MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply ng reactivation para sa 2025 national and local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkoles. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, 3.3 milyon nito ang nadagdag kung saan 2.6 milyon ang bagong botante at mahigit na 600,000 ang nagpa-reactivate. Ayon kay Laudiangco, inaasahan na sa dalawang linggo na nalalabi para sa registration ay mas darami pa ang mag-apply bilang bagong rehistradong botante lalong-lalo na ‘yung mga na-deactivate. Ang deadline para sa…
Read MoreDay: September 18, 2024
PAGKAKASANGKOT NG MGA BANGKO SA POGO PINABUBUSISI
ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng mga bangko sa pagpapatayo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution 1193, sinabi ni Gatchalian na dapat magkaroon ng pagsisiyasat sa mga kahina-hinalang transaksyon sa mga bangko na may kinalaman sa POGO at kabiguan na masita at matukoy ang mga ito. Ayon kay Gatchalian, ang nakaraang mga pagsisiyasat ng Senado sa POGO-related activities ay nagsiwalat ng mga transaksyon sa bangko na kinasasangkutan ng mga kumpanyang pag-aari ni Guo Hua Ping…
Read MoreSa pag-aresto sa transport leaders PROTESTA KRIMEN NA BA SA MARCOS ADMIN? – SOLON
(BERNARD TAGUINOD) SA halip pakinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinaing ng mga tsuper na kontra sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay tinatratong kriminal na ang mga ito. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos arestuhin ng mga otoridad ang mga transport leader mula sa PISTON at Manibela sa Bacolod City na nagsasagawa ng protesta sa Transport summit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “Bingi-bingihan ang gobyerno sa mga hinaing ng mga tsuper na apektado ng PUV modernization program. Imbes na pakinggan,…
Read MoreMGA BIG BOSS NG LUCKY SOUTH 99, TINUTUGAYGAYAN PA RIN
PATULOY na tinutugaygayan ng mga awtoridad ang itinuturing na mga Chinese big boss ng Lucky South 99 POGO at ng POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sinasabing ang tatlong big boses ay naging mga kasosyo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, ay tuloy-tuloy na minamanmanan ngayon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration, at maging ng National Bureau of investigation. Ayon sa PAOCC, lumalabas na iba-ibang hawak na passport ang mga naturang Chinese national na nagpapaikot-ikot umano sa mga kalapit bansa. Una nang kinumpirma ng PAOCC na nasa Hong…
Read MoreMABILOG GIGISAHIN SA KAUGNAYAN SA ILEGAL NA DROGA
IIMBITAHAN ng House Quad Comm si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog para magbigay linaw sa kanya umanong kinalaman sa ilegal na droga, batay sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iniimbestigahan ng Quad Committee, na binubuo ng House committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ang umano’y pagkakaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs, money laundering, at extrajudicial killings (EJKs) sa panahon ng Duterte administration. Inabandona ni Mabilog ang kanyang mga nasasakupan at umalis ng bansa noong 2017 matapos isama ni…
Read MorePAYMAYA CARD NG SENIORS SA MAYNILA PINASUSURENDER
UMAPELA si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng senior citizens sa lungsod na i-surrender ang kanilang PayMaya cards na mapapaso na ngayon buwan para mapalitan ng bagong senior citizen cards na walang expiration date. Ayon kay Lacuna, lahat ng PayMaya cards na dating ginagamit ng mga senior citizen para makuha ang kanilang monthly cash allowance, ay nakatakdang mapaso ngayong buwan ng September. At dahil madalas na nirereklamo ng mga senior sa kanyang tanggapan at sa tanggapan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa ilalim ni Elinor Jacinto ang…
Read MoreLALAKI NAHULIHAN NG BARIL SA QUIAPO
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng baril ng mga tauhan ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, sa Quiapo, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Raymond Pantoja, residente ng Barangay 385, Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Investigation Management Branch (SIDMB), bandang ala-1:10 ng madaling araw nang masabat ang suspek habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang pulisya sa kahabaan ng P.…
Read MoreUP, PARA SA LAHAT NGA BA?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG Unibersidad ng Pilipinas (UP) na iginagalang bilang balwarte ng progresibong kaisipan at katarungang panlipunan, ay muling nakikipagbuno sa sarili nitong krisis sa pagkakakilanlan. Sa pagkakataong ito, ang kontrobersya ay nakasentro sa terminong “Burgis,” isang salitang balbal na Filipino na ginamit upang ilarawan ang itinuturing na mga elitista o hiwalay sa pakikibaka ng mga ordinaryong tao. Itinatampok ng isyu ang lumalaking dibisyon sa pagitan ng mga taong may pribelihiyong mag-aral sa mga pribadong unibersidad ngunit pinipili pa rin ang mga state university kaya napagkakaitan…
Read MoreMAHIYA KAYO SA BALAT N’YO
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAPAG sinabihan ka ng “Mahiya ka naman sa balat mo” ay parang binigyan ka ng kausap mo ng mag-asawang sampal sa pingi mo at ang karaniwang sinasabihan ng ganitong kawikaan ay ‘yung mga taong nagsasamantala sa kapwa at kapangyarihan. Ang kasabihang iyan ay nawala na sa karamihan sa mga Pinoy lalo na sa mga elected at appointed officials. Kung merong mang natitira ay mangilan-ngilan na lang na tulad ng mga hayop na extinct na o unti-unting nawawala na. Pero sa Japan at Singapore ay uso pa…
Read More