INAALAM ngayon kung politically motivated o personal grudge ang motibo sa paglikida sa isang tauhan ng Manila City na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin. Kinumpirma ni Manila Mayor Honey Lacuna na malapit sa kanila ang nasawing kawani na sinasabing isang sound technician. Ayon kay Mayor Lacuna, hindi pa gaanong nagtatagal matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan si Carmelo Ocampo, 55 anyos at residente ng 481 Peñalosa Street ng Brgy 81, Tondo ay kinausap na ni Mayor Lacuna si Manila Police District Director PBGen. Arnold Thomas Ibay para tutukan…
Read MoreDay: August 27, 2024
MOMMY CARING TULFO SUMAKABILANG BUHAY, 97
MABIGAT sa puso na ipinababatid ng pamilya Tulfo na ang kanilang pinakamamahal na ina na si Gng. Caridad Teshiba Tulfo, ay sumakabilang buhay na kahapon, Agosto 27, sa edad na 97, dahil sa natural na kadahilanan, at ngayon ay kapiling na ng ating Panginoong Maykapal. Inulila ni Mommy Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr., Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin at Edel, gayundin ang kanyang mga manugang, at mga apo. Para sa mga nais makiramay sa pamilya, si Mommy Caring ay maaaring masilayan sa Sanctuarium, na…
Read MoreLGUs, GOV’T AGENCIES PINASALAMATAN SA MAAGAP NA PAGKILOS
LABIS ang pasasalamat ng mga residente ng lungsod ng Malabon sa maagap na pagkilos ng mga local government at iba pang ahensya ng pamahalaan upang maayos ang nasira nitong navigational gate na nagsisilbing pananggalang sa baha lalo na pag may bagyo ganon din kapag nagka-high tide. Bagamat napakalaking perwisyo ang idinulot nito sa mga kabahayan na dinadaanan ng malakas na agos ng tubig, nagkaisa ang magkatabing lungsod ng Malabon at Navotas sa pangunguna ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-usapan kung…
Read MoreHUMANITARIAN MISSION NG PCG HINARANG NG 40 CHINA VESSELS
KABUUANG 40 na sasakyang pandagat ng China, kabilang ang tatlong warships, ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG). Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng China Coast Guard, tatlong barkong pandigma ng People’s Liberation Army-Navy, at 31 Chinese maritime militia vessels ang naka-deploy nang magsagawa ng misyon ang BRP Teresa Magbanua. Ayon pa kay Tarriela, sa panahon ng misyon na ito, ang People’s Republic of…
Read MoreLitratong kuha noong 2020 kumalat sa socmed PBBM, FL LIZA AT MGA SANGKOT SA POGO MAGKAKASAMA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMIKOT sa social media ang larawan kung saan makikita ang First Couple na kasama ang ilang personalidad na isinasangkot sa ilegal na POGO. Sa Pandesal forum sa Quezon City nitong Lunes, ipinakita rin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cassandra Li Ong, sa mga mamamahayag ang litrato at sinabing ihahayag niya ang mga pangyayari hinggil dito sa mga susunod na araw. Makikita sa larawan na magkatabi sina First Lady Liza Araneta-Marcos at si Ong, authorized representative ng nilusob na POGO hub sa Porac, Pampanga. Kasama rin…
Read MorePOLVORON ISSUE NILILIHIS SA KASO VS QUIBOLOY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “The best distraction sa ‘polvoron’ issue is to attack the roadblocks.” Pahayag ito ni Atty. Trixie Angeles sa gitna ng puspusang paghahalughog ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City simula noong Sabado para masukol ang nagtatagong si Apollo Quiboloy. Naniniwala ang dating Press Secretary ng Marcos Jr. admin na nais lamang pagtakpan ang kontrobersyal na ‘polvoron’ issue laban sa Pangulo sa ginagawang panggigipit ngayon sa KOJC at kay Quiboloy. “Of course, kailangan nilang pagtakpan ‘yang polvoron issue na iyan kasi ang…
Read MorePHILHEALTH FUND TRANSFER PAGNANAKAW SA BAYAN
(CHRISTIAN DALE) TINAWAG ni Dr. Tony Leachon ng Philippine Medical Association na “immoral at pagnanakaw” ang paglilipat ng pondo. “Pagnanakaw po ‘yun. Kasi alinsunod ho sa batas, any pondo po ng PhilHealth, kung sumobra po kayo, gagamitin lang ninyo po sa dalawang bagay: ang una po ay palakihin po ang benepisyo ng bawat pasyente. Ninakawan ka na, niloko ka pa,” diing pahayag nito. Sa taunang pagtaas sa kontribusyon, binigyang-diin ni Leachon na hindi dapat idahilan ang universal health care access para pondohan ang mga tulay at gusali. “E kailan ka…
Read MorePAGGAMIT NG INTEL FUND NG ILANG AHENSYA KINUWESTYON
KINUMPIRMA ni Shiela Leal Guo nang humarap sa Senado ang kanilang pagtakas ng bansa kasama si dismissed Bamban Mayor Alice Guo at Wesley Guo patungo sa Malaysia sa pagpatuloy ng pagdinig na pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros, committee chairman kasama sina Senator Win Gatchalian at Minority Leader Aquilino Koko Pimentel. (DANNY BACOLOD) KINUWESTYON ni Senador Sherwin Gatchalian ang paggamit ng intelligence fund ng mga ahensya sa gitna ng misteryo ng pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senado sa pagtakas ni Guo, binigyang-diin ni…
Read MorePAGHAHANDA PARA SA HINAHARAP
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa aktwal na kinakaharap natin sa bansa ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente at ang matunog na panawagan sa buong mundo na tumangkilik sa mas malinis na pagkukunan nito. Kaya marami nga ring inisyatibang naglalayong isulong ang renewable energy, ang paggamit ng solar, wind o hydropower resources na available naman sa maraming bahagi ng bansa. Napakamatunog nito at napakarami na ring polisiya ng pamahalaan para mas mapaigtimg pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa. Pero habang narito na tayo sa aspetong…
Read More