Sa illegal sale ng gamot na ‘di aprub ng FDA 2 DIALYSIS CENTER EMPLOYEES ARESTADO

ARESTADO ang dalawang empleyado ng dialysis center dahil sa pagbebenta umano ng mga gamot na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration. Ayon sa ulat ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon na ginagamit ng dialysis center ang kemikal at ibinibenta ito sa iba pang dialysis centers. Agad nagpatupad ng operasyon ang NBI-NCR sa bisa ng search warrant at nadiskubre ang 50 kahon ng Diacid, isang hindi inaprubahang gamot na ginagamit sa dialysis para sa mga pasyenteng may sakit sa kidney. Nabatid mula kay…

Read More

CONSTRUCTION WORKER ISINELDA SA IMPROVISED NA BARIL

BINITBIT ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng improvised na baril sa panulukan ng Rizal Avenue at Malabon St., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Wewe”, binata, residente ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Kenneth Relopez, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang mamataan ang suspek na may sukbit na baril. Bunsod nito, sinita…

Read More

11 PATAY SA BINONDO FIRE

AGAD nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Manila City Disaster Risk Reduction Management Office hinggil sa nangyaring sunog sa Binondo, Maynila na kumitil ng 11 katao. Nagpaabot ng pakikiramay si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamilya ng mga nasawi kasunod ng sunog na tumupok sa isang residential-commercial establishment sa Carvajal St., Binondo, Manila nitong Biyernes ng umaga. “In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city,” ayon kay Mayor Lacuna. Inutos ni Lacuna…

Read More

PEACEFUL, ORDERLY BARMM 2025 ELECTIONS TINIYAK

TARGET ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido na maidaos nang maayos, payapa at kapani-paniwala ang kauna-unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament 2025 elections na isasabay sa May 12 General election. Kaya ipinatawag ni Gen. Galido ang lahat ng Philippine Army rank and files na nakapaloob sa 6th Infantry Division at lahat ng stakeholders para matiyak ang peaceful and orderly BARMM Parliament 2025 elections sa mga munisipalidad ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City. Ang BARMM elections ay unang regular election…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA TABI NG BRGY. HALL

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-barangay habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa tabi ng barangay hall sa Tagaytay City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si alyas “Lerio,” 40, ng Brgy. Tubig, Tagaytay City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Kenneth”, residente rin sa nasabing lugar, bandang alas-11:00 nitong Biyernes ng umaga, ayon sa ulat ni Police Lt. Col Charles Daven Capagcuan, hepe ng Tagayaty Component City Police Station.…

Read More

2 AMA PUMATAY NG KANILANG ANAK

DALAWANG ama ang pumatay ng kanilang anak, isa sa mga suspek ay nagpatiwakal, sa magkahiwalay na lugar. Sa Iba Zambales, sinasabing naalimpungatan lamang ang isang lalaki at pagbalikwas nito mula sa higaan ay pinagtataga ang dalawa niyang anak na kapwa namatay bago isinunod ang kanyang asawa na malubhang nasugatan. Dead on the spot ang batang pitong taong gulang at kapatid nitong dose anyos habang sugatan ang kanilang ina at isa pang kapatid sa hacking incident sa loob ng bahay ng pamilya. Sinabi ng ina ng mga biktima na si Mary…

Read More