(BERNARD TAGUINOD) INAKUSAHAN ni Police LtCol. Jovie Espenido ang Philippine National Police (PNP) na “Biggest Crime Group” dahil ilan sa mga ito ang sangkot sa droga at front lamang umano ang mga drug lord. Binanggit ito ni Espenido sa kanyang pagharap sa ikatlong pagdinig ng Quad Committee sa Kamara hinggil sa koneksyon ng POGO, Illegal Drug Trade at Extra-judicial killings (EJK). “In my experience, I can say that the PNP is the biggest crime group in the country,” ayon sa affidavit ng police official. “Police elements help them set-up their…
Read MoreDay: August 28, 2024
ILLEGAL SIDEWALK VENDORS WINALIS SA MONUMENTO, SANGANDAAN
NAGSAGAWA ng sorpresang operasyon laban sa illegal sidewalk vendors at terminal ng mga pampasaherong sasakyan, ang pinagsanib na pwersa ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at mga kagawad ng barangay mula Monumento hanggang Sangandaan kamakailan. Ito ay bunsod sa reklamo ng mamamayan sa hindi maayos na mga daan at nagdudulot ng perwisyo sa mga pedestrian na dumadaan sa mga pangunahing lansangan, dahil halos okupado ng mga illegal vendor at ginagawang terminal ng mga pangpublikong sasakyan. Pinagdududahan tuloy na maaaring may kinikilingan o tinitingnan ang ilan sa mga…
Read MoreKLASE, TRABAHO SA NCR SINUSPINDE
SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa mga pampublikong eskwelahan at trabaho sa mga ahensya ng gobyerno sa National Capital Region (NCR), epektibo alas-7:00 ng umaga kahapon, Agosto 28, dahil sa epekto ng Southwest Monsoon. Ang suspensyon ng klase at trabaho sa NCR ay tugon sa liham ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec Ariel F Nepomuceno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, ayon sa Presidential Communications Office (PCO). Nakasaad sa liham ni Nepomuceno, ipinabatid nito sa Pangulo na…
Read More15% bawas taripa ‘budol’ PRESYO NG BIGAS MATAAS PA RIN
(DANG SAMSON-GARCIA) PINUNA ni Senador Imee Marcos ang nagpapatuloy na mataas na presyo ng bigas makaraang ibaba sa 15 percent ang taripa sa imported na bigas. Sinabi ni Marcos na kahit ibinaba ang taripa ay halos hindi naman gumalaw ang presyo ng bigas sa merkado dahil ang special imported rice ay nasa P60.65 kada kilo, P56.84 ang premium imported, P53.43 ang well-milled imported, at P49.78 naman ang imported regular milled. Partikular na kinalampag ni Marcos ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at National Economic and Development Authority…
Read MoreP94.075-M SMUGGLED VAPE PRODUCTS, MOTOR PARTS, ACCESSORIES NADISKUBRE
UMABOT sa mahigit P94 milyong halaga ng smuggled motor parts and accessories at vape products ang nasamsam sa inilunsad na operasyon ng Bureau of Customs sa dalawang bodega sa Manila at Laguna. Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, ipinatupad ng isang composite team na pinamunuan ng Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), ang dalawang letters of authority (LOA) upang inspeksiyunin ang mga bodega kung saan natuklasan nila ang P19.075 milyong halaga ng pinaghihinalaang smuggled vape products, at tinatayang P75 milyong na halaga ng smuggled motorcycle parts at accessories.…
Read MoreHALOS 4K KASO NG DENGUE NAITALA SA BULACAN
LUNGSOD NG MALOLOS- Search and destroy of breeding sites, Self-protection measures, Seek early consultations, Support fogging or spraying during impending outbreak, at Sustain Hydration. Ito ang 5S Strategies na itinutulak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Dengue sa lalawigan. Ayon sa pinakabagong Dengue advisory ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), 3,805 hinihinalang kaso ng Dengue ang naitala sa lalawigan na 85% mataas kumpara sa mga kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Dagdag pa rito,…
Read MoreDATING WARDEN NG DAVAO PENAL COLONY KULONG SA BICUTAN
IPINAKULONG ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating warden ng Davao Penal Colony na si Supt. Gerardo Padilla dahil sa pagsisinungaling. Sa mosyon ni House committee on public account chairman Joseph Stephen Caraps Paduano, inaprubahan ng QuadComm na pinamumunuan ni House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers ang pag-contempt kay Padilla. Matapos nito, nagmosyon si Antipolo Rep. Romeo Acop na patawan ng 30 araw na pagkakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig na sinegundahan ng isang kongresista kaya inaprubahan. Si Padilla ay kabilang sa…
Read MoreMEGA FARMS PROJECT ITINUTULAK NG DAR
TILA ang pagsusumikap ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay mailap pa rin dahil patuloy na bigo ang pamahalaan na maisakatuparan ito. Bunsod nito, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas mula P35 hanggang P60 pesos kada kilo ito’y dahil na rin umano sa hindi pagiging stable ng sektor ng agrikultura at agricultural product sa bansa. Ayon kay dating DAR Secretary Bernie Cruz, nakikita nito na makakamit ang pagsasakatuparan ng pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa…
Read MoreREVILLA SINAMAHAN SI PBBM SA PAMAMAHAGI NG TULONG SA MGA APEKTADO NG OIL SPILL
SINAMAHAN ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamahagi ng financial assistance nitong Miyerkoles (Agosto 27) sa mga magsasaka at mangingisda sa Lalawigan ng Cavite na naapektuhan ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Terra Nova. Sa isinagawang distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and their Families (PAFFF) sa General Trias, siyam na libong (9,000) benepisyaryo ang nabiyayaan ng P6,500 cash assistance sa pamamagitan ni PBBM. Matatandaan na noong Hulyo 25, lumubog ang oil tanker na MT Terra Nova sa karagatan ng…
Read More