TATLONG BENTE PALA

DPA ni BERNARD TAGUINOD ALIW na aliw ako sa viral video ng isang lola na galit na galit at sising-sisi na ibinoto niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong 2022 presidential election, dahil sa pangakong magiging P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas. “Sabi ni Bongbong, manalo lang ako, pilitin ko bente ang bigas. Grabe naman ang ginawa ni Bongbong Marcos. Pilitin ko bente na lang ang bigas ‘yun pala apat na bente, ano ba ‘yan”, ang dismayadong pahayag ni Lola. Nagkamali lang si Lola sa bilang dahil…

Read More

ANO KAYA ANG DAHILAN NG PAGBANGGA NG BARKO SA TULAY SA AMERIKA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO ANG ating pag-PUNA ay patungkol sa isang malagim na aksidente na naganap noong madaling araw ng Marso 26, 2024 sa Baltimore, USA kung saan ang barkong MV Dali ay nabangga ang isang haligi ng Francis Scott Key Bridge. Ang pagbanggang ito ay nakapagdulot sa tuluyang pagbagsak at pagkawasak ng nasabing tulay kung saan ay may mga nahulog sa napakalamig na Patapsco River at pinangangambahang ikinasawi ng anim na tao bukod sa dalawang nakaligtas, ayon sa mga ulat. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa…

Read More

Double digit ibinaba ng trust at performance rating BBM, ROMUALDEZ IBINAGSAK NG CHA-CHA

HINILA pababa ng Charter change (Cha-cha) sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pinsan nitong si House Speaker Martin Romualdez. Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader France Castro matapos makaranas ng double-digit na pagbaba ng rating si Marcos sa kanyang trust at performance rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. “It just goes to show that an overwhelming majority of Filipinos are against Cha-cha in whatever form. So, it would be best for the Marcos Jr. administration to stop wasting time and resources on it and drop it…

Read More

WALANG PINOY NA NASAKTAN SA THAILAND QUAKE – MECO

WALANG mamamayang Pilipino ang napaulat na nasaktan o kabilang sa nasawi kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkoles ng umaga. Sa isang kalatas, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ang lahat ng mga Pilipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe”. “We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III. “Based on our…

Read More

DUTERTE-XI GENTLEMAN’S AGREEMENT HIHIMAYIN

ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing”gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese government na nagbabawal sa repair at rehabilitation ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sinabi ni Hontiveros na ang gentleman’s agreement ay maaaring batayan ng kasong treason. Sa kanyang Senate Resolution No. 982, iginiit ni Hontiveros na kung kumpirmado ang kasunduan, mistulang isinusuko na ng Pilipinas ang soberanya. Nakasaad sa resolution na maging ang National Security Council ay walang alam sa kasunduan. Iginiit ni Hontiveros na maging ang pambansang…

Read More

Nag-utos ng ambush kontra gov’t troops CPP-NPA KINONDENA NG AFP-NOLCOM

MARIING kinondena ng Northern Luzon Command ang naging huling direktiba ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa kanilang pwersa na magsagawa ng pananambang at agawin ang mga armas ng mga tropa ng pamahalaan. Ayos kay NOLCOM Commander, Lt. General Fernyl Buca, ang nasabing kautusan ay inilabas mismo ng CPP Chief Information Officer na si Marco Valbuena, kasabay ng kanilang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag. Ayon kay Gen. Buca, patunay lamang ito na si Valbuena ay bahagi ng kilusang komunista, kaugnay na rin sa kanilang ipinakalat na balak…

Read More

FRUIT DEALER PATAY SA AMBUSH

MAGUINDANAO DEL SUR – Patay ang isang negosyanteng fruit dealer matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang sakay ng kanilang sasakyan kasama ang kanyang asawa sa Barangay Galakit, Pagalungan sa lalawigan noong Martes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Dong Kusay Balabadan, 40, at Noraina, 38, parehong mga etnikong Maguindanaon. Ayon sa Pagalungan Municipal Police Station, galing sa Barangay Bulit sa Montawal ang mag-asawa nang tambangan sa Barangay Galakit, habang patungo ang mga ito sa isang supplier ng mga prutas sa Pagalungan, Dahil sa mga tama ng…

Read More

LOLA NAGULUNGAN NG OIL TANKER, PATAY

CAVITE – Napisak ang katawan ng isang 60-anyos na lola nang magulungan ng isang fuel tanker truck na nagdedeliver ng gasolina sa oil depot sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Martes ng hapon. Wala nang buhay ang biktimang si Lerma Gutierrez y Abillo, biyuda, ng Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite nang dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Rescue Unit ng Rosario, Cavite. Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu fuel tanker truck na may conduction sticker na D3 P735, na si alyas…

Read More

MAG-AMA SUGATAN SA PAMAMARIL SA SAN PABLO CITY

LAGUNA – Sugatan ang isang 60-anyos na lalaki at anak nito matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Purok 3, Brgy. San Ignacio, San Pablo City pasado alas-8:00 ng gabi noong Martes. Kinilala ang mga biktimang mag-ama na sina Renan Ongriano, at Joseph Ongriano, 37-anyos. Batay sa report ng San Pablo City Police, dakong alas-8:20 ng gabi, nakaupo ang mag-ama sa harap ng bahay nang dumating ang suspek na si alyas “Lyndon” at bigla na lamang pinagbabaril ang dalawa. Agad din itong tumakas matapos ang pamamaril patungo sa remote…

Read More