Nagpapagamit kay Marcos PNP ‘DI NA SUMUSUNOD SA BATAS – MAYOR BASTE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING pinatutsadahan ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang Philippine National Police (PNP) na patuloy sa kanilang paggalugad sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa nasabing lungsod. Ayon sa alkalde, sa simula pa lang ay hindi na sumunod sa batas ang kapulisan nang kubkubin nila ang compound ng KOJC sa paniwalang doon nagtatago ang pinaghahanap na si Apollo Quiboloy. Kahapon ay dumulog ang ilang tag-KOJC na humiling kay Duterte na pigilan ang drilling operation ng PNP sa compound. Gayunman, duda si Duterte na…

Read More

GOV’T WORKERS PINAASA SA EO 64 NI MARCOS

KINUWESTIYON ng kinatawan ng mga guro sa Kamara ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kakarampot na lang umano ang umento sa sahod ng mga government employees ay hindi pa ito ibinibigay. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ipinagmalaki ng Malacanang ang Executive Order (EO) 64 na nilagdaan ni Marcos noong Agosto 2, 2024 para sa dagdag sahod ng government employees. Gayunpaman, isang buwan na ang lumipas ay hindi pa natatanggap ng karamihan sa mga empleyado ng gobyerno, kasama na ang mga public school teachers ang umento…

Read More

COA sinita inaamag na nutribun FEEDING PROGRAM NG DEPED SABLAY

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun, nabubulok na mga food item, hindi maayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim…

Read More

PAGSUSPINDE NG KLASE, TRABAHO AGAHAN – PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na makapagbibigay ng ‘early advisories’ na may kinalaman sa suspensyon ng klase at trabaho dahil sa masamang panahon. Hangad ni Pangulong Marcos na kaagad malaman ng publiko kung kakanselahin ang trabaho at klase sa susunod na araw bago pa sila matulog sa gabi upang makagawa ang mga ito ng kinakailangang adjustments. ”We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow. Ang instruction ko sa kanila kung maaari…

Read More

METRO MANILA BINAHA NA NAMAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING lumubog sa baha ang maraming lugar sa kalakhang Maynila nitong Lunes dulot ng tuloy-tuloy na ulan na dala ng Bagyong Enteng at habagat. Sa kasagsagan ng buhos ng ulan at pagbayo ng hangin ay may ilang punongkahoy ay poste ng kuryente ang natumba. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagdulot ng lalong pagbagal ng usad ng mga sasakyan ang mga natumbang puno ay poste. Nabatid na isang punong-kahoy ang natumba sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City bandang 7AM, sinundan ito ng isa pang…

Read More

2 PATAY, 10 SUGATAN SA BAGYONG ENTENG, HABAGAT – NDRRMC

MAY dalawang iniulat na nasawi sa Region 7 bunsod nang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod pa sa may sampu kataong nasaktan. Ayon sa NDRRMC, kasalukuyan nilang bina-validate ang dalawang reported death sa Cebu City sa magkahiwalay na landslides dulot ng malakas ng ulan dala ng bagyong Enteng. Sa 8 a.m. situational report nitong Lunes, sinabi ng NDRRMC, ang mga biktima ng bagyo ay mula lahat sa Northern Mindanao at patuloy pa ring bina-validate. Samantala, nasa 63 indibidwal o…

Read More

ARMY JUNIOR OFFICER PATAY SA PAGRESPONDE VS NPA

CAMARINES SUR – Sinalubong ng bala ang mga tauhan ng Philippine Army na nagresponde sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng mga nangingikil na kasapi umano ng Communist New People’s Army na naging sanhi sa pagbuwis ng buhay ng isang military junior officer noong Linggo sa bayan ng Bula sa lalawigan. Patay sa engkwentro si 2Lt. Ramir De Leon ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion, na siyang nanguna sa tropa ng Philippine Army na tumugon sa sumbong ng mga residente sa Barangay Lubgan, sa bayan ng Bula hinggil sa…

Read More

2 PNP OFFICIALS, ABOGADO PATAY SA SHOOTOUT

CAVITE – Dead on the spot ang isang police captain na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR), habang hindi umabot nang buhay sa ospital ang isa pang police captain, at isang abogado nang paputukan ng huli ang dalawang opisyal ng pulisya at gumanti naman ang mga ito sa isang subdibisyon sa Tagaytay City noong Linggo ng hapon. Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Police Captain Adrian Binalay ng CIDG-NCR, habang isinugod sa Tagaytay City Medical Center sina Police Captain Tomas Ganio Batarao Jr., ng…

Read More

MABUTI ANG KOMPETISYON PARA SA MGA KONSYUMER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita nitong nakaraang linggo ang interes ng malalaking kumpanya sa isinasagawang bidding ng Meralco. Pinaghahandaan na kasi ng kumpanya ang kakailanganing suplay simula sa susunod na taon, kaya naman para masigurong mababa ang magiging presyo, kailangang sumailalim ito sa tinatawag na Competitive Selection Process (CSP). Siguradong matindi ang kompetisyon dahil malalaking pangalan sa industriya ng enerhiya ang maglalaban-laban. Pinangalanan ng Meralco ang mga nagpahayag ng interest — ang Masinloc Power at Sual Power ng San Miguel, GNPower ng Aboitiz, First Gas at First…

Read More