P48-B DROGA NASAMSAM NG PDEA

IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot sa P47.94 bilyon ang halaga ng narcotics na nasamsam sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Base sa PDEA The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign, kabilang dito ang 6,231.13 kg. ng shabu, 74.72 kg. ng cocaine, 109,169 party drugs o ecstasy tablets, at 5,398.35 kg. ng marijuana na nasamsam mula Hulyo 2022 hanggang Agosto 31 ngayong taon. Samantala, 29,032 sa 42,000 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” sa parehong panahon…

Read More

MISSING NA MANGINGISDA NASAGIP NANG BUHAY

HIMALANG nakaligtas at nasagip nang buhay ang isang mangingisda na mahigit ng isang buwang nawawala sa karagatan ng Pacific Ocean. Noong Huwebes, nasagip ng isang cargo vessel ang 50-taong gulang na si Robin Dejillo habang sakay ng kanyang maliit na bangka sa karagatang sakop ng Batanes matapos magpalutang-lutang sa dagat ng 46 na araw. Dehaydrated at halos hindi na ito makapagsalita nang matagpuan. Nagawa nitong makatagal sa karagatan sa pamamagitan ng tubig-ulan na siya nitong iniinom at sa mga isdang nahuhuli nito at bunga ng niyog na nakuha niya sa…

Read More

P272K SHABU, BARIL, BALA, NASABAT SA 3 TULAK

CAVITE – Himas-rehas ang tatlong hinihnalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, makaraang nahulihan ng tinatayang P272,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek na sina alyas “Alex”, “Roilan” at “Princess”. Ayon sa ulat, bandang alas-10:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Intel/City Drug Enforcement Team…

Read More

17 ARESTADO SA ILLEGAL FISHING SA QUEZON

QUEZON – Inaresto ng mga awtoridad ang 17 sakay ng isang commercial fishing boat dahil sa ilegal na pangingisda sa karagatan malapit sa Balesin island, sa bayan ng Polillo sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Nasabat ng nagsanib pwersang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A – Fisheries Protection and Law Enforcement CALABARZON, kasama ang Naval Forces Southern Luzon, PNP Polillo Maritime Group, at mga tauhan ng Philippine Army at ang Bantay Dagat Polillo, ang isang unmarked commercial fishing boat na napag-alamang gumagamit ng…

Read More

KAPATID NI MICHAEL YANG ARESTADO

NADAKIP ng mga otoridad ang kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang na si Tony Yang. Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), dinakip nila si Yang Jian Xin dahil sa mission order bilang undesirable alien ng Bureau of Immigration at PAOCC. Naganap ang pag-aresto nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Si Tony Yang ay itinuturong nasa likod ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cagayan de Oro. Magugunitang si Michael Yang ay na-cite in contempt ng House Commitee on…

Read More

P20-M UNMARKED FUEL NASABAT SA PAIHI SA DAGAT

TINATAYANG umabot sa P20 milyong halaga ng hinihinalang smuggled fuel ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) matapos na masabat ang dalawang fuel tanker dahil pinaniniwalaang gamit sa “paihi” o fuel pilferage. Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nadiskubre ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port, na nagsasagawa ng paihi ang nasabat na MT Tri Trust at MT Mega Ensoleillee sa Navotas Fish Port. Ang isinagawang anti-smuggling operation ng BOC ay nagresulta sa nakumpiskang 370,000 litro ng unmarked fuel na nagkakahalaga ng…

Read More

Testimonya gagamiting ebidensya vs Quiboloy ANGELS OF DEATH MEMBER HAWAK NG PNP-CIDG

KASALUKUYANG bina-validate ng binuong Special Task Group ang pahayag ng isang self-confessed member ng umano’y Angels of Death ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apoolo Quiboloy, na hawak ngayon ng Philippine National Police sa Davao. Kinumpirma ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nasa kustodiya ngayon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 11 ang umano’y kasapi ng “Angels of Death” ni ex-fugitive Pastor Quiboloy. Ang Angels of Death ay matatandaang ginamit umano ni Quiboloy bilang panakot sa kanya mga menor de edad na biktima na hahabulin sila…

Read More

P10K FINANCIAL ASSISTANCE, IBA PA SA TONDO FIRE VICTIMS PINULITIKA

NAANTALA ang distribusyon ng P10,000 financial assistance, hygiene kits at relief items sa bawat isa sa mahigit 2,000 pamilyang biktima ng dalawang sunog sa Tondo, dahil tinangka umanong harangin ng ilang miyembro ng minority group sa Manila City Council ang pagpasa ng resolusyon na kailangan para sa mabilis na paglabas ng pondo ng pamahalaan na kailangan para rito. Gayunman bigo pa rin umano ang minorya na harangin ang pagpasa ng nasabing resolusyon. Ito ang nabatid matapos na personal na humingi ng paumanhin si Manila Mayor Honey Lacuna dahil sa pangyayari…

Read More

DURAN DURAN’ SA B-DAY BASH NI MARCOS, URI NG KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo. Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito: “PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko…

Read More