sa panig ni Senador JV Ejercito, iginiit na tsismis lamang ang naturang impormasyon dahil lahat sila…

Read More

QUIBOLOY INISYUHAN NA NG SUBPOENA NG KONGRESO

SINABAYAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senado sa pag-isyu ng subpoena laban kay Pastor Apollo Quiboloy upang obligahin itong dumalo sa pagdinig hinggil sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na ginagamit ng Sonshine Media Network International (SMNI). Kinumpirma ni Senador Risa Hontiveros na nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri ang subpoena laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, sinabi ni Hontiveros na nagpapasalamat siya kay Zubiri sa pagtugon sa…

Read More

MIYEMBRO NG PHIL. NAVY INARESTO SA PAGPAPAPUTOK

CAVITE – Inaresto ang isang miyembro ng Philippine Navy (PN) makaraang ireklamo sa pagpapaputok ng baril habang nakikipagtalo sa kanyang girlfriend sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap ang suspek na si alyas “Rodel,” Seaman Second Class, sa kasong paglabag sa RA 11926 (An Act Penalizing Willful and Indiscriminate Discharge of Firearms). Ayon sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang pulisya mula sa isang concerned citizen, hinggil sa pagbulabog ng isang unipormadong miyembro ng PN na naka-battle dress uniform at armado ng baril sa Brgy. Latoria,…

Read More

2 HVIs TIMBOG SA P200K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rene”, at “Jalil”, kapwa residente ng Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-7:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Dasmariñas Component City Police Station sa Barangay Saint Peter II, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa…

Read More