DANCER NAHULOG SA STAGE, PATAY

CEBU CITY – Patay ang isang guest dancer sa local beauty pageant na “Enchantress of Inayawan 2024” nang ito ay mahulog habang bumababa sa stage habang ginaganap ang pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Inayawan sa lungsod noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report at sa kuhang video, matapos na mag-perform ang grupo ng biktimang kinilala sa pangalang “Juala”, pababa na ang mga ito at nasa pinakahuli ang biktima nang tila mahimatay ito at tuluyang nahulog sa hagdan ng stage. Agad itong sinaklolohan ng mga tauhan ng barangay at dinala sa…

Read More

P17.169-M HIGH-GRADE ‘KUSH’ MARIJUANA NASABAT

NASABAT ang halos 10.5 kilo ng high-grade ‘kush’ marijuana na nagkakahalaga ng P17.169 milyon, sa joint inspection ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark. Isinagawa ang inspeksyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEG), National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, Department of Justice (DOJ) at barangay officials ng Dau. Ayon sa BOC, dumating ang kargamento noong Agosto 6, 2024, at idineklara bilang dalawang piraso ng “One Seat Sofa.” Ito ay minarkahan para sa inspeksyon ng X-ray Inspection Project (XIP)…

Read More

DILG KAY QUIBOLOY: SUMUKO KA NA

“ANG akusasyon (ng panggagahasa ng bata), calls for a direct answer. Totoo ba ito, Pastor, o hindi?” Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy, na hinihimok din nitong sumuko na at harapin ang iba’t ibang kasong nakasampa laban sa kanya. Si Quiboloy at ang kanyang mga kasabwat ay may warrant of arrest para sa mga kasong qualified human trafficking, sexual abuse of minors, at maltreatment. Nilinaw ni SILG Abalos na hindi niya kilala si Quiboloy nang personal at iginagalang…

Read More

BARANGAY COUNCILOR BINARIL NG KAAWAY NG PAMANGKIN

CAVITE – Inoobserbahan sa pagamutan ang isang barangay councilor makaraang barilin ng suspek na kaaway ng kanyang pamangkin sa barangay hall sa bayan ng Tanza noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Tanza Doctor’s Hospital ang biktimang si alyas “Emilio”, 54, ng Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite dahil sa tama ng bala sa ulo. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Andy”, ng nasabi ring barangay, na tumakas sa direksyon ng Amaya Crossing, Tanza, Cavite sakay ng tricycle. Ayon sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi nang…

Read More