MARCOLETA HINUBARAN NG COMMITTEE MEMBERSHIP

SINIBAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa makapangyarihan Commission on Appointment (CA) si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta. Sa huling sesyon ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi, ininominate ni House deputy majority leader at Iloilo City Rep. Jam Baronda si Manila Teachers party-list Rep. Virgilio Lacson bilang kapalit ni Marcoleta sa CA. Si Marcoleta ay kilalang kaalyado ni Vice President Sara Duterte na kanyang ipinaglaban sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) dahil hindi umano sinusunod ng Kamara ang tradisyon na hindi na dapat kinakalkal…

Read More

Senatorial lineup ni BBM inismol ng netizens BAGONG PILIPINAS WALANG BAGO, PURO TRAPO

(CHRISTIAN DALE) DISMAYADO ang mga netizen sa inilabas na listahan ng mga pambato ng administrasyong Marcos sa pagkasenador sa midterm elections sa susunod na taon. Karamihan sa mga komento ay patutsada na budol ang slogan na Bagong Pilipinas ng Marcos admin dahil wala namang pagbabago kundi pareho pa rin na mga trapo at produkto ng dinastiya ang kanilang ilalako sa mga botante. Komento ng isang alyas Ricky: The Admin line up swarming with political butterflies and old recycled TRAPOS. Hindi nababagay ang Bagong Pilipinas na tagline ni BBM Jr dahil…

Read More

NETFLIX, IBA PANG DIGITALSERVICES PAPATAWAN NA NG VAT

MALAPIT nang mapasailalim ang mga foreign digital service provider gaya ng Netflix sa value added tax sa Pilipinas, pagtiyak ng Department of Finance (DoF). Sinabi ni DOF Undersecretary Domini Velasquez na ang batas ay nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oktubre 2, 2024 upang maging ganap na batas. “So (that’s an) additional revenue measure for us,” ang sinabi ni Velasquez, sa kanyang naging talumpati sa Management Association of the Philippines’ General Membership Meeting sa Taguig. Subalit, nilinaw ni Velasques na hindi ito bagong buwis. “It’s a way of…

Read More

TONY YANG MARUNONG MAG-TAGALOG AT BISAYA – PAOCC

NAKAPAGSASALITA ng ‘Tagalog at Bisaya’ ang negosyanteng si Tony Yang, kilala rin bilang Yang Jian Xin at Antonio Lim. Kinumpirma ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Dr. Winston Casio na si Yang ay nakapagsasalita ng “good Tagalog and a little bit of Bisaya” nang tanungin ukol sa sinasabing video ni Yang na nakikipag-usap sa mga awtoridad sa lengguwaheng Tagalog nang maaresto ang huli noong nakaraang linggo sa Maynila. “Marunong po talaga siya. Hindi lang kasing tatas nung pag Pilipino, pero talagang marunong siyang mag-Tagalog at saka nakakaintindi. At maging…

Read More

BENTAHAN NG DROGA SA ILOILO CITY TALAMAK SA PANAHON NI MABILOG – BATO

IGINIIT ni Senador Ronald ”Bato” dela Rosa na talamak ang ilegal na droga sa Iloilo City sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Jed Mabilog. Ayon sa Senador, ito ang dahilan kung bakit isinama si Mabilog sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte noon, at hindi dahil kaalyado siya ng dating administrasyon. Sa pag-upo ni Duterte, sinabi ni Bato na pinakamalakas ang bentahan ng shabu sa Iloilo City kaya doon tumutok ang mga intelligence agency ng gobyerno. Katwiran ni Bato, kung susundan ang katwiran ni Mabilog na pulitika ang dahilan, sana…

Read More

Romualdez sa rice importers: NAKATENGGANG IMPORTED RICE SA MICP IKALAT SA MERKADO

UMAPELA si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga importer ng 523 containers ng imported rice na nakatengga sa yarda ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BoC) na agad ipakalat ang mga ito sa mga pamilihan upang makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas. Ang apela ay ginawa ni Speaker Romualdez matapos pangunahan ang on-site inspection sa MICP nitong Miyerkoles ng hapon, kasunod na rin ng mga ulat na mahigit 800 containers o aabot sa 23 million kilos ng imported na bigas ang nakatengga sa…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT SA BIGTIME TULAK

CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang bigtime na tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police Station ang suspek na si alyas “Zahura”. Ayon sa ulat, bandang alas-01:15 hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office (RO) National Capital Region (NCR), PDEA RA IV-A RSET, Regional Police Drug Enforcement Unit 4A at Bacoor Component City Police sa Molino 2, Bacoor City na nagresulta…

Read More

Namaril ng kalaban sa basketball MAGKAPATID NA AMORES SUMURENDER SA PULIS

LAGUNA – Sumuko sa pulisya nitong Huwebes ng madaling araw ang PBA player na si John Amores at kapatid nito matapos paputukan ang kanilang nakaaway sa larong basketball sa bayan ng Lumban sa lalawigan dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkoles. Boluntaryong sumuko ang magkapatid sa himpilan ng pulisya sa Lumban dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Huwebes. Tumanggi muna ang mga itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente. Ayon sa report ng Lumban Police, dakong alas-6:00 ng gabi, naglalaro ng basketball si Amores sa isang court sa Barangay Salac, nang…

Read More

LAGLAGAN NA SA MARIKINA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAINIT na ang pulitika sa Pilipinas. Sabi nga, nakaka-excite at ngayong papalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy ay lalong iinit ang exciting part. Eto na. May balitang nagkakalaglagan at umiinit na ang pulitika sa Marikina City. Ayon sa ating insider, isa raw sa mga unang nanlaglag ay itong si Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel. Halos hindi kilala as in hindi sikat si Kat sa Marikina bago siya dumikit sa mga Teodoro. Para makilala? Bulong ng ating insider, nakiusap daw si Kat sa…

Read More