PATAY SA BAGYONG ENTENG NADAGDAGAN

UMAKYAT na sa 13 katao ang iniulat na nasawi bunsod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng na pinalakas pa ng nararanasang Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa disaster response agencies at nakalap na datos mula sa local government units. Gayunman, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pawang under validation pa ang initial reports mula sa CALABARZON, Regions 6 at 7. Sampu pa lamang umano ang kanilang kinumpirmang reported death. Pahayag ng Office of Civil Defense (OCD), ang implementing arms ng NDRRMC, kahapon ng…

Read More

15 ILLEGAL ALIENS NAHARANG SA TAWI-TAWI

SITANGKAI, Tawi-Tawi— Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Mindanao ang labing-limang undocumented foreign nationals sa Tawi-tawi noong Setyembre 1. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang naaresto ay kinabibilangan ng 8 Chinese, at 7 Malaysians na natuklasang pumasok sa Pilipinas sakay ng dalawang speedboats. Ayon sa report, ang 15 dayuhan ay naharang ng pinagsamang mga elemento ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Navy (PN), at Philippine Army (PA) na nagsasagawa ng maritime patrol sa nasabing border areas. “Early morning today, we received information from the patrolling agencies that…

Read More

4 PA NALUNOD, 3 MISSING SA BAHA SA RIZAL

APAT katao pa ang iniulat na nalunod habang tatlo ang nawawala dahil sa mga pagbaha sa iba’t ibang bayan sa Rizal. Sa Cainta, nalunod ang isang lalaki na kinilala sa pangalang Randy habang nangunguha ito ng basura sa gilid ng ilog sa Parkplace creek sa Barangay Sto. Domingo dakong alas-11:45 noong Lunes ng umaga. Nawalan umano ito ng panimbang at nahulog sa Cainta River at tuluyang tinangay ng agos. Hindi pa natatagpuan ng search and rescue (SAR) team ng Cainta ang katawan nito. Isa namang bangkay ng hindi pa kilalang…

Read More

SENADO, KAMARA TAHIMIK SA PHILHEALTH FUND TRANSFER

IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila pananahimik ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth. Maging ang hindi anila pagkibo o pagpalag ng bussiness sector ay kapuna-puna. Matatandaang tinawag ni Dr. Tony Leachon ng Philippine Medical Association na “immoral at pagnanakaw” ang paglilipat ng pondo. “Pagnanakaw po ‘yun. Kasi alinsunod ho sa batas, any pondo po ng PhilHealth, kung sumobra po kayo, gagamitin lang ninyo po sa dalawang bagay: ang una po ay palakihin po ang benepisyo ng bawat pasyente. Ninakawan ka na, niloko ka…

Read More

PAGBABAKUNA KONTRA ASF SUPORTADO NG MGA MAGBABABOY

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang hog raiser associations, cooperatives at veterinary practitioners sa programa ng Department of Agriculture (DA) na pagbabakuna laban sa African Swine Fever (ASF), sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI). Ayon kay Nicanor ‘Nikki’ Briones, pangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list, simula nang magka-outbreak ng ASF noong 2019, malaki ang epekto nito sa lokal na produksyon at suplay ng baboy, na nagresulta sa pagkalugi sa kabuhayan ng maraming magbababoy sa bansa. Nagpapasalamat ang mga magbababoy na sinimulan na ng DA ang…

Read More

Taumbayan umaalma sa malawakang pagbaha PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECTS NAUWI SA KORUPSYON?

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pwedeng hindi panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging si dating pangulong Rodrigo Duterte sa palpak na flood control projects na ginastusan ng mahigit isang trilyong piso mula noong 2019. Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares kasunod mapaminsalang baha na idinulot ng bagyong Enteng kung saan labis na naapektuhan ang Metro Manila, Antipolo Rizal at mga karatig lalawigan. “Filipinos demand accountability from the Marcos Jr. government as well as immediate predecessors for the failed flood control programs that have left…

Read More

BIDDING DOCUMENTS NG DEPED BUBUSISIIN NG KAMARA

MAGSASAGAWA ng hiwalay na imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng proyekto na ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong panahon ni Vice President Sara Duterte. Sa mosyon ni Batangas Rep. Gerville “Jinky” Luistro at hindi tinutulan ng sinumang miyembro ng House committee on appropriations, inaprubahan ang kahilingan na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon kung paano na-bid ang mga proyekto sa DepEd tulad ng mga laptop. Ginawa ng mambabatas ang mosyon dahil sa paniniwala ni AKO Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na nagkaroong ng ‘rigged bidding” sa laptop…

Read More

EBIDENSYA SA QUOTA SYSTEM SA WAR ON DRUGS MALAKAS

MALAKAS ang ebidensya na kinotahan (quota) ang mga pulis para pumatay ng 50 hanggang 200 drug suspect araw-araw noong kasagsagan ng war on drugs ng nakaraang administrasyon kapalit ang money reward. Ito ang kinumpirma ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na co-chairman din ng quad committee na nag-iimbestiga sa pagkakaugnay ng Philippine offshore gaming operators (POGO), illegal drug smuggling at extra-judicial killings (EJK). “In just three hearings, the quad comm inquiry has exposed an intricate and expansive network of smuggling and trafficking in…

Read More

200 BARKO NG CHINA NAGLIPANA SA WPS

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Setyembre 3, na naglipana ang kabuuang 203 barko ng China sa West Philippine Sea (WPS) nitong nakalipas na linggo. Bagama’t hindi nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, ito umano ang pinakamataas na bilang ng mga barko ng China na naitala ngayong taon. Samantala, mas pinaigting pa ang air at naval patrols sa Escoda Shoal bilang suporta sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Teresa Magbanua na paulit-ulit na binangga ng mga China Coast Guard vessel noong…

Read More