(JOEL O. AMONGO) PINANGANGAMBAHANG ma-recycle o muling maibenta sa merkado ang nasamsam kamakailan na P11 bilyong halaga ng pekeng produkto sa Binondo, Manila. Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC) noong nakalipas na Biyernes, nasamsam ng Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang mga peke o imitasyon ng mga sikat na brand tulad ng Gucci, Chanel, Louis Vuitton, Nike, Rolex, Apple, Hermes at Dior. Pinangunahan umano ang operasyon ni Port Collector Rizalino Toralba ng Port of Manila (POM) at ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Ayon sa ulat, si IO3…
Read MoreDay: July 29, 2024
FLOOD CONTROL BUDGET BUBUSISIIN NG KAMARA – ROMUALDEZ
INIUTOS na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbusisi ng Kamara sa master plan para sa flood control hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ayon kay Speaker Romualdez, “gagamitin namin ang oversight function ng Kongreso para alamin kung napupunta ba talaga ang pera na inilalaan natin taon-taon para sa flood control”. “Gusto rin nating malaman, base na rin sa ating nakita noong kasagsagan ng Bagyong Carina at habagat, kung tama o epektibo pa ba ang master plan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga baha,”…
Read MoreGAMOT SA LEPTOS AT TETANUS PINALILIBRE
ISUSULONG ni Cong. Erwin Tulfo at ng mga kasamahan niya sa ACT-CIS Party-list ngayong linggo na sagutin na ng PhilHealth ang pagpapagamot laban sa leptospirosis at tetano ng mga pasyente na biktima ng mga kalamidad tulad ng bagyo, baha at sunog. Ayon kay Cong. Tulfo, “malaking ginhawa sa mga pasyente lalo pa’t kung biktima sila ng kalamidad sa kanilang lugar”. Aniya, wala na nga makain dahil sa bagyo o pagbaha o naubos ang gamit dahil sa sunog tapos tatamaan pa ng leptospirosis o tetano…paano pa magpapagamot ngayon? Ito pa ang…
Read MoreMAGSASAKANG REPORTER: ASIA’S MOST VERSATILE AND PROMISING TV HOST
GINAWARAN ng Asia’s Most Versatile and Promising TV Host on Agriculture, Reporter, Columnist and Vlogger of the year si Mer Layson na lalong kilala sa tawag na Magsasakang Reporter at dating Presidente ng Manila Police District Press Corps (MPDPC). Ang parangal ay ibinigay kay Layson sa isinagawang 9th Asia Pacific Luminaire Awards sa Ballroom Heritage Hotel, Pasay City, kahapon. Kinilala ng Asia Pacific Luminare ang malaking ambag ni Layson sa larangan ng Agrikultura hinggil sa pagpapalaganap ng Urban Gardening at Organic Farming sa bansa. Si Layson ang host ng Masaganang…
Read MoreBULKANG KANLAON ITINAAS SA ALERT LEVEL 2
MULING nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon kaya itinaas sa alert level 2 ang paligid nito, habang apat na volcanic earthquake ang iniulat sa nakalipas na magdamag nitong Linggo ng umaga, Hulyo 28, 2024, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, bukod sa pagyanig, naitala rin ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na may taas na 200 metro. Ayon pa sa Phivolcs, iniulat din ang pamamaga ng bulkan sa nakalipas na magdamag. Nabatid pa sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa…
Read MoreBATA NAGULUNGAN NG RESCUE VEHICLE
QUEZON – Patay ang isang taon gulang na batang lalaki nang ito ay masagasaan ng rescue vehicle sa barangay road sa Brgy. Sabang Piris, sa bayan ng Buenavista sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Buenavista Police, papatawid ang bata sa kalsada kasama ng kanyang ate, nang mahagip ang biktima ng Toyota Hilux pick-up na rescue vehicle ng Buenavista LGU, na magde-deliver ng relief goods sa lugar dakong alas-9:00 ng umaga. Grabeng napinsala ang biktima na agad isinugod ng mga tauhan ng MDRRMO na sakay ng nasabing…
Read MoreSIM CARD LAW PINAGLALARUAN NG SINDIKATO
PINAGLALARUAN, hindi lamang ng mga Filipino syndicate, kundi ng mga dayuhan ang Republic Act (RA) 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act. Ito ang dahilan kaya iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang nasabing batas na magdadalawang taon pa lamang sa September 13, kung nais ng gobyerno maitigil ang scamming gamit ang sim card. “Despite the passage of the SIM Registration Act (under Republic Act 11934) mandating the registration of SIM cards, whether prepaid or postpaid, crime groups or individuals, local and foreign,…
Read MoreAFP NIYAYANIG NG NEPOTISMO, CRONYISM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG lumalakas ang hinala na may namumuong disgusto sa mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkalat ng open letter sa social media na kumokondena sa anila’y garapal na nepotismo at cronyism sa matataas na opisyal ng hukbo. Inilantad sa naturang bukas na liham na may mga dismayadong miyembro sa ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bukod sa pag-iral ng nepotismo at cronyism ay lantahan din ang paboritismo na umano’y bumahid sa promotion system ng military. Ang malaganap na…
Read MoreTASK FORCE NILIKHA PARA SA BATAAN OIL SPILL
LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang inter-agency task force para mabilis na matugunan ang posibleng epekto ng oil spill mula sa tumaob na M/T Terra Nova sa baybayin ng Limay, Bataan. Ang task force ay pangungunahan ng Office of the Civil Defense kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang mga miyembro nito. Kasama rin sa task force ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of…
Read More