NAGHAMON NG AWAY, BINARIL NG SEKYU

CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang lalaki makaraang barilin ng security guard na kanyang hinamon sa isang subdibisyon sa Trece Martires City noong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Ian” dahil sa tama ng bala sa dibdib mula sa service firearm ng suspek na si alyas “Eddie”. Ayon sa ulat, naka-duty si Eddie bilang security guard sa Ciudad Adelina, AFP/PNP Housing, sa Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite, nang dumating ang biktima at ilang kasamahan nito dakong alas-2:30 ng…

Read More

MAKABAYAN BLOC NAIINIP SA PAGDAKIP KAY QUIBOLOY

NAGPAHAYAG ng pagkainip ang Makabayan bloc sa Kamara sa pagdakip sa puganteng si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa iba’t ibang kaso kasama na ang non-bailable na kinakaharap nito sa Pasig Regional Trial Court. Kahapon ay tinangkang isilbi ng Philippine National Police (PNP) ang Arrest Warrant laban kay Quiboloy sa KOJC Compound sa Sasa, Davao City na sinalubong ng protesta ng mga supporter ng dating religious adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Habang isinusulat ito ay wala pang impormasyon kung nadakip si Quiboloy sa kanyang…

Read More

CHINESE NA WANTED SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING, IDINEPORT

HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa illegal gambling. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 37-anyos na si Wang Yilin, ay nahuli sa NAIA 3 terminal noong Mayo 29 matapos itong dumating sa pamamagitan ng Thai Airways flight mula Bangkok.3 Nabatid na hinarang ang nasabing dayuhan matapos makita ang kanyang pangalan sa red notice list ng Interpol. “Wang was deported to Guangzhou two days later at the request…

Read More

FIL-CHINESE COMMUNITY HINAMONG PATUNAYAN KATAPATAN SA PINAS

HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang Filipino-Chinese community na patunayan ang kanilang katapatan sa Pilipinas. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang hamon sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS), at maging ang pagkakasangkot ng mga Chinese national sa ilegal na droga. “If they consider themselves Filipinos and are really and genuinely concerned about the country, they should speak out now. If they choose to keep their peace, then at least we know…

Read More

POPE FRANCIS KAY ZUBIRI: PROTEKTAHAN ANG PAMILYANG PILIPINO

“Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.” Ito ang pagbuod ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri sa kanyang pagkikita kay Pope Francis noong bumisita siya sa Vatican nitong ika-5 ng Hunyo. Nakita ni Zubiri—na isang debotong Katoliko—ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito, kung saan nag-aalay rin siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig. Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo. Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo ang naaprubahan na ng Kamara. “Ipinagdasal namin…

Read More