50 Pesos lang yung tinaya, naging 303.5 Million ang biyaya

CDC Assistant VP ng Business Enhancement, Mr. Rodem R. Perez, at Casino Plus CEO, Mr. Evan Spytma, ay ipinagdiwang ang nagwagi ng 303 Million Jackpot sa kanilang Color Game. Manila, Agosto 25, 2024 – Isang masuwerteng manlalaro sa Color Game platform ng Casino Plus ang nanalo ng napakalaking premyong PHP 303.5 milyon mula sa taya na PHP 50 lamang. Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng swerte, kundi pati na rin ng transparency at pagiging patas ng operasyon ng platform. Transparent at Makatarungang Karanasan sa Laro Kilala…

Read More

PFP MAY MAYORALTY BET NA SA 2025 ELECTION SA PASIG CITY

Si Partido Federal ng Pilipinas secretary general Tom Lantion habang pinapanumpa bilang mga bagong miyembro ng PFP mula sa Pasig City ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya (pangatlo at pang-apat mula sa kanan), kasama ang kilalang dating konsehal ng lungsod na si Mario Concepcion, Jr. (pangalawa mula sa kanan) at ang dating chairman ng Brgy. Bambang na si Reynaldo Samson, Jr. (dulong kanan) PASIG City —- Tinatayang mapapalaban si Mayor Vico Sotto sa darating na 2025 midterm election matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ang mag-asawang benefactor…

Read More

SECRET PASSAGES NADISKUBRE SA KOJC COMPOUND

TULOY-TULOY pa rin ang isinasagawang paghahalughog ng mga tauhan ng Philippine National Police-Police Regional Office 11 sa 30 ektaryang compound ng Kingdom of Jesus Christ sa pagsisikap na matunton at maisilbi ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito. Sa inilabas na updates ng PNP matapos ang ilang araw na law enforcement operation, nasa halos limampung porsyento pa lang ang nahahalughog na lugar sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ito ay matapos madiskubre ng mga awtoridad ang masalimuot na…

Read More

3 SCALAWAG COPS KINASUHAN SA P30-M ROBBERY SA BULACAN

PORMAL nang sinampahan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) nitong Biyernes sa Bulacan Provincial Prosecutor Office, ang tatlong pulis na umano’y sangkot sa insidente ng robbery hold-up noong Miyerkoles ng umaga matapos silang manloob sa bahay ng isang negosyante sa Brgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan at tinangay ang P30 milyong cash at ilang gadgets. Ang mga pulis na nahaharap sa kasong robbery matapos silang mahuli sa follow-up operations, ay kinilalang sina PSSg Anthony Ancheta, 48, nakatalaga sa Malolos City Police Station; PMaj. Armando Reyes, 55, nakatalaga sa Hagonoy Police Station,…

Read More

3 PATAY SA BARILAN SA QUEZON

QUEZON – Tatlo ang patay sa nangyari umanong barilan sa pagitan ng apat na hindi kilalang lalaki at mga residente ng Barangay San Jose, bayan ng San Antonio sa lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa report ng San Antonio Police, nagsimula ang insidente dakong alas 2:30 ng madaling araw nang sitahin ng security guard na si Jayrenol De Chavez ang apat na lalaking sakay ng isang tricycle na nakitang papasok sa subdivision na kanyang binabantayan. Subalit nagbunot umano ng baril ang isa sa mga lalaki kaya tumakbo ang…

Read More

MAHIGIT 2-M SHABU, ECSTASY NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng umano’y ecstasy at shabu ang nasamsam matapos naaresto ang tatlong hinihinalang tulak kabilang ang dalawang babae, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5. in relation to Sec. 26 para b, Art. II ng RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina Lenard Cañete y Cuenca alyas “Marlon”, 27, tricycle driver; Abegail Arandia y Gomez alyas “Bai”, 21, dalaga, at Claire Ann Adolfo y Rosel, 21, pawang residente ng Brgy. Paliparan…

Read More