POGO MONEY GINAMIT SA WAR ON DRUGS

MULA sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang perang ipinambayad umano sa mga pulis na makakapatay na isang Pilipino na inaakusahang sangkot sa ilegal na droga noong panahon ng war-on-drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang isiniwalat ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., sa press conference kahapon, kasama ang apat na mambabatas na bumubuo sa Quad-Committee na mag-iimbestiga sa organisadong sindikato na kumikilos sa Pilipinas. Ang Quad-Com ay binubuo ng House committee on dangerous drugs, committee on public order and safety, committee…

Read More

DBM TODO DEPENSA SA P4.5-B SPY FUNDS NI BBM

DINEPENSAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit sa P4.5-bilyong alokasyon ng confidential and intelligence funds (CIF) sa ilalim ng panukalang P6.352-trillion 2025 national budget para sa Office of the President (OP). Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na binigyang-katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang CIF allocation para sa OP para sa susunod na taon, sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa Fiscal Year 2025 proposed National Expenditure Program (NEP). “He is the President, commander-in-chief, and the overall architect of national security and foreign…

Read More

PANIBAGONG PLUNDER CASE VS DIGONG, BONG GO, ATBP. ISINAMPA

SINAMPAHAN kahapon ng panibagong kaso ng pandarambong sa Department of Justice (DOJ) ni dating Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes sina kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Special Assistant to the President nitong si Sen. Christopher Lawrence T. “Bong” Go, Navy Admiral Robert Empedrad at ilang Defense officials. Kaugnay ito sa P16-billion frigate scam kung saan nagmaniobra umano sina Duterte at Bong Go para paboran ang isang private contractor. Ayon kay Trillanes, napakaimportante nitong kaso para maging ehemplo sa mga susunod na kontrata ng AFP modernization program na dapat end…

Read More

Mrs. Yulo sa anak na si Carlos: SORRY, HINDI AKO PERPEKTONG INA

EMOSYONAL na humingi ng tawad si Ginang Angelica Yulo sa anak na si 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo. Sa press conference kahapon ni Ginang Yulo kasama ang abogado na si Atty. Raymond Fortun, humingi ito ng paumanhin at patawad sa kanyang nabitawang salita. Aminado rin ang ginang sa kanyang pagkakamali sa mga post sa Facebook. Aniya, hindi siya perpektong ina, hindi rin perpektong anak si Carlos at walang perpektong pamilya. Gayunman, iginiit ng Ginang na ang iba pang nagsulputang mga pahayag sa X, dating Twitter at iba pang social…

Read More

TERM EXTENSION ISINULONG NA SA KAMARA

ISANG resolusyon ang inihain ng kaanak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para palawigin ang termino ng mga kongresista. Base sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 8 na inakda ni Ilocos Norte 2nd District Congressman Angelo Marcos Barba, nais nito na gawing limang taon ang termino ng congressmen mula sa kasalukuyang tatlong taon. Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang termino ng mga kongresista kasama ang local officials maliban sa barangay officials ay 3 taon at pwede silang tumakbo ng 3 beses para sa kabuuang 9 taon. “Whereas, the nine…

Read More

PROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR NAIS NI CONG. CO IPASAGOT SA PCSO

PARA wala nang ilalabas na pera ang mahihirap na pasyente, nais nina House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chairman Zaldy Co, at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na sagutin na lang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga professional fee ng doktor. Ayon kay Cong. Co, “usually sagot na ng medical assistance for indigent patient o MAIP ang bayad sa ospital at yung assistance for individuals in crisis situation o AICS ng DSWD”. “Pero ang kadalasang problema ng mga pasyente ay ang pambayad sa mga doctor na hindi naman tumatanggap…

Read More

Walang master plan sa flood control projects ILANG DPWH OFFICIALS PINASISIBAK

UMAPELA ang ilang sektor na alisin sa pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo. Ang panawagan ay kasunod ng pag-amin ni DPWH secretary Manuel Bonoan sa isang Senate hearing, na walang integrated national flood control plans ang ahensya samantalang may bilyon-bilyon pisong pondo ito para sa iba’t ibang infrastructure projects, kasama na ang…

Read More

CONG. ERIC YAP NANUMPA SA LAKAS-CMD

PORMAL nang nanumpa sina Benguet Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD. Mismong si Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oath-taking ceremony ng dalawang opisyal kahapon. Bunsod nito, umakyat na sa 103 ang mga kongresista na miyembro ng partido. Sinabi ni Speaker Romualdez, ang pagdami ng miyembro ng partido ay nangangahulugan ng mas malawak na suporta para sa administrasyon ng Pangulong Marcos Jr. Ani Speaker Romualdez, “Their leadership, experience, at commitment para magsilbi sa mamamayan ay sama-sama nilang isusulong para suportahan ang agenda…

Read More

KALAHATING MILYON ANG UTANG KO?

DPA ni BERNARD TAGUINOD NOONG 2022, umabot na sa 115.6 million ang populasyon sa Pilipinas na binubuo ng 26.39 million pamilya base sa census ng Philippine Statistic Authority (PSA) at habang tumatagal ay dumarami ang mga tao. Hindi pa kasama dyan ang mga dayuhan lalo na ang Chinese nationals na ilegal na pumunta sa Pilipinas at wala nang balak bumalik sa China lalo na ‘yung wanted doon dahil tiyak na magiging miserable ang kanilang buhay hindi tulad sa Pilipinas na multi-billionaire sila at protektado pa ng corrupt officials. Anyway, noong…

Read More