KAPE at BRANDY ni Sonny T. Mallari ISANG malaking karangalan ang maimbitahan akong magsulat ng kolum sa pahayagang iginagalang ko. Peryodista ako. Naging bahagi rin ako ng radyo at telebisyon. Kung buhay ang Daddy ko, malamang ay nagyayabang siya sa mga kaumpugan niya ng bote ng ice-cold SMB dahil ang anak niyang college dropout, dating tambay, drug addict, alcoholic at parbol ay nasa larangan ngayon ng pamamahayag. Ibig sabihin nito, walang permanenteng ikot ang buhay ng tao sa mundo. Puwedeng magbago ang direksyon. Oldie na ako, 70 na. Pero sabi…
Read MoreDay: August 13, 2024
MAY PAGCOR LOBBY FUND BA NA UMIIKOT SA KONGRESO?
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NAG-VIRAL ang video ng budget hearing ng PAGCOR sa Kongreso kung saan ay napanood ang tila pagmungkahi ni One Filipino Worldwide Coalition (OFW) Party-list Representative Marissa Magsino na gawin na lamang legal ang illegal na online sabong upang magkaroon diumano ng pondo ang PAGCOR. Maraming OFW Leaders ang nagulantang at hindi makapaniwala na mula pa mismo sa nagpapakilalang representante ng OFWs nagmula ang panukalang ito, gayong halos lahat ng OFWs ang nakakaalam na napakaraming OFW ang lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa paglaganap…
Read MorePHILHEALTH MAS PINALAWAK BENEPISYO SA MGA PILIPINO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG medical profession, na kinabibilangan ni Dr. Tony Leachon, ang numero unong kritiko ng PhilHealth excess funds transfer, ay ginagabayan ng kasabihan na “primum non nocere” o “first, do no harm” sa English. Hindi lang nakatali sa apat na sulok ng mga ospital ang prinsipyong ito dahil ang sinomang pinagkatiwalaang mahawakan ang kapakanan ng publiko, tulad ng isang doktor, ay dapat laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga pinagsisibilhan. Pero itong si Doc Tony, imbes na makatulong sa paggamot ng mga sakit ng lipunan ay tila…
Read MoreManipesto ng Tristar hawak na ng BOC
RAPIDO NI PATRICK TULFO NA-STRESS ang inyong lingkod noong nakaraang Lunes nang makatanggap kami ng mensahe mula sa MICT (Manila International Container Terminal) na hindi umano nabigyan ng clearance ng legal department ang pagre-release ng mga container na ipinadala ng Tag Cargo mula sa bansang Kuwait. Ayon sa mensahe, hindi binigyan ng clearance na mailabas ang mga container hangga’t hindi nabubuksan ang nasa 11 containers na naglalaman ng nasa 200 na bagahe bawat isa. Ibig sabihin, matatagalan na naman ang paghihintay ng mga OFW bago makuha ang kanilang mga pinaghirapang…
Read MorePROMOSYON NG GOV’T OFFICIALS SA DONASYON NA MULA SA TOBACCO IKINABABAHALA
IKINABAHALA ng Parents Against Vape (PAV) ang ulat hinggil sa ilang opisyal umano ng gobyerno partikular ang kanilang pagtanggap at pag-promote ng mga mobile clinic na donasyon mula sa Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC). Sinabi ng Parents Against Vape na ang pampublikong pagpapakita ng naturang pag-endorso ng mga donasyon ay nagbabadya ng mga seryosong ethical, legal at health related issues. “The actions of these government officials and the accompanying display of support could be construed as a blatant endorsement of an industry that is known for its detrimental health…
Read MoreDAGDAG-SAHOD, BENEPISYO TUTUKAN PA RIN KAHIT BUMABA UNEMPLOYMENT RATE – TRABAHO PARTY-LIST
IKINATUWA ng Trabaho Party-list na nakamit ng Pilipinas ang isa sa pinakamababang unemployment rate ng bansa, naniniwala ito na dapat pa ring pagtuunan ng pansin ang pagpapataas ng sahod at paghandog ng dagdag benepisyo sa mga manggagawa. Ito ang reaksyon ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, matapos iulat ng isang research institution na ilan sa mga bagong trabaho ay nagpapasahod nang mas mababa sa tinatawag na “national average daily basic pay” o ADBP. Ayon sa Trabaho Party-list, magandang ulat na may trabaho kahit papaano ang mga…
Read MoreCathy Binag sa mga kaibigan kapag may nangyari sa kanya: 150 USB NA MAY EBIDENSYA NG BBM DRUG USE ISAPUBLIKO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAKIUSAPAN na umano ni Cathy Binag ang mga kaibigan na binigyan niya ng 150 USB na naglalaman ng mga ebidensya kaugnay sa sinasabing paggamit noon ng droga ni Pangulong Bongbong Marcos na isapubliko ito sa oras na may mangyaring masama sa kanya. Ito ay dahil nangangamba umano ang dating partner ni ex-Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo sa kanyang kaligtasan kasunod ng kanyang mga pagbubunyag. Unang lumutang si Binag sa vlogger na si Maharlika at doon ibinunyag ang kanya umanong mga nalalaman hinggil…
Read MoreFIRST TRANCHE NG UMENTO SA GOV’T WORKERS TIYAK NGAYONG 2024
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na maipatutupad na ngayong taon ang unang tranche ng umento sa sahod para sa mga government workers. Inihayag ito ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa isinigawang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa House Committee on Appropriations, sa opisyal na pagsisimula ng deliberasyon ng House of Representatives sa proposed P6.352 trillion National Budget para sa 2025. Kasama ang iba pang miyembro ng economic team ni President Ferdinand R. Marcos Jr., iprinisinta ng Kalihim ang key dimensions at highlights…
Read MoreSIM REGISTRATION LAW PAAAMYENDAHAN
NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na paamyendahan ang SIM Registration Law sa gitna ng patuloy na malawakang paggamit ng SIM card sa pandaraya at pang-i-scam. Kasama sa nais maisulong ng senador ang pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng mga pinapayagang SIM na maaaring irehistro sa bawat user at pagre-regulate ng Short Message Service (SMS) marketing, promotional, political o fundraising na ipinadadala sa pamamagitan ng mga SIM. Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangan ding matukoy ang mga indibidwal o organisasyon na nagbibigay-daan sa paggamit ng mga rehistradong SIM sa mga ilegal na…
Read More